Home » Page 26
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


on moving on…

October 1, 2008

It is 11:21 pm, i went to bed already but after 30mins i found myself in front of my computer.

WHY? why is he like that? women just come and go for him. He met a girl,  expect that few days after that he would say that he is madly inlove with that person. Like as if, that girl was destined to be with him. He made everyone knew about his new found love, he was too proud to tell the world that he finally met someone he wanted to share his life with. He would promise to love her with all his heart, even promised that it won’t change through time, but after sometime let say a month or two, something bad came up, he looses his grip. He tends to walk away. Few days or weeks later, this cycle continue.

I was in the same position like his other ex-girlfriends, the love he has shown me was overwhelming, we are not able to make it last, but few months later i saw him very much inlove with someone else.Another months later, i heard he has a new girlfriend, same story it didn’t work. I do not know if he just can’t find the right girl for him, or it is really easy for him to move on.

HOW COULD YOU LOVE SOMEBODY AND FORGET ABOUT HER EASILY?

Is MOVING ON, for others, very easy?

 

For me its not. Its a process everyone has to go through. It would take a lot of strenght to surpass it. Some people took them years before they were ready again for a new commitment. Healing process does’nt takes place overnight, it was’nt like a face mask that you have to remove in the morning. On the contrary, it is easy to move on when the relationship you had with that person was a horrible experience hehehe like my recent ex, after 5 months I am very much okey, i cannot even remember his birthday :D more to that, i can’t remember any good memories i had with him. If we had any, maybe i just couldn’t remember them -smlies-

I am not in the position to judge those people who enter another relationship after a recent break-up. It is their own thing, maybe it would help them to nurse a broken heart.

 

 

Posted by yeinechan at 11:22 pm | permalink | comments[4]

its FUN :)

September 28, 2008

Surprisingly i finally got time to write an update ang balita ko kasi inaagiw na raw to kaya eto kahit marami akong gagawin magsususlat lang ako ng mga mumunting kwento. Hindi lingid sa kaalaman ng mga taong malalapit sa akin sa sphere kung nasaan ako.

My review started last Tuesday, at ngarag pa rin ako sa schedule ko, tapos two my dogs were very sick. Im still trying to cope with my schedule, squeezing all of my major lectures in 1 week and the rest of the month will be focus on skills enhancement. I met new friends POAN, a nurse, from FEU whom I am with since my first day and AIRENE,she is a nurse as well from CHINESE GENERAL, we’ve met this morning. We get along very well and we have fun on our lectures especially today, we had our Vocabulary I and II with Ms. Winnie a Cum LAude graduate from UP :) sosyal :D

To BLOOM AND CHIKO, who has been tagging me for sometime now, pag may super time ako super gagawin ko na yan hehehe

MARE MYKEE MISS NA KITA :) SAKA KAY JAY NA RIN. na lagi ko narerember kasi nakikita ko ung genesis na bus everyday na may signboard na BALANGA :D

kay BLOOM na tumatawag ng bonggang bongga kahit may klase ako hahaha

kay KOOONIN na kahit nasa bakasyon ay nakakatext pa din (lam nyo na malungkot yun hihi peace kuya)

update ba ito?hindi naman ata hahaha! marami pa akong gagawin syempre mauuna ang pagtulog ko tapos pagkain tapos tulog ulit hehehe just kidding, i got tons of hand-outs to review, kahit na my room is literally in austere condition dito pa rin ako mag-rereview, i have no choice pag may time na rin ako maglilinis. At saka pala who is good in STAT? help me in my ANALYSIS CLASS hahaha.

 

Posted by yeinechan at 5:09 pm | permalink | comments[2]

:,(

September 22, 2008

10:40 am kakauwi ko lang hindi ako makasakay papuntang Pasay, takot nga kasi ako sumakay ng bus at sobrang punuan na talaga, umuwi na lang ako ulit. Galit ako, o mas tamang nagtatampo ako, wala naman ako kabalak-balak na magsulat sa blog ko kaya lang wala ako masabihan ng sama ng loob ko, alam ko hindi ito sasagot pabalik, o tatapikin ang braso ko pero ok lang mahalaga nailabas ko ung nasa loob ko :(

Pasensya na, kung hindi masyadong maganda ang isusulat ko dito.

