naimpluwensyahan na ang bata :D
August 24, 2008oo inaamin ko naimpluwensyahan ako ng ibang tao. hindi ko alam kung mabuti ba ang ginawa ko lalo naman kung dapat ba akong manghinayang sa perang ginastos ko para dito. hindi ko rin lalong alam kung magugustuhan ko nga iyon ang alam ko naimpluwensyahan ako.
HAHAHA arte ko!
hehehe wala naman itong post na ito wala naman itong ka kwenta kwenta. sa totoo lang kasi naimpluwensyahan ako bumili at basahin ang mga libro ni bob ong hahaha! hindi ko talaga kilala sa bob ong seryoso hindi talaga hehe kilala nyo sya di ba?eh ayun na nga ung kaibigan kong si peklat aka fey mahilig sya hahaha ay mali mali haha paborito nya si bob ong bahagi pa nga sya ng group chuvanes eh. hehe ayun dahil sya ay madalas kong kausap nahiwagaan naman ako kung sino ba ung bob ong na yun. tapos si rex aka sitm8 ko hindi ko naman alam na binabasa nya pala yun at kumpleto ata sya ng libro sbi nya pa “sitm8 bilin mo na yung mga libro parang gasolina yan nagiging rare ba”. o cge sa hinaba haba nito eto ang isang larawan ng mga libro na binili ko ng sabay sabay sayang pamasahe kung babalik balik pa ako sa pinakamamahal kong sm bacoor wahaha!
1 2 3 4 5 6 tama tama husto husto kumpleto kumpleto walang naiwan hehe anim daw yun ung stainless longganisa ang hindi ko makita sa rack kaya tinanong ko ung isang girlaloo sa nasyonal libro tindahan haha kung nasaan eh pareho ata kaming bulag nasa harap na namin at pagkadamidami hindi pa namin makita haha. so ayun nga binili ko ng lahat para masaya hindi ko alam kung magugustuhan ko kasi iba talaga ang hilig kong mga libro mga gaw ni sparks (syempre una sya sa listahan ko), steel, fielding, sheldon at sila lang haha mahilig ako sa mga lovestory kasi feelingera ako na mangyayari sa akin yun. haha asa naman di ba. una kong binasa ang ABNKKBSNPLAKO?! HINDI KO PA NATATAPOS HAHA! marami kasi akong ginawa kanina kaya yun tatapusin ko ngayong gabi hehe kgbi tinapos ko ung MAC ART HUR grabe naloka ako akala ko kasi lahat ng libro nya masaya nakakatawa yung tipong pag masama araw ko magbasa lang ako ayos na pero goodluck sa akin medyo natakot ako hehehe naiyak ako sa nabasa ko. sorry mr. bob ong
malalim ka pa lang tao. maganda tama maganda ang istorya. pero kinilabutan ako palingon lingon ako sa bawat sulok ni silid ko baka bigla akong makita na sasaksak na lang sa akin hahaha paranoid talaga ako pero maganda ang nabasa ko hanga ako agad kay bob ong kaya pala inlaboba ang fey haha. cge tatapusin ko na ang kwento ko ng ganito.
hahahaha!
pahabol: kausap ku si bloom ang mahal naming mare uuwi na hurray hep hep hahaha! myk myk handa na ang dasma sa pagbabalik mo maging ang dadaanan mong talaba at imus handa na rin may banner ka na pala sa sm bacoor pinahanda ko na para sa pagbabalik mo hehehe welcomeback sa pinas myk! lablab! anu oct baclaran paghanapin natin si bloom kung saan ang baclaran wahaha!
♥YEINE♥
[cArmiNa, saLma cHi and yEiNe]
August 23, 2008May dalawang tao na napakalapit sa akin. Para sa kanila ang entry na to. Hindi ko madalas sabihin sa kanila na sobra akong nagpapasalamat sa lahat lahat. Hindi matatawaran ang tawanan at iyakan namin ng dalawang ito. Mahal ko sila. SOLIDO YAN. HINDI MABABALI O MABABAGO NINO MAN.
si THEIYAH bunso kung tawagin ko sya. tama bunso ko sya. ate nya ako hindi naman malabo di ba? madali namang intindihan bunso ko sya at ate nya ako.
Kakausap pa lang namin sa telepono at dahil nga medyo malayo kami sa isa’t isa marami ang kwento hehehe pano ba naman napadaldal ng batang ito. hehehe madaldal din ako pero doble ko ito. haha maldita sya? hahaha isang malaking OO pero hindi sa lahat ng tao. pag ayaw sa kanya eh di ayaw ganun lang yun. matigas ang ulo nya sobra hirap kausapin pag gusto nya talaga hehehe pero lab na lab ko to. kahit stubborn sya mahal n mahal ko pa din ito. naiispoiled ko n ata to ng konti hehehe super lambing nya saka nakakatawa din sya kse mabilis magbago ng emotions ang theiyah ku. basta iba sya. she’s one of kind. at lagi nga nyang sinasabi “get to know me and it will be a fun rollercoaster ride!”
