Home » Page 5
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


Ayan kase!

September 21, 2010
9:30pm ako dumating galing work pag dating ko sa bahay nanunuod sina Tito at Tita ng movie. VACANCY ung title at syempre NATAKOT ANG YEINE ng SOBRA! hindi tuloy ako makaweewee ngayon hahaha! Yun lang. Shinare ko lang! K.nyt. *laughing!*
Posted by yeinechan at 6:39 am | permalink | Add comment

Tony Tony! :)

September 20, 2010
“Rota will come out every friday!” said Carissa. Carissa is by the way a Filipina friend that I am working with. *wait lang its freezing cold na ulit, kaya badtrip na badtrip nanaman ako sa lamig, hindi nanaman ako masaya, isasara ko lang ang bintana ng munti kong kwarto dahil hindi ko nanaman maigalaw ang mga daliri ko WAHAHAHA!*  Okay ang saya ko lang hehe! so ayun nga ung schedule ko sa work every friday lalabas. I want to keep myself busy as possible, wala na nga akong time mag-internets! hindi na ako updated, wala akong iniisip kung hindi school *ehem ehem*  at trabaho. Hindi ko alam kung anong araw ako off dahil every friday makikita ko na lang na off pala ako ng monday in short paiba-iba! Masaya naman ako sa work, nakapag-adjust na rin ako haha. Kahit hindi ako nurse okay lang. Anyhoo, last friday nakita ko ang duty ko at sobra akong nagtaka nung nakita ko na nasa Top floor ako mapupunta. I worked for a month sa Ground so mas adjusted ako dun hindi ako ready maghandle ng ibang residente hahahah! dahil baguhan pa ako wala akong nagawa, gumora na lang ako sa Top floor at walang patumpik tumpik kong ginawa ang trabaho. 
 

Linda: Elaine, can you wash Tony? I tell you she’s very easy and very cooperative *forced smile*
Elaine: Alright Linda, I’ll go wash her and change her into a night dress.
 
Pagpasok ko ng room.
 
Elaine: Hi Tony!
Tony: raaaaaaaaaaaaaaaaaa! raaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! *like a real monster!*
Elaine: *shocked at isinara ang pinto*
 
Pumunta kay Linda.
 
Elaine: Linda, uhm, Tony was a bit scary. when I said hi to her she goes RAAAAAAAAAAAAAAA! RAAAAAAAAAAAAAA!
Linda: Oh dear! she’s like that, she can be a bit dangerous.
 
O cge A BIT ha A BIT! dangerous tapos sakin mo ibibigay? peltukan kaya kita! pero syempre hindi ko sinabi yan *smirk*
 
Elaine: ah, okay. I’ll try to calm her down then.
Linda: Okay love, be careful.
Elaine: I WILL BIGTIME!
 
Wala naman nagawa ang yeine kung hindi bumalik sa room ng Tony.
 
Elaine: Hi Tony, I’ll clean you and change your pad because its very wet.
Tony: WHAT!!?!!!??I KNOW ITS VERY WET! SO CHANGE IT!!!
Elaine: Okay. *so i wore my gloves etc.* Okay Tony, please hold on to the frame and try to stand still.
Tony: *in a very calm voice* Okay. thank you.
Elaine: Okay, now I will wipe your bumbum because you’ve done something.
Tony: * monsters-like* RAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! THEN DO IT!!!
Elaine: Okay, don’t shout, I will be very quick.
Tony: Okay nurse thank you.
Elaine: * napalitan na ang pad* Okay Tony, I’ll take off your vest now and put your night dress on.
Tony: NOOOOOOOOOO! GO OUT! RAAAAAAAAAAAAAAA!
Elaine: *nashocked ulit parang hulk na babae si Tony grabe!* I don’t want to leave you dirty Tony. I want you to be clean when you go to bed.
Tony: *calm again* Okay nurse, thank you.
 