Malapit kami dati ng Tatay ko, siguro nga kasi ako ang bunso, pero ngayon palagi na kaming nagtatalo. Ayoko sumama ang imahe ng tatay ko sa ibang tao na makakabasa nito pero eto ang nararamdaman ko. Nagtatampo ako siguro pero mas tamang sabhin na naghihinanakit na ako.

Respeto. Lahat ng tao dapat meron nyan, bata ka man o matanda ka, may sakit o wala. May sakit ang tatay ko, Diabetes. hindi ko alam kung dahilan ba ito ng pagbabago ng ugali nya. Laging nakaangal sa amin lalo na sa Nanay ko. Laging nakasigaw, mabibilang ko na lang sa darili ko ang mga pagkakataon kung saan nagtawanan kami. Akala nyo lang masaya kami, na ayos kami. MALI ka.

Na-iinggit ako, lalo na sa Tatay ng mga kaklase ko sa kolehiyo, sobra ang binibigay nilang suporta sa mga anak nila. kapag malayo ang Duty kahit hindi man sila ihatid ng magarang sasakyan sinasamahan pa din sila. Sinusundo pa nga kung minsan. Umiiyak ako hanggang ngayon, magkukulong sa kwarto dahil nasaktan nanaman ako kanina, mas masakit talaga ang salita kaysa sa pisikal na pananakit, parang tarak sa puso. Hindi ko na mapigil ang luha ko kanina sa harap nya. Kung alam lang nya kung ano ang muntik mangyari sa akin sa sakayan kanina, humahabol ako sa bus halos mag-dadalwang oras na akong nakatayo. Huli na ako sa klase ko kaya minabuti ko na lang na umuwi, naiiyak na ako dahil muntik na akong masagi ng motor kanina hindi ko kasi nakita pero ayos lang, naisip ko susubukan ko syang kausapin baka pwede na ako ihatid tuwing umaga lang naman ako na bahala umuwi, pero wala nabulyawan lang ako.

Nung kumuha ako ng board exam hindi sya ang naghatid sa akin, hinayaan nya na tatay ng isa kong kaibgan ang maghatid sa akin kahit pa mag-kaiba kami ng eskwelahan ng pagkukunan ng eksamen, hinatid pa rin ako ng tatay ng kaibgan ko. Dalawang araw yun. Ung iba nakikita ko pa hinihintay nila ung anak nila ng lumabas ng kwarto at hahainan ng tanghalian.

“i wish i had a different father” un ang nasa isip ko ngayon. Mali yan alam ko, pero un ang nararamdaman ko ngayon. Ung ang gusto kong isigaw sa kanya kanina. Gusto ko syang intindihin, pero hindi ko makita sa akin ang kahit isang butil ng pang-unawa. Namumugto na ang mata, gustuhin ko man pumasok wala akong magagawa, bukas hindi ko alam kung papano pero bahala na.

Posted by yeinechan at 10:42 am | permalink | comments[8]

Ang Paborito Kong Unan Bow :]

September 20, 2008

Ang alam ko October 26 ako mag-uupdate pero dahil ang schedule ko ngayon sa review ay mock exam agad aba hindi nanaman ako pumasok -ngisi- hehehe naman ano ang isasagot ko dun kahit isnag lecture sa grammar o listening and writing skills eh wala pa si yeine kaya Monday na talaga ang pasok ko share ko schedule ko sa lunes para humaba ang post ko na ito :D ay, oo nga pala, sadyang nangati ang kamay ko magsulat ngayon :]

 Sept. 22 Monday

9am-12nn - Speaking Lecture

1pm- 4pm - Listening Lecture

6pm-9pm - Writing Task 2 Lecture

Hindi ako papasok ng 6pm-9pm uulitin pa naman ang lecture na yan ng mas maaga, hindi ko rin kaya magbiyahe ng gabi na masyado kaya 9am-4pm ang schedule ko mon-sat. okay magkwento na ako tungkot sa paborito kong unan ayos ba yun? kung oo, maari mong ituloy ang pagbabasa kung hindi naman tumigil ka na sa pangungusap na ito hehehe madali naman ako kausap :]

