Home » Page 30
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


9:27am :]

August 18, 2008

  

ehem ehem :] tama ba ito?may isang brillante sa larawan na sana nahahawakan ko :] wahaha! pakiramdam ko hindi naman ako dapat kasali sa mga ganito sa kadahilanang wala naman akong kwentang blogger. pero hindi ko na rin tatanggihan dahil baka (baka lang naman sa iba may kwenta ako haha)

♥PAGPAPASALAMAT

sa taong unang naging dahilan ko sa pagsusulat. hindi mo to mababasa pero salamat na rin.

kay BLOOM sa award na ito haha kahit na hindi ko alam bakit ako nabigyan nito pero it meant a lot. at least may mga taong nakakappreciate ng mga wala kong kwentang entries haha. salamat for being my constant companion kapag gabi at wala akong kausap sa ym haha humahanga ako sa galing mong kumanta (lagi akong isa sa nakakarinig haha) pero ang rendition mo ng pretty boy ang pinakapaborito ko hu hu ha ha :]

kay myk2ts,  mare, kinarir ko na rin sayang ang pagkakataon wahaha. i never imagined blogging will be this fun not until i met u (kasama na sina bloom at father) kakagaling ko lang sa site mo at hanga ako sa pagiging matatag mo gaya ng sinabi ko laban mo laban na rin namin (waaaaaaa wala kmi oice ahahaha)parang FPJ (sumalangit nawa ang kaluluwa nya)

kay jay,  hahaha isa sa mga bago kong kaibigan :] masarap magkaroon ng bagong friend na may hangarin sa pag-papari :] iba ang pkiramdam hehe dahil medyo bantay ako sa mga salita ko hehehe nakakahiya naman kasi na magsalita ng masamang mga words pag itong tao na ito ang makakausap mo hehehe

kay tinkerbell, sa walang sawa sa pagtuturo sa akin hehehe mis na kita bujoy :]

kay iyaypot, hindi man tayo nabigyan ng pagkakataon na maging magkaibigan dati pero natutuwa ako na dito pa sa mundo ng  blogosperyo nagkaroon ng chance ulit :] masaya ako naging kaibigan kita :]

kay fey aka uno_phom, hahaha isang kaibigan ko na walang sawa kong pinipilit na magkumento dito para hindi naman magmukhang nilalangaw sa pansitan ang site ko wahahaha salamat sa pagpapakilala sa ex mo na si bob ong wahahaha joke lang :] lablab kita alm mu yan :]

sa lahat, mga dumaan(kung meron man :]) sa mga nagbasa nagkomento, sa iyo, at sa kanya.

hindi ko sinasadya ang medyo mahabang pasasalamat pero dahil hindi na ako maktulog ulit at tumapos na rin ako ng 2 chapters ng libro ni saunders hindi na matigil ang mga daliri ko sa pagtipa ng keyboard haha dirediretso. ganito ako pag gusto ko sumulat o mas magandang sabihin na dumadaldal :] hindi pa ito tapos hahaha mahaba pa ang proseso nito hahaha :] wag mo ititigil ang pagbabasa sasabunutan kita cge :]

Here are the rules for passing on the award:

  • Put the logo on your blog. - sa sobrang saya ko kung pwede nga lang gawing backgroud eh haha.
  • Add a link to the person who awarded you. - sus si bloompot matagal na tatanda na yan sa links ko hehe
  • Nominate at least seven other blogs. - (magiisip pa ko)
  • Add links to those blogs on your blog. - [positive]
  • Leave a message for your nominee on their blog. - [fine :]

 PARA SA INYO TO :

tinkerbell - kung meron ka na nito hindi ko pa alam pero ibinibigay ko sa iyo yan hehe. kung meron ka man aba ayos lang yun ipost mo ulit para pangalawa astig :]

iyay - hahaha hindi pwedeng hindi ako bibisita dito pag OL ako hehehe magaling kasi syang sumulat :]

jamir - isa pa ito magaling sumulat, nakakalungkot nga lang kasi busy sya sa pagrereview kaya matagal magupdate pero may matutuhan ka sa knya matalinong tao kasi :]

fey - bahala ka san mo ilalagay ito wahahaha kahit wala kang blog sa iyo ko pa rin ibibigay haha.

oha dalwang entry sa isang araw haha nakakatawa :] mayang gabi meron pa ginaganahan ako ngayon hindi ko alam kung bakit :]

 

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 9:29 am | permalink | comments[5]

im HOME:]

wheeew just got home hahaha. its 7am in the morning. i visited my fs and my blogsite before i go to sleep AGAIN. I saw bloom’s msg on the chatbox hahaha ( i fondly call her _______ ) haha she will kill me if i’ll post her real name here hahaha BUT seriously THANK YOU. but the real award has been given to me few days ago when i met real friends like you, mare myk en jay :D will be back later to repost it bloom lovu dearly :D

