tapos na :|
October 25, 2008TAPOS NA ANG EXAM KO
HINDI AKO MAGKUKWENTO
Ayun lang hehe tapos na nga hindi ko na sasabihin kung nahirapan ba ako o hindi basta tapos na ayoko na lang isipin yun saka na pag may result na haha.
Sa mga nagpray salamat ng sobra talaga. Kay Fey na sinamahan ako nung first day sobrang salamat Phom :]
Napanuod ko na ung Nights in Rodanthe kahapon maganda sya syempre naiyak ako si Fey pinipigilan pa hehe. Basta mas okey ung book pero maganda rin naman at leche ang gwapo pa din ni Richard Gere hihihi kahit matanda na ng konti haha!
ito na lang muna. nakakapagod na kasi hehe gusto ko matulog na ngayon at magising na lang bukas :] hay phinga na ako. sa i.ph hindi na ata kita iiwan hehe mukhang hindi mo pa ako pinapalayas ng lubusan dito eh ui alam ko pagbibigyan mo itong entry na to na maipost ko haha ui :]
kay bloom mykee jay kooonin nadalaw ba kau dito?hehe kung oo salamat sa paglilinis ng bahay ko ng konti kay kuya kooonin salamat hehe sa pagtanggal ng agiw :] sa mga nag-tag sa akin kay belle kay chiko kay bloom saka ko na gagawin ha may time na ako ngayon
saka dun sa isang batang parang nagiging special na ata sa akin bwahaha gumaganun pa daw ako haha basta babawi ako ang ube roll ko >:]
errrr?anu daw? :D
October 13, 2008Monday, may klase ako dapat ngayon pero nakuha ko na ang lessons na yun kaya hindi na ako pumasok ang siste maghapon nanaman ako nakasalampak sa kama kahit na alam ko na marami pa akong gagawin hehehe hello?anu ba parang hindi pa alam ng marami tamad akong bata minsan lang ako mag-sipag. 11:30 na nung bumangon ako kanina kasi nga sa Imus kami natulog kagabi, fiesta pala dun taena kami lang ata ang bahay na walang handa hahaha buti na lang friendly ang nanay ko at may friend sya dun wahahaha dun kami nagdinner sabay mahjong haha syempre ang dakila kong ama ay umuwi na sa bahay at iniwan kami mag-tricycle na lang daw kami pauwi hahaha ang bait bait talaga sobra! so ayun nga kanina pag-uwi natulog ako ulit, naglunch lang tapos balik na sa kwarto alam ko, alam ko at talagang alam ko na marami akong gagawin, i was supposed to finish all that freaking task cards. Kahit mukha na akong gaga dahil sa harap ako ng salamin nagsasalita ng mag-isa ayos lang hahaha ung mga tipong ” Describe your hometown 10 years ago” ahahaha tanong ko sagot ko ” Oh, if i were to describe my hometown 10 years ago *tooooott* di ko na alam” hahaha next question “Tell me about the recent vacation u had” sagot naman ang gaga ” the recent vacation i had was in Boracay, we stayed at Boracay Regency for 4 days. The food was great! the fine white sand blew me away *tooooott* wala na ulit hahaha. Tigil na tama na ayoko na hahaha lipat ako sa isa pang bagay na hindi ako magaling ang magsulat hahaha Writing Task 1 Graph Analysis. Familiar naman ako dito dahil kahit pano sa Community Diagnosis eh marami nito kaya lang dati bara bara na alang ang description hindi ako equipped sa mga technicalities ngayon pucha nung nalaman ko ung mga dapat at hindi dapat taena mas lalo ako nahirapan hahaha mas lalo ako nagtatagal kaya sa loob ng 2 oras naka-dalawa lang ako hahaha i should have 20mins. allotted time for the writing task 1 pero inabot ako ng 1hour. Ayoko na ulit ayoko na masakit na kamay ko kakasulat saka parang nangiinis ung kama ko parang sinasabi na masarap matulog ulit haha. Binuksan ko na ung PC sinalang ang listening tests na CD. Ung una ayos eh pero nung nagtagal hindi na!
sabi nung Girl ” Can i have your postcode?
sabi nung guy “SE 18 PB”
ang galing nakuha ko pa nung sumunod “Your date of birth”
ung guy: ” 13 july *&#%@*&^
ako: ano dawwwwww syet ano daw errrr?