Si Chipot ko SALMA CHI VEA kapag galit ako. isa pa sa taong mahal na mahal ko. Hindi na rin mabibilang ang pinagdaanan namin ng babaeng ito. Mga away na magksabay naming tatlong sinugod. hehe cs tama cs ang tawagan namin hindi cesarean-section hindi rin computer science hehe cs means sis hehe.
hahaha isa pa to matigas ang ulo lahat naman kaming tatlo pero pantay sila ni theiyah ako sa pangalawa ako hahaha maldita ba sya? NAMAN! lahat ng tao may kamalditahan sa katawan noh hahaha. hindi ko rin to iiwan kahit na ano mangyari kahit na minsan may mga hndi kami pagkakaintindihan na tatlo. hindi pa rin namin iiwan isa’t isa. kami kami pa din. lab na lab ku si chipot kahit na hindi na kami masyado nkakapagusap
Silang dalawa ang malapit sa hart ku…tatanda na kaming magkakaibigan. walang bibitaw sa isa’t isa. Sila ang iilan sa mga taong
hindi ako iniwan sa bawat laban ko.
at alam ko hindi ako iiwan ng dalawang ito kahit na ano pa mangyari sa akin at ganun din ako sa kanila. Sa lahat ng pagtatanggol nyo sa akin. sa pagiging matatag kapag bigla akong nanghina. sa pagpapatawa sa akin kahit puro kabaliwan lang mga pinagsasabi nyo. sa simpleng rason na NANDYAN KAYO salamat.
♥YEINE♥
sparks strikes again :]
August 21, 2008 I went to sm this morning to have my ate’s picture recopied at Great Image. The girl who assisted me told me that it will be ready after an hour so i decided to stroll a lil bit, i went to bioreserch and bought some stuff for the puppies, I also went to National Bookstore. (geezz i forgot to buy a bookmark tsk tsk
). I went to third floor and i saw a poster which gave me the feeling of familiarity. Hahahaha I was right! Nights in Rodanthe was now a motion picture!!! hurray hahaha
It is a must-see movie showing on september 26. The novel was so damn good so i expect that the movie will be as well. I recommended you guys to read the book on my previous post. I enjoyed the novel. I SO LOVE THE STORY. And ohhhlaalala Richard Gere and Diane Lane actings was superb on the trailer i have watched a while ago :] and i think nobody could ever fit the character of Dr. Paul Flanner best other than Richard Gere :] as well as the character of Adrienne Willis portrayed by Diane Lane :] i just hope that the movie wouldn’t have too many revisions. Sparks strikes again!!!
i want to share my favorite lines in the novel :]
Paul to Adrienne : “I’m sorry if that made you uncomfortable but this weekend…It’s like something i didn’t know existed, I mean, it’s been a dream. YOU’VE BEEN A DREAM“
♥
Adrienne to Paul : ” You know, when i got up this morning I told myself I wasn’t going to cry again. I told myself that I’d be strong and happy , so that you would remember me that way but when i heard the shower come on, it just hit me that when i wake up tomorrow YOU’RE NOT GOING TO BE HERE.“
♥
Paul to Adrienne : ” When i sleep i dream of you and when i wake I long to hold you in my arms. If anything, our time apart has only made me more certain that I want to spend my nights by your side AND MY DAYS WITH YOUR HEART“
♥
“The greater the love, the greater the tragedy when it’s over. Those two elements always go together.”
♥
huhu how i wish i could see the movie with bloom en mare
♥YEINE♥
yeine to bloom : hanggang kailan ka masasaktan?
August 20, 2008
May mga tao ba sa buhay mo na biglang naglaho na lang?ng walang pasabi ni ha ni ho. Na hindi inaasahan ang biglang pagwala sa kadahilanang ayos naman ang huli nyong pag-uusap? Mahirap ba yun?
OO. tama mahirap, para kang isang bata na inagawan ng paborito mong lollipop na kahit anong kagustuhan mong makuha ulit sa sira-ulo mong kalaro ay hindi mo na magawa. o kaya para kang isang aso na binigyan ng masarap na tanghalian ngunit nalingat ka lang kinain na ng pusa at pinag-agawan nyo pa. Wala namang permanente sa mundo, may sadyang nawawala may mga bagay na bumabalik.