 

 

 

ZZZZZZzZZZzzzzZZZzzzz…

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 7:21 am | permalink | Add comment

ma-pride kb? :]

August 16, 2008

Im currently watching MMK hehe :] at ilang beses ko ng narinig ako word na PRIDE. mali ung unang sinabi ko hehe patingin tingin lang ako sa tv ko kaya hindi ko talaga naintindihan ang story hehe. Ang alam ko lang mapride si Cherry Pie Picache na nanay ni Sarah Geronimo hehe ( hndi nmn sya nagsun-dance dito :]) anyway, pride. ung previous entry ko tinanong ko kung mabilis ka bang magpatawad. Susundan ko na lang ng tanong kung mapride ka ba?

Hindi ako mapride. pero meron naman ako nito minsan nga lang hindi ko alam kung kelan dapat gamitin o hindi, madalas kasi hindi ko ito nagagamit. hindi ko rin maisip kung bakit sinasabi ng ibang tao na un na lang ang natira sa kanila napapaisip tuloy ako ngaun kung bakit nila nasabi yun. wala na ba silang damit?o kahit bente-singko sentimos sa bulsa nila? napakaliteral ko pasensya.

maraming kahulugan ang salitang ito. self-importance ang isa.

When it comes to relationship. MA-PRIDE KA BA? ung tipong ikaw dapat ang inaamo amo? at madalas eto ang sinasabi mo “WAG MUNA TAYONG MAG-USAP.” hindi ka unang nkikipagbati?magmamatigas ka hanggang nagmumukha ng tanga ang boyfriend/girlfriend mo?Gustong gusto mo binibigyan ka muna ng peace offering achuchuchu? ( gandang word talaga nyan isa pa achuchuchu) haha nanghahaba nguso ko pati na rin ang nguso mo (wahaha) seryoso na nga. Ang drama mo ay magpatay ng cellphone pero bubuksan din naman di ba abnoy? Minsan oo masarap pag inaamo amo ka. PERO, hindi naman dapat palagi. wag naman ung tipong lahat na ginawa ng tao para lang mapatawad mo sya eh hindi pa rin lumambot ang puso mo at hindi mo pa rin tinitigilan ang pag-iinarte mo. tama na ung isa o dalawang araw na magmatigas ka lalo na kung KASALANAN naman nya pero PLEASE! kung kasalanan mo naman (wag kang gumamit ng defense mechanism) akuin mo na. hindi TAMA na kahit kasalanan mo eh ung tao pa rin ung pinahihingi mo ng tawad ano ka reyna/hari ng sireneya?(dyesebel na ito! wahaha!may hari ba duon?haha)

eto kabaligtaran ng taong MA-PRIDE. eto naman yung taong TANGA.

I think i fall slightly (slightly take note haha) on this category. Well its because its easy for me to say “Sorry”, easy to accept na fault ko yun. In short, most of the time i went overboard hehe. ako na ung sorry ng sorry. ako na ung nagbibigay ng peace offering. mas short ito ako ay isang T-A-N-G-A . liamang letra lang. oh db maikli. ikaw tanga ka din ba?kung oo. aba magkomento ka kung hindi inoobliga pa din kitang magkomento haha mananalangin ako na magiging pururos ang poopoo mo mamaya cge ka hahaha. anyway. un nga may mga taong tanga. walang kapride pride sa katawan. napakasubmissive. inaako lahat ng kasalanan. kahit hindi na nya kasalanan inaako pa din nila/kmi haha isa pa/ ikaw haha. ang dialogue nila madalas “SORRY FAULT KO NA. SORRY :[” yan yan. ganyan. Minsan nga daw nakakairita na. sorry ng sorry kahit hindi naman nya kasalanan. minsan naman ang dahilan nila/kmi/mo para wala n lang away. para wala na lang pagusapan. para tapos na okey na ulit masaya na ulit PERO wag naman sobra ung tipong AYAW ka na nga muna kausapin wag mo naman ipilit masyado. baka kailangan ng konting panahon para makapagisip-isip tapos ‘BREAK NA TAYO” ang sasabihin sayo matapos ang ilang araw na hindi nyo pag-uusap haha ayos so anong gagawin mo? susubukan mo ulit na ayusin pero wag ka ang mga nilalang na tanga sumusuko yan (db bloom?) at pag yan sumuko naku. ibang klase. dapat alam yan ng mga ma-pride na tao :)

 

SUKO NA AKO SA IYO!

sana sabihin na iyan ng kaibigan kong si bloom hehe db myk at jay?

dahil ako at baka ikaw din na nag-abalang basahin ang medyo may kahabaan na lathhalang ito na wala kang mkikita kundi maliit na letra na kulay chocolate brown baka ikaw ay minsan sa buhay mo SUMUKO NA RIN.

minsan ang pagiging mataas at masyadong nagbibigay ng importansya sa sarili at nauuwing matandang dalaga o matandang binata tandaan nyo yan :] hahaha

-♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 10:28 pm | permalink | comments[6]

patawad?