(sabi isang beses lang daw iplay gaga ba ako hahaha hindi pa naman exam kaya ulit lang ng ulit hahaha para pag nakita ko score ko ayos ma-boost ang self-esteem ko hahaha)
nakakasampu palang akong sagot nung parang ngumingiti sa akin ung yahoo msger ko hahaha para sinasabi na log-in ka tapos parang nararamdaman ko sinisipulan ako ng i.ph hahaha mag-post daw ako haha kaya eto tinigil ko na ung pag-kakapabibo kong kunwari at tumitipa na lang ako sa keyboard kong kulay itim at naglalakihang font at icon ang nasa harap ko.
Pag sinipag ako mamaya mag-aaral ako ulit promise pero syempre kakain muna ako pag masarap ang ulam at maparami syempre scientifically speaking aantukin ako, logically naman dapat pag inantok ko matutulog ka db?tama naman? so bukas na lang
eh may pasok ako so paguwi ko na lang bukas, kaya lang pagod na ako nun hahaha so wag na lang. Tigil ko na lang db hehehe
un lang. dinner na daw. cge ingat hahahahahaha!pota ang corny.
nabubulag ba ako? :D
October 11, 2008Haha natatawa ako sa pc ko talaga, matapos masira ng tatlong araw pinasasaya nya ako hahaha. Nasira ang bwiset na pc na ito sa oras kung kelan kailangan na kailangan ko sya, ayos di ba may naghihintay kaya sa akin wahahaha mga kapatid ko yun hindi kung sino man. Yun nga nasira ang gagang pc ko eh dahil nga nars ako hindi ko alam kung anong merong ka-ek-ekan meron ang pc na to, susubukan ko sanang ipagawa sa kapitbahay namin kaya lang hindi ko naman maabutan. Buti na lang may KOOONIN na napakatalino hahaha nagawa nya ang pc ko kahit sa tawag lang pero bago nya ako binigyan ng instructions na gagawin ko nainip na ako kakahintay kaya nagmarunong ako hiniram ko ang matabia ba yun basta ung swiss something ng Tatay ko mukhang ayaw pa nga ipahiram kasi saan ko daw gagamitin, eh hello hindi ko naman ipapamigay yun hahaha lalong hindi ko naman paglalaruan lang db hehehe. Pagka-abot nya nun aba syempre ang kutaterang babaita na ito binuksan na ang cpu, madali lang naman saka sinuguro ko naman na hindi yun nakasaksak hehe may kukute pa naman ako kahit paano :] nabuksan ko na nga aba syet ano ba yun ang daming maliliit na ewan hehe syempre ang sabi ni kuya KOOOONIN ung memory ko daw ang may problem, anak ng tipaklong alin alin dun ang memory!!! nawalan na ako bigla ng gana iniwan ko n lang nakatiwangwang ung cpu hehehe mga 2hours na akong naghihintay biglang nagtext ang sabi “col ka na hehehe” wow naman cge na nga ako naman ang may kailangan hahaha tinawagan ko na si kuya, aba aba sermon naman agad bakit daw hindi namin sya inimbita hahaha BLOOM and I had lunch kasi sa Napoli nung nasa Morayta ako kasi dun muna ako ngreview so ayun nga hindi namin sya nasabhan hahaha sabi ko next time na lang ayun so instructions agad, sabi buksan ko daw ung cpu “aba bukas” hahaha kanina pa. hanapin ko daw ung memory dun basta hindi ko alam kung paano ko nakita, kunin ko daw tapos kumuha ako ng eraser steadler pa raw dapat tama ba ako ng spelling hahaha sosyal mongol lang meron ako! so ayun binura ko na nga, ibalik ko daw so ginawa ko naman inopen ko ung pc yes!YEZ! wala pa din