Mahirap maiwan at mas mahirap kung walang binitawan na dahilan at pinakamahirap mabuhay ng araw araw, minuminuto mo iniisip ang iba’t ibang posibleng rason ng tao na yun kung bakit sya biglang UMIWAS, kung bakit biglang NAGBAGO, biglang SUMUKO at biglang TUMALIKOD sa mga pangako at sa mga plano. Pinipilit mong lumaban kahit walang kasiguraduhan ang pagkapanalo, kahit na ang munting pag-asa na natitira sa utak mo ay ang panalangin na dumating din ang oras na magagawa ng tao na iyon na magpakita at maging matapang ka harapin ka. Gabi- gabi bago ka matulog sa malambot mong kama iniisip mo ang mga bagay bagay. Mga bagay bagay na nagpapalungkot sayo at madalas nag-iiwan ng luha sa mga mata mo. Mapipiga muna na rin ang punda ng unan mo, mamumula na ang ilong mo sa kakasinga ng sipon. Ang pagpipigil ng paghikbi na baka marinig ng ibang tao na ntutulog sa katabi mong kwarto. Pinipilit mo maging masaya lalo na sa harap ng pamilya at kaibgan mo. Hindi iilang pagkakataon ka rin natutulala sa mga bagay o tunog kang naririnig na nakakapagpaalala sayo na minsang kayong nagsalo sa tawanan at iyakan.
Itatanong mo sa sarili mo kung NASAAN NA SYA? para kang sirang plaka sa paguulit ulit mo ng tanong na to na kahit ikaw mismo hindi mo makuhang sagutin. hindi mo makuhang alamin ang sagot. bakit? kasi hindi ka naman binigyan kahit isang salita o minuto para alamin ang dahilan eh. hindi ka binigyan ng kahit isang segundo na nga lang. May mga taong duwag pero higit dito mas maraming taong matapang.
“torture” tama ka. salitang tugon na tugon sa nararamdaman ng taong iniwanan. mas okey pa nga ung nangiwan na alam mo ang dahilan, kaysa naman sa taong nang-iwan na lang. Malupit ang nilalang na ganito. duwag. walang silbi. iniisip lang ang pansariling kagustuhan. hindi alintana na may isang tao syang masasaktan higit pa sa sakit ng pagkakahiwa ng daliri mo sa isang matalas na kutsilyo sa kusina ninyo. higit pa sa mapaso ka sa kalan dahil na rin sa simpleng katangahan mo. higit pa sa pagsunog ng buhok mo dahil sa flat iron na ginamit mo ng prom night mo. higit pa. higit pa sa pisikal na sakit! Isa itong karapatan na hindi man lang naibgay sayo.
Ilang salita lamang ang gusto mo. na khit na nga hindi na yun mamutawi sa pangit nyang bibig. kahit man lang sa panget nyang boses o panget ng mensahe sa inbox. mas madali pa tanggapin ito “iniwan kita dahil hindi na kita mahal” tangina, kaysa naman sa “_______________________” ganyan walang letra. walang emosyon, walang matinong nilalaman sa madaling salita blangko. malinaw na malinaw na blangko. kahit anong titig mo na baka sakiling lilitaw ang mga letra matapos ang dalwang oras. wala pa rin. na khit na anong kunot ng noo mo hindi mo pa rin makita. parang ka iniwan sa gubat na hindi mo man lang alam kung saan ang daan pabalik. ang masaklap kahit man lang ilang pahiwatig wala pa rin iniwan o mga bakas man lang ng paa ng letcheng nang-iwan na yun.
MABUTI PA AKO, iniwan ako ng may dahilan. mas mahal ung isa. masakit daig pa ang binuhusan ako ng asido sa mukha at paulit-ulit akong sinampal. pero may mga taong iniwan na lang bigla. TRIPLE ang sakit. daig pa ang asido na naramdaman ko daig pa nito ang sakit ng paulit-ulit na sampal sa mukha ko. hindi ko na rin magagawa pang ikumpara ang dami ng iniyak ko. sa dami ng luhang pinilit nilang huwag na lang bumagsak. hanga ako sa mga taong ito. hanga ako sa tibay ng loob nila, sa lakas nila na paulit ulit tanggapin ang masakit na katotohanan na ang poborito nilang lollipop ay hindi na nila mababawi pa. sa pagpapakita ng ngiti. sa pagkakaroon pa rin ng pag-asa.
yeine: hanggang kailan ka masasaktan?
bloom: hahaha gusto ko nanaman ulit…
♥YEINE♥
haha natawa ako :D
August 18, 2008natatawa ako talaga sabi ko na eh ginanahan ako ngayon kaya eto ang third entry ko sa isang araw lang hahaha. hindi ko naman kasi inakalang may matatanggap akong sorpresa kaninang umaga. SAAN BA AKO GALING?