So napalitan ko nga si TONY dear. pero bago naman ako lumabas ng pinto
 
TONY: RAAAAAAAAAAAAAAA! GO OUTTTTT RAAAAAAAAAAAA!

 
hindi ko alam kung matatawa ako sa moodswing nito ni tony e. natakot ako nung una kase she’s a one big momma. and very violent pa. Nastress ako promise!
 
 
Then next is IRIS. I like her, very sweet sya, early morning she was always like this.
 
Iris: weeeeeewoooooo weeeeeeeeeeeewoooooooooo weeeeeeeeeeewoooooooooooo God knows, God knows, God knows, weeewooo weeeewooo God knows, God knows Quack Quack Quack! God knows God knows…. ( on and on and on and on…..)
 
I always asked her.Iris, you keep on doing weeewooo ( sounded like ung sa police car! basta ganun) now I saw some police downstairs looking for you!
 
Iris: the police?NO! God knows God knows God knows…
 
Hehe kaya i love my workplace e. I find joy in helping these residents. They make happy, they make me laugh. I love these grannies and pops to bits!
 
 
hehehe! 9:34pm matutulog na nga ako ang dami kong kwento haha! and opo yes, im OKAY now. I will share more kwentos soon!
 
Posted by yeinechan at 4:05 am | permalink | Add comment

Taking action :)

September 10, 2010

Wohooooo! tapos na tapos na ang mga malulungkot na araw. Ayaw ko na. Hindi naman titigil lahat ng bagay ng dahil lang sa kanya. Okay na ako malaman na masaya sya. Mali man o tama ang mga desisyon nya, hindi ko na yun iisipin. Ngayon, sarili ko na muna. Ititiklop ko na ang mga pahina ng libro. Tapos na. Dahil tapos na, wala na rin akong isusulat patungkol sa kanya. Kahit na may gusto pa akong sabihin sa kanya, wag na lang dahil kahit naman sabihin ko pa wala naman mangyayari pa.

I am taking each day one at a time. Falling in love can be easy, falling out of love is hard. Hindi ako naniniwala dyan. Both is easy. Falling out of love is so much easier. *wink* Anyway, it is 5pm on my watch now, I did an early shift in the home today. Yes, I am now a certified working student *evil laugh*

Posted by yeinechan at 12:02 am | permalink | comments[2]

:(

August 31, 2010

You’re an Asshole for breaking my heart :(

 

more than three times yesterday.

 

 

:( waaaaa akala mo mamimiss mo ako! 

 

Posted by yeinechan at 7:28 am | permalink | Add comment

…..

