Home » Page 4
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


Kulang na lang…

October 6, 2010
4:01 ng hapon. Hindi ko malaman kung bakit wala akong maisip na gawin ngayong araw. Kahapon pa ako nandito sa kwarto at walang ginawa kundi manuod ng mga pelikula maghapon hanggang antukin ako. Nakakabagot. Tatlong araw nga akong pahinga sa trabaho pero wala naman nangyari, oo nakapagpahinga nga ako pero gusto ko ng gagawin. Iniisip kong lumabas kanina pero natatamad naman ako kasi ako lang mag-isa. Lumipat na kasi si Bujoy ng bahay. Malapit lang din naman mga ilang kanto kasi libre sya dun. Kaya naiwan ako na walang makausap. Iniisip namin na lumipat na malapit sa trabaho namin pero hindi ko alam kung kailan. Gusto ko na ngang lumipat. Ang hirap ng ganito na wala kang kasama. Nakakahomesick tuloy. Gusto ko tuloy magbook ng ticket bigla pauwi ng Pinas. Kumain ng luto ni Mommy. Humiga sa malambot kong kama. Makipaglaro sa mga chikiting na aso ko. Asikasuhin si Earl. Makipagmeeting sa mga bisor ng Coke. Namimiss ko na rin ang kasungitan ng Daddy. O ang toyo ni Ate Susan. Ang mga kakengkuyan ni Kuya Mark. Ang pagtelebabad ko sa telepono. Namimiss ko sumakay ng jeep. Kumain ng chiksilog. Gusto kong umuwi. O di kaya gusto kong lumuwas ng Glasgow. At least duon kasama ko si Ate Mhay at Kuya Raju. Gusto ko nandun ako kapag isinisilang na nya si Gian. Gusto kong lumipad ng mabilisan papuntang Dublin. halos isang oras mahigit ng biyahe ng eroplano at instant kasama ko na rin ang isang Ate ko, at least hindi ako mahohomesick, hindi ako malulungkot. Wala naman ako makausap. Mamaya gabi na ako makakauwi galing sa pag baby sit kay na Lucas at Ellie. Nakakapagod kapag wala kang ginagawa. Ganitong apat na sulok ng kwarto ko ang nakikita ko. Mga larawan na nakapaskil sa wall. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Homaygawd!
Posted by yeinechan at 11:00 pm | permalink | comments[2]

Gtm nq :))

October 5, 2010
Gutom na akoooo! 4:24pm wala pa akong kinakain na tama. Kanina pa akong gising ng 4am this morning dahil sa bwiset na migrane na to. Nanood ng Eclipse. Uminom ng pain reliever kahit may allergy ako dun. Kumain ng polvoron, pili nuts at toblerone. Balak ko manuod ulit ng Avatar pero napagtripan ko naman ang blogsite na ito at inedit edit kunwari. Gusto kong bumaba para magluto pero obviously natatamad pa ako. Feeling ko babagsak ang ulo ko. called sick ang lola nyo kanina. Napakaraming gagawin bukas. Pupunta ng Filipino shop at ibibili si ate ng sinigang mix, reno, gisantes, peanut butter, tocino, skinless at marami pang iba. Dadalhin ko pa sa Southeast bukas ng umaga bago babalik bago mag ala sais para mag-mind kay na Lucas at Ellie. Isang madaliang kwentuhan na lang muna. Nakulo na ang tiyan ko. Magluluto muna ako. Rebusadong hipon coming up! :p
Posted by yeinechan at 11:23 pm | permalink | comments[2]

Sa pag-usad ng araw.

October 1, 2010

Isarado na ang pahina ng nakaraang buwan. Tapos na ang pagbabasa sa mga letrang kahit kailan hindi na maaring magtugma. Punasan na ang luha. Tapos na ang Setyembre ko! Uusad ang araw, malilimutan ko din lahat ng nangyari. Hindi ko ibibigay ang pagpapatawad sa dahilang wala naman dapat ihingi nito. Walang may kasalanan.

Uusad ang araw. Babalik ako sa dati, may mga pagkakataon na halos hindi na kita maiisip. Malilimutan ko kahit ang pangalan mo. Malilimutan ko na ikaw ang dahilan kung bakit nakukomplete ang araw ko. Uusad ako. Dahan dahan pero masaya akong sabihin na nag-uumpisa ako ng maayos, naayon sa plano.

Naiisip ko habang nasa tren ako kanina, kung bakit nangyari ng biglaan ang lahat. Sa loob ng halos dalawang buwan na hindi natin paguusap, makailang beses din akong umiyak. Unti unti akong nasanay na wala ka. At ngayon sa hindi mapigilang pag-usad ng araw, unti unti ring nawawala ang nararamdaman ko, nababawasan. Siguro nga hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Pagkakataon na hindi mo naman gusto. Nagulat din ako dahil ngayon kahit hindi pa naghihilom ang mga sugat, hindi ko mapigilang hindi matawa. Dati, sabi mo hindi pa ako handa dahil lugmok pa rin ako sa nakaraang relasyon na wala naman pinatunguan. Hindi nga daw ako inaalagaan ng maayos. Sabi mo susubukan mong alagaan ako. Hindi mo tinupad. Papatunayan ko na lang na kaya kong alagaan ang sarili ko. Hindi kita kailangan.