una, hindi ako gumala at inumaga sa labas hindi ko naman ugali yun. sabi nga ng iba wala akong night life, ayos lang yun hindi ko din kasi kinalakihan yun
pangalawa, alam ng mga kaibigan ko kung nasaan ako kapag biyernes ng gabi, sabado o kung minsan linggo hehe. kung bakit wala ako sa mundong ito kapag ganoong araw.
at pangatlo, natutulog ako ng maaga hindi umaga hehe. kaya ako minsan maaga maglibot dito sa blogosperyo at sumilip sa mga kaibigan ko kasi 6am kami kung umuwi. bago ako magtuloy ng tulog mas gusto kong silipin muna sila
ganun ko sila kamahal
SAAN NGA BA AKO PUMUPUNTA?
tara lilibot ko kayo
eto, simpleng bahay lamang ito maliit lang mukha lang malaki sa larawan na to. kinuhanan ko ng litrato kaning umaga bago kami umuwi
nakapantulog pa ako nyan
PUNTA TAYO SA LOOB?
sure haha ako at mga kaibigan ko ang nagpinta ng bahay namin ung loob lang ha ako din ang pumili ng mga gamit. wag kayo magugulat dahil hindi kagandahan tamang kaartehan ko lang
pinilit ko maging artistic kahit hindi.
oh diba maliit lang hehe eto ang sala ng munti naming bahay. apple green at tangerine ang napili kong kulay. sa sobrang liit nito kaya ang sofa namin ganyan lang pero ung center table namin may dalawa pang auto-man (tama ba?hehe) na pwedeng hilahin at ibalik dahil nga masikip kaya nagtipid kami sa espasyong magagamit
eto naman ang kusina namin. tama sira na ito ngayon hahaha isang palpak na nabili ko hahaha itinawag ko sa our home ito dahil hindi magawa ng tatay kong bugnutin, bumigay ba naman oh di ba magaling
hahaha nakakatawa pati palikuran namin kinuhanan ko na rin para kumpleto
malinis naman yan. hahaha
MAY ITAAS BA ITO?
aba meron naman kahit paano. tingnan mo din?cge haha.
eto ang hagdan namin. at ayon naman ang munti naming altar
simple ang kwarto na ito. master’s bedroom ito may pinto papunta sa maliit na veranda at pinto papunta sa isa pang palikuran. haha lulubusin ko na rin ipapakita ko na rin.
hahaha ayan. kulang bughaw yan. parang umaalon ka nga pag nandito ka haha.
eto ang kwarto ko kasama ko dito si spiderearl at ate ko. dati kami lang dalawa ni spiderearl pero umuwi na galing dubai si ate mhay kaya tatlo na kaming nagsisiksikan dito
humft. it supposed to be my room tsk tsk.
hahaha hindi ito kasama. eto talaga ang kwarto ko sa luma namin bahay. mas gusto ko dito. mas masaya ako dito. mundo ko to. ang pasok patay. haha. tama luma man ang bahay namin sa bacoor pero mas gusto ko ito. mas gusto ko ang kama ko. ang TV ko na luma. lahat lahat. hehe
AHH GUSTO MO NG LUMABAS NG BAHAY?
hindi kita pipigilan hehe. tara
oh diba tama ka mahilig kami ng tatay at nanay ko sa halaman. pero mas mahilig ako sa mga halaman na namumulaklak
eto ang white angel namin ng nanay ko. walang patid yan. hindi nawawalan ng bulaklak ba. tuloy tuloy. mahal ko ang white angel kasi pag galit ako tingnan ko lang yan mapapasa na ang galit ko sa mga iilan tipaklong na dumadalaw
hehe
tama ka. kubo ito. gazebo kuno kung tawagin ng kapatid ko hahaha. mali sya at tama ka kubo ito. un lang. hindi ko ito gusto dahil hindi pa kami close nyan haha dahil minsan sa isang linggo lang kami magkita at madalas gabi pa hahaha. medyo maalikabok sya na hindi naman pwede kay yeine dahil humahatching ako ng halos labinglimang beses na sunod sunod haha in short may allergic rhinitis ako saka matindi rin ang sinusitis ko hehe.
NAPAGOD KA BA?HAHA.
hahaha ayan tapos na. NANDITO AKO. hindi gumagala o kung ano pa man haha. hihintayin ko pa bang maging aug, 19? 11:30pm na haha ipopost ko na iito eh ano naman kung tatlo ang ginawa kong entry sa luob ng isang araw?hehe
puro todong ngiti ko dito haha tama ka rin masaya ako ngayon. ang dahilan ko ahhmm di ko na muna sasabihin. hahahaha
♥YEINE♥