August 30, 2010
Sakto, alas-dose ng umaga, Lunes..magandang simulan ang araw ko ng masaya ako. Marami-rami na rin akong isinulat kanina pero pinili kong huwag ng ipabasa sa iba. Masama ang lagay ko ngayon. Sana nga nasa hospital na lang ako at bigyan nila ako ng gamot para makatulog. Sa totoo lang wala naman akong sakit. Hindi naman matindi ang ubo ko, buong araw akong masaya. Buong araw akong nakikipagtawanan sa iba’t ibang tao na ang iba ay ngayon ko lang rin nakilala. Sadyang hindi nga ata palaging masaya. Minsan bigla kang uupo sa malambot mong kama at bigla kang matitigilan. Pinili kong magtagalog dahil napupuno ang utak ko ngayon ng mga salitang hindi ko naman ginagamit ng madalas. Naguumapaw ang nararamdaman ko ngayon. Marami gustong mamutawi sa bibig ko ngunit hindi ko alam kung paano ko masasabi ng malinaw. Gusto kong humilig sa pader na malamig at makining ng mga malulungkot na kanta para lang mailabas ko ang gusto kong sabihin. Pinili kong lumakad ng kaunti kanina. Sumugod at nilabanan ang lamig na baka sakali maibsan ang bigat ng loob ko. Unti-unti din akong sumuko. Naglakad pabalik kung saan ako nagmula. Gusto kong isigaw, gusto kong umiyak ng malakas, gusto ko ng kahit anong makakapagpagaan sa pakiramdam ko ngayon. Sumasakit ang puso ko ng literal. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang nasaktan ako sa nalaman ko kanina o sadyang hindi ko kaya yung pakiramdam nanaman na ganito, na parang tinutunaw ka, na para kang nauupos na kandali, na bawat galaw mo masakit, lahat masakit, lahat. Ang lungkot lungkot ko ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging malungkot. Ayaw ko pa naman ng ganitong pakiramadam. Nakakapagod maging malungkot, nakakaubos ng oras at lakas. Marahil magiging walang kwenta nanaman akong kausap. Lalamunin nanaman ng kalungkutan ang buo kong pagkatao na muli’y nabuo na. Ngayon biglang sumilay ang ngiti sa labi ko, naisip ko kung maaaninag ko lang ang mukha ko ang pait siguro ng ngiti na yun. Naalala ko kasi na iba ang pag-ngiti sa pag-tawa un ang sabi nya. Madalas pinangingiti nya ako at madalas din naman nya akong pinatatawa. Hindi ko lang alam na ganito pala pag pinalulungkot ka nya. Sumilip ako sa bintana, natakot pa nga ako dahil madilim na, hindi na mawawala ang pagkaduwag kahit nasaan man akong lugar. Umiihip ng matindi ang hangin. Halos ang hirap huminga dahil sa lamig na dala nito na sa bawat pagsinghap mo parang mainit na apoy ang dumadapo sa pisngi mo. Nakita ko ang buwan, napakaganda nya, wari ko’y tinatanong nya ako kung bakit ako dumungaw para silipin sya. Naisip ko kung may buhay ba ang buwan malungkot din kaya sya? Nakakawalang gana kapag iisipin ko na balik nanaman ako sa dating gawi bukas. Dadaan nanaman ang mga gabi na luluha ako bago dalawin ng antok, at gigising sa umaga na mugto ang mata. Nasasaktan ako. Sobra na hindi ko maitago habang tinitipa ko ang mga letra. Naghuhumiyaw ang utak. Sinsabi sa akin na KAYA MO YAN. Pero nakikipagtalo din ang puso ko at sinasabi nyang PAGOD NA AKO. Kung ilang oras na akong nakasandig sa pader na nasa tabi ng kama ko habang namamaluktot dahil sa lamig hindi ko na alam. Natatakot ako.Oo. Bukas lilipas ang oras na hindi ko nanaman namamalayan. Bukas iba nanaman. Bukas bago nanaman. Alam ko kaya ko ngunit hihingi ako ng oras. Oras para bumalik ako sa dati. Oras para umiyak. Oras para malungkot. Kaya ko. Unti unti sabi ko sa sarili ko kaya ko. Hindi ko hawak ang puso nya, hawak ng iba. Hindi man nya matupad ang pangako nya skin, ayos lang. Kaya ko. Lumipas ang tatlongpung minuto. Hindi pa din nawawala ang sakit. Ipinapakiusap ko sa ITAAS kung maari bukas wala na. Mahal ko sya. Hindi ko palaging sinasabi pero mahal ko sya. Nakakalungkot. Nakakawalang gana. Nakakapanghina. Nakakapagod. Oo, napapagod na ako. Pagod na ako. Sana maging masaya ka. Yung totoong masaya, hindi mo lang minsan sinabi sa kin na malakas ako pero naniniawala ako dun na na malakas ako kaya wag na wag mo akong alalahanin. Kaya ko. Pwede naman maging malungkot di ba? Pwede naman umiyak? Hindi ako galit. Hindi ko minamasama lahat ng nangyari. Gusto ko lang masaya ka. Saka pagkatapos ng lungkot na ito. Maniwala ka muli akong ngingiti at tatawa. Hindi na nga lang ikaw ang dahilan. Hindi na ako maghihintay…..
:(
Posted by yeinechan at 7:00 am | permalink | Add comment