May paborito ka bang unan? ung hindi pwedeng hindi mo dadalhin kahit saan? Ako meron, unan ko na yun simula pa nung 7years old ako eh bente-uno na ako ngayon, malamang 14 years na syang nasa tabi ko :] Hindi ko nadadala ang paborito kong unan palagi dahil nga malaki sya kaya kung minsan lalo na kung malayo ang duty ko naiiwan sya magisa sa kwarto ko kasama ng iba ko pang unan. Ayaw na ayaw ko na nilalabhan ni Ate Susan ang punda nya hindi ko alam kung bakit MABAHO BA ITO? hahaha para sa akin hindi pero sa kapatid ko at kay spiderearl OO! nakakadiri ba? hindi ko alam eh basta gusto ko ganun sya, minsan binili sya ng nanay ko ng isa pang damit dahil kailangan ko na raw palitan at nangungupas na ang kulay, hindi ako umimik binigay nya na lang sa akin isang tanghali ung bagong punda unan, at hanggang ngayon hindi ko pa din sya ginagamit >:] attached na ako sa UNAN na yun? OO, bukod kay shobe na paborito kong aso ung UNAN na yun ang pangalawang saksi sa pagtanda ko, ang UNAN na yun ang nkakaalam ng mga sentimyento ko sa buhay, ang UNAN na yun ang sumasalo ng luha ko kapag malungkot ako o kung minsan ng laway ko kapag tulog na ako hehehe :]

Katulad ito ng taong naging bahagi na ng buhay mo, ayaw mong palitan gusto mo laging kasama, gusto mo lagi mong katabi kahit na hindi maganda ang amoy nya hindi mo alintana basta masaya ka dahil nandyan sya. Ngayon lang pinalitan ko ang punda ng UNAN ko, bagong kulay, mabangong amoy, bagong itsura, nilagay ko sa maruming damit ung isa, papalabhan ko bukas, at itatago ko muna. Hindi ko alam bakit inaawitan ako ni spider earl sa UNAN na ito pero ibibigay ko na ito sa kanya bukas.

Ung taong nakasanayan mo ng kasama baka gusto nya magbago? madalas kasi nating sabhin sa taong mahal natin ” wag ka magbabago huh” hindi naman yun pwede hayaan mo sya, kung magbago man ang gusto nya sa pananamit hayaan mo sya. Kung magbago man ang panlasa nya sa pagkain hainan mo sya ng iba, kung magbago rin naman sya ng nararamdaman sa’yo may magagawa ka ba? Lahat ng tao nagbabago, kahit ako o kahit ikaw, nagbabago ang pamantayan natin sa pagpili ng makakasama sa buhay, nagbabago ang mga pangarap natin. Ung tao naman na gusto ng umalis sa buhay mo pabayaan mo na rin, ibigay mo n rin sa iba lalo na kung pagod na pagod ka na at sobra ka ng nasasaktan. bka sakali nagbgo na rin ang nararamdaman nila, o nagbago narin ang gusto nilang makasama, masakit yun pero ganun talaga, kailangan mo masaktan para malaman mo na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi pangmatagalan, para rin maisip mo na may mga bagay na hindi mo kayang panghawakan habangbuhay.  

 

Pinili ko ibigay ang paborito kong unan, pinili ko rin na palitan ang punda nito. Bibili na lang ako ng panibago kapag nagka-oras ako o mas maganda kung mag-hihintay ako ng isang tao na magbibigay sa akin ng isa ulit na UNAN na magiging PABORITO ko :]

Posted by yeinechan at 10:59 pm | permalink | comments[2]

kwento ko?