August 13, 2008

“forgive me pls?”

mga salitang nabasa ko. hindi ko alam kung para sa akin ba yun o sa kanya. mapapahiya ako kung hindi para sa akin pero mas gugustuhin ko namang mapahiya kaysa isipin na para sa isa yun. tama. sana para sa akin iyon, dahil ang mababasa dito ay para sa KANYA rin naman.

 

MABILIS KA BANG MAGPATAWAD?

ako kasi oo. mabilis. isang sorry lang kahit hindi bukal sa loob napapatawad ko na. nagiging tanga na nga ako kakabigay ng patawad eh. may isang tao nga na halos maospital na ako sa mga ginawa nya pinatawad ko pa rin. kahit nga dalawang beses nya akong niloko. ayos pa rin. ewan ko ba aminado naman kasi ako  na may pagkatanga ako. lahat ng tao tanga.yan ang pinaniniwalaan ko. pero biglang nagbago ako. hindi na ako madaling magpatawad gaya ng dati. hindi ko na mabilis ibigay ang salitang

OK LANG at AYOS LANG YUN lalo na ang KALIMUTAN NA LANG NATIN YUN”

may mga dahilan naman ako. mga dahilan na sa tingin ko tama naman. nasa tingin ko katanggap tanggap naman. time heals all wounds kalokohan. kahit matagal na nangyari ang mga pangit na pangyayari hindi ko pa rin malilimutan ang mga sinabi ng dalawang tao.

mabait naman ako. masayahin pa nga kung tutuusin. minsan lang ako nagiging seryoso. pag ganitong may nakikita akong mga bagay na hindi maganda sa mata ko. pero naisip ko ano bang mangyayari kung hindi kita papatawarin. wala naman. tutuloy pa rin ang takbo ng mga jeep kahit mataas ang gasolina. patuloy rin namang magmimisa ang mga pari kung Linggo. ptuloy pa rin ang pamumulak ng white angel namin ng nanay ko. sa madali’t sabi tuloy ang buhay ko.hindi titigil para sayoat lalo para sa kanya. pero bigla ko na naisip na gawin ito. biglang pumitik sa utak ko ang mga nabasa ko..dalawang taon na rin mula noon. marapat lamang na sabihin ko to. 

 

PINAPATAWAD NA KITA.

kahit hindi ko alam kung bakit kailangan pa. pinapatawad kita dahil gusto ko. dahil matagal na yun. dahil gusto ko na pag gising ko bukas ng umaga hindi na kita iisipin.masaya na akong mag-isa ako ngayon. tumatawa sa mga nakakatawang palabas at hindi na baliktad ang nagiging pakiramdam ko kapag nakakatawa ang pinanonood ko. kumakain ng hindi umiiyak. nalilimutan kung anong petsa ka ba isinilang. masaya na ako. kahit ganito lang ako. kahit para sayo wala akong kwenta. kaya mo nga ako iniwan db?

PINATATAWAD KITA PERO HINDI KO MALILIMUTAN LAHAT NG SINABI MO AT SINABI NYA.

hindi ako galit. tamang seryoso lang. hindi ko din naman makuhang tumawa eh. hindi ako galit SAYO. o sa kahit sino mang tao. mabubuhay ako kahit wala kayo. mas maganda nga matatahimik ako. at para sa KANYA. (UNG TAONG PINILI MO) masaya ako at masaya na sya kahit hindi na kayong dalawa ngayon. pero ang kamay ng pagkakaibigan ay kinalulungkot kong sabihin na hindi ko kayang iaabot sa ngayon.at baka hindi na mangyari pa.

 

inuulit ko.

TAPOS NA.TAMA NA. SANA MAGING MASAYA KA NA.

ito ang huling entry ko na para SAYO. aaminin ko pa rin na ikaw ang dahilan kung bakit nalulungkot at umiiyak ako. hindi naman masama kung malalaman mo yun at ng lahat ng taong makakabasa nito.

sinabi ko sayo ito dati

“i want to share my lifetime with you.even the life after next”

at sinabi mo to

i will love you not for the rest of my life but for the rest of yours.”

mali.hindi na pala.tama hindi na talaga.