Tama ka, mabubuhay ako. Ilalakad ko ng matuwid ang buhay ko. Masasanay ako ng mabilis. Kakalabanin ko ang takot. Magiging malakas ako kasabay ng pagiging mahina. Magbabago ang lahat. Magpapalit ng kulay ang mga dahon. Mag-iiba ang klima. Magtatago ang araw at maiiwan ang buwan.

Kung nasaktan kita, pasensya ka na. Pinili kong talikuran lahat para hindi mo ako makita, makita akong ganito. Hindi ko maibibigay ang hiling mo na manatili ako, na hindi kita iiwan, na patuloy akong makikinig. Maninibago man ako na hindi marinig ang tawa at halakhak mo. Hindi man ako ngayon ang dahilan kung bakit ka masaya. Kahit hindi na ako ang parating nandyan para sayo patuloy ko pa ring isasama sa dalangin ko sa Kanya na itulot nya sa inyo ang tunay na kaligayan ng buhay. 

“Hindi man naging masaya ang katapusan ng inakala kong fairy tale ng buhay ko, aasa pa rin ako dadating din ang isang tao na habang buhay kong aasarin, kasabay kong magbabasa ng libro nina bob ong, harry potter at judith mcnaught. Higit sa lahat, isang tao na kailan man hindi na gagawang bitawan ang mga kamay ko.”

 

Posted by yeinechan at 7:18 am | permalink | Add comment

Lamig ng Panahon

September 27, 2010

Sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Kakairita!Kakapanghina! Tapos sasabayan ng sama ng pakiramdam. Ako na ako na ang may sakit ako na. Makakaabsent ka ba sa work isang malaking HINDE. Kahapon biglaan ang paglamig ng panahon, ganun ata talaga parang damdamin ng tao, pabago-bago, minsan dahan dahan minsan naman biglaan. Ang lamig lamig ng pakiramdaman ko ngayon. Nawalan na ng pakiramdam halos ang mga daliri ko sa kanang paa. At sa wari ko wala na rin pakiramdam ang puso ko. Makailang beses akong nasabihan kanina kung anong problema ko. Kung bakit napakatamlay ko. Kung may sakit ako. Kung pagod ako. Sa dami ng tanong nila isa lang ang isinagot ko. Lumamig kasi ang panahon. Nananamlay ang katawan ko. Parang hinihigop ng malamig na hangin ang lakas ko. Sabi pa ng isang kaibigan kanina parang ang lamig ko daw tumingin. Walang buhay. Isinisi ko sa lamig ng panahon. Sa biglang pagbabago ng temperatura, sa malamig na haplos ng hangin. Bukas isang araw nanaman. Inihanda ko na ang makapal na damit na isusuot ko sa pagpasok sa trabaho. Baka sakaling hindi ko maramdaman, baka sakaling magsilbing panlaban sa lamig, baka sakaling bumalik sa dati ang pakiramdam ko.Sana.Sana…

 

Posted by yeinechan at 5:14 am | permalink | comments[2]

Past-midnight post :)

September 25, 2010

Will I pray for it?

This is a one funny serious question i have in mind for almost 3 days now. You may think “Ano kayang ipagpapray nito si YEINE?” one of my very good friend said it to me yesterday “parang sa showbiz, pag major major ang career walang lovelife!” Her statement made me burst into one good laugh! Oo na! ako na ako na ang walang lovelife! I know that I sorely love someone now but that doesn’t mean na okay ako haha.

Then she said to another friend this “pasikatin mo nga ang buhay pag-ibig nyan si yeine!” So okay, they were trying to bombard my wall in fb saying these funny statements about me being single! As if hindi mababasa ng iba tsk! Until now natatawa ako, if they won’t tag me in their freaky conversation sa facebook na ginagawa nilang chatbox hindi ko pa malalaman. Oh man, they’re gonna be so dead pag nakapagonline ako ng maayos.

Ngayon, this question is bugging me!

Will i pray for it?

Will i pray for someone I could possibly share my time with? Will i pray for someone who will hold my hand every chance that he can get? Will I start to pray for someone who will be there for me and will listen to all my whines?

I guess not.

A broken heart cannot be healed over night, or after a couple of drinks with friends.

The pain will not subside after a long walk in a cold breezy road.

Sad movies and music will never make you feel better.

I am somehow getting used to it. There are days when it doesn’t even cross my mind. I am getting used to it. I am. Kung hindi ko kakayanin, anong mangyayari? Hahaha, WALA. He never asked for my heart before, what makes me think he will someday. Blah blah blah, now I am talking about him again. Ayaw ko na nga. How many times I tried to cover James Ingram song “There’s no easy way” and everytime I failed. Hahahaha! Asa naman kase ako. This entry was such a mess like the one typing it tsk. Magulo, walang tema. Iba iba ang sinasabi. Sorry naman pls? Goodnight :)

 

“She did the best she could, but there are times the best is no damn good”

 

Posted by yeinechan at 7:00 am | permalink | comments[2]