September 16, 2008

Finally, i got some time to write an update hehehe! Sabi nga ni BLOOM “yeine tumaas na ang baha sa site mo, inaagiw na rin” hahaha hindi ko nakakasulat ngayon kasi ngbubusy-busyhan ako kunwari dumadalaw pa rin naman ako sa mga super friends ko dito sa blogsphere pero hindi na ganung kadalas kasi nga THE REVIEW IS ON hahaha joke lang. My review was suppose to start yesterday pero hindi ko rin kinaya pumasok dahil nga may sakit talaga ako so i told mum na today na lang eh kaso sa imus kami natulog ayon eto talaga atake na lang ng katamaran haha! ang dami dami kong kwento sobra umpisahan ko na kasi gusto ko pa din matulog ng matulog! :]

Friday - September 12 (MOA)

hahahahaha! i met my closest friends dito sa blogsphere it was super fun as in!

(grabbed from bloom :])

yan mga gifts namin sa isa’t isa :] i gave mare myk en bloom ung mga bears. Sobrang saya namin talaga maaga ako sa MOA kasi ang paalam ni yeine orientation nya sa Review joke joke lang yun hahaha kaya 8am pa lang pinaaalis na ako ng nanay at kapatid ko dahil mahuhuli daw ako (naisip ko lang ang aga aga ko kaya! imagine 9am pa lang nasa MOA na ako ano ba naman db?) so ayun nga dumating naman silang dalawa pero si JAY wala. naiwan namin sa Bataan. Kumain kami ng bonggang bonga sabay kantahan na to the max!

Tama si BLOOM wag na kayo pupunta sa Starbucks sa MOA hahaha ung barista naku naman hahaha ako nga nakakatawa eh inispell ko talaga pangalan ko as in Y-E-I-N-E haha eh oha tama ung akin ung kay MARE MYK “mayki” helo??? mykee kaya nkakaloka talga! ung kay BLOOOMMMMM hahaha “blue” bughaw?kalangitan?dagat? hahaha talgang blue? wahahaha ewan ko ba hahaha basta ang saya namin un lang :]

September 14 (SITCOM BAR)

One month na namin plinano magpipinsan na mag-girls night out kami natuloy din sa wakas marami pics pero natatamad ako iupload eh basta ayun galing kami sa comedy bar syempre hindi na ako nahilo kasi ayos ang ilaw dun syempre rin tawanan kami ng tawanan kasi nga comedy bar anu kb?! lahat sila order ng San MIg Light saka Red Horse ang tindi talaga bawal daw umorder ng ice tea mega takip pa ang cousin kong si KUH

Yeine : “alright alright (nagbabasa talaga) ayun oh ayun Cali sa akin

hahahaha! walang pumalag ayos Cali na sa akin hindi kasi ako nainom kaya mahirap sa akin ang umorder ng San Mig Light o Red Horse kasi hindi ko alam kung ano ako pag-nalalasing mamaya magwala ako dun o bigla akong magiiiyak db?hehehe. naiinis lang ako kasi ang daming gwapong bakla :|

grabe wala ako masabi ung tipong ano ba naman yan ang gwapo talaga natutulala nga ako hehehe pero wag ka bading na bading talaga grrrrr :| sobrang galing nila magperform kahit na medyo green at napapataklob kami ng mata dahil sa eksenang hindi naman makayanan hahaha magaling pa rin sila sina BETTY, OSANG, HANS (gwapo talga to :| ) WENDEL AT THOMAS babalik ulit kami ewan ko lang kung kelan sama ka?sure sure sama lang ng sama :]

September 15 (ROOM)

:( masakit na ulo ko as in masakit talaga kaya hindi ako pumasok maghapon ako nakahiga at natulog ewan ko ba bakit ganun bakit tumaas ang BP ko basta ang alam ko hilo ako talga nakakaranas ako ng occipital headache (anu daw?) basta un n yun. walang nangyari na productive sa araw ko kahapon kasi humilata lang ako sa kama ko at natulog bow.

wala n pala hanggang dyan na lang may isang oras pa ako para matulog kasi pupunta ako sa Vet mamaya may check up ang mga pupz kasi nga may dermatitis sosyal haha. oi oi nga pala i moved my review sa SEPTEMBER 20 wahahahahaha! so saturday na talaga wala muna ako ng isang buwan babalik ako OCT 26 sure ako dyan :]

♥yeine♥

 

Posted by yeinechan at 7:21 am | permalink | comments[4]