 

 

pahabol :

masyadong seryoso at mushy ang binitawan kong linya sa hulihan.pasensya :]

 

 

Posted by yeinechan at 11:49 pm | permalink | comments[12]

galing sa bloom na mganda hahaha

August 12, 2008

 

KWATRO

>Edited na yan ksi naman akala ku pati un icocopy paste wahaha. pwede namang magsorry db? haha. cra tlaga yeine pati nga naman un copy pa. hndi ako naiinggit dun hehehe tamang pagkakamali lang na hindi maiiwasan kapag kulang sa tulog ang taong nagbabasa ng instructions haha :] lovu bloom :]


kumusta naman hindi ko dapat gagawin to pero si bloom kasi hahaha paninindigan ko na ang pagkainggetera ko hahaha tsk tsk. ayoko ng numerong kwatro sa dahilang hndi ko na sasabhin haha masama ang numero na to sa life ni yeine. masalimuot. masagwa. pero dhil lov ko si bloom haha gnwa ko n din saka natempt n din ako dahil sobrang boring ng buhay ko kaya eto sinagutan ko na din haha

Here’s the rule..

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go to, over and over:

> Bora - wahaha mxarap kc dun mxarap ang food lalo na kung buffet ang bfast at dinner haha at regency waaaa naoverwhelmed ako sa food di ko man lang inisip na ang daming taong nagugutom haha

>eloi’s haus - cousin/bestfriend ko haha wala lang pag magmamajong masaya dun. basta masaya. kwentuhan, tsismisan haha lahat

>hospital - haha. wala akong magagawa. un na ang buhay ko. masaya lalo na pag may madidischarge na patient may dalang cake o anu anu hehe kidding. ung pasasalamat ng pasyente o relatives ng pasyente o gwpong bf ng pasyente haha (anong oras nb?) haha

>room ko - khit buong isang lingo pa ako ayos lang.


2. Four people who e-mail me regularly:

>st.james yahoo groups - naku walang katapusang topic gala drawing na d ntutuloy haha pero un kaya kmi ngging connected dahil dun :D kaya umaabot ng 3546 inbox ni yeine tsk tsk.

>ate jheng - my eldest sister hehe

>i.ph - hahaha mga konting comments sa ninonotify sakin haha

>friendster - may iba pb?! :]


3. Four of my favorite places to eat:

> Don Vito - naku sbi ng ate ko im on the search for the best carbonara. yea haha true. the best carbonara i’ve tasted so far was at Don Vito in boracay.

> Tokyo Tokyo - california maki awoo hehe

> MAX - im crazy for you wahaha

> dining area namin - pde bang mawala ang luto ng nanay ko?hehehe syempre hindi!!!


4. Four places i’d rather be:

> Dublin - tinatarget ko ito haha ssunod ako sa ate ko ata magwowork sa BLOOMfield (seryoso sa bloomfield) hehe

> Dubai - la lang bibisistahin ang isa ko pang ate magaaral ako sa The Music Institute ng piano haha libre naman un big time sya sa company eh x-spot hehe

> Winnetka - hahaha nandito nmn si ces wala lang plano n nmin ni eloi late next year aalis na kmi wahahaha plano huh pero mtutupad yan ( taena dpat mtupad) haha
> Pinas (cavite/imus) - eto babalik ako dto pag nkaalis ako hahaha

5. Four TV shows I could watch over and over:

> Shear Genius - wala lang hooked ako sa mga reality shows eh

> ANTM - eto pa haha

> Iron Chef - yan pa

> Project Runway - see?

6. Four people I think will respond:

> si JAMIR waah haha irerepost mo ito wag ako ipahiya khit busy sa pagrereview hehe

> si IYAY kaya? nku d ku alam haha. parang meron n sya nito haha

> si Tinkerbell? wahahaha hirap nito meron n ata si bujoy nito haha

> si Fey wahahaha san nya irerepost ito wahahaha!

 

- ntpos din haha. sus kachat ko kasi ate jheng ko nwiwindang ako sa mga tanong. itanong ba ang ex kong walang kwenta?! grrr kmustahin ba ang lovelife?ano ba naman un ang sbi ko “ate i dont want to be stress and distracted.” hahaha d ko tuloy msagutan ng tama to hahaha 

 

11:34pm na..

mtutulog na ako haha. BLOOM. nirepost ko ito. haha

 

habol >> tlgang badtrip pati ung kaaway ko kinamusta pa skin haha ate wala na yun binalot ko na ng sapot ng anak mo.at pinakain ko na sa naglalakihang gagamba. humft!

Posted by yeinechan at 11:05 pm | permalink | comments[3]