( wala pa dinnnn!!! aba sabi ni kuya baka daw Video Card sabi ko ano yun, tanggalin ko daw sa cpu ung vc eh hindi ko naman makita hahaha sabi nya “ay built-in” ung sa iyo. pero maya maya may nakita pa akong parang VC din sa likod sinaksak ko dun hahahaha yes yes talaga gumana na may lumalabas na sa screen ko! pero PERO ang laki ng font sobra as in parang BULAG ang may-ari hahaha wala hindi ko maayos ang display setting hinahanap ako ni kuya ng driver ba yun eh wala ako kasi pre-loaded lang ang program nito so eto pag ginagamit ko sya ang linaw haha ang laki ba naman ng mga icons eh hahaha saka ang galing bumilis ang i.ph pero hindi ako mkapagsave ng links ewan ko kung bakit hahaha! ang laki talaga kahit nakakainis natatawa na lang ako hahaha tapos ung email ko balik sa classic kasi ung bago ng yahoo mail hindi pwede sa akin kasi ung kulay mataas eh ung sa akin hindi hahaha basta hindi ko maintindihan saka ko na ipapayos ulit ang saya lang kasi nakakaikot ako ulit sa sphere saka nkakasgot na rin ako sa mga comments sa fs hahaha tulad knina nagikot ako ung kay JACK eh dahil nagulat ako sa nabasa ko nagulat talaga ako hahaha ubod ng straight forward pala nun. walang preno hehehe. kaya ako parang bumangga kanina.hinay hinay bro hehe minors are roaming around the blogsphere hehehe kailangan ng parental supervision ung sa iyo hehehe hindi ako maarte sadyang wala palang akong alam kaya yun nagulat lang ako pero napakatotoo mo magsulat, walang halong kaplastikan o takot hehe. so yun na lang muna dami pa ako babasahin nalalapit na ang oras ng pagdugo ng ilong ko! hahaha! MARE MYKEE, BLOOM, JAY super miss ko na kayo kahit kami ni bloom kakalunch lang the other day hehe!
♥yeine♥
NUMB :|
October 8, 2008YOU no longer affect my life.
i shudn’t be xad bout it, time made me forget who you are.
.yeine.is.sick.
(experiencing mild speech defect.)
1:02am my sinusitis won’t make me sleep
kapag malas ka malas ka!
October 3, 2008BADTRIP
kakadating ko lang ng bahay, kasalukuyang nakain ulit ako habang tinitipa ko ang keyboard, ung inorder fries at apple pie sa mcdo kanina wala ng lasa. Pagod ako, hindi kasi ako sanay bumyahe kaya eto para akong lantang gulay sa palengke. 9 ng gabi ang tapos ng klase ko ayos sabi ko may bus pa pauwi ko pero pucha pag labas ko ng pinto ay pakshet ang haba ng pila!!! napamura talaga ako pero mas nanaig pa din ung kaba ko dahil natatakot na akong umuwi. Naisip ko sana hindi na lang ako umatend ng pang-gabi, pero huli na kung mag-sisisi pa ako. Basta ayos yung byahe ko pauwi kaya lang ang nakabadtrip sa akin ng husto ay ung mag-syota na katabi ko sa jeep. PDA kung PDA taena talaga kulang na lang maghalikan sa harap ng 14 na pasahero, OO binilang ko talaga dahil sisigawan ko na ung barker o dispatcher ba tawag dun kung magtatawag pa sya ng pang labing pito. Sino ba ang hindi maiinis sa mga mag-kasintahang PDA na masyado utang na loob pasado alas-diyes na ng gabi ang taas pa rin ng energy nila kung maghagikgikan todo kung magyakapan sobra. Hindi ko naman sinasabi na bawal nilang gawin yun pero sana nasa lugar naman. Pag ganitong 9 na oras akong nagaaral at nagagalit na ang tiyan ko sa gutom nagiging halimaw din ako. Siniksik ko talaga yung babae dahil wala syang tigil ng kakakendeng eh anak ng tupa ang sikip na kaya tapos ang likot likot pa nya. Hindi na napigilan nung isang manong sabi “Neng, wag kayo masyadong maingay” sabi ko sa sarili ” Salamat Manong
” pero ang gaga at gago hindi pa rin tumigil cge lang tuloy pa rin sila. Nag-salita na ako “Miss, likot nyo. Kung di nyo napapansin. ” ang mukha ko talaga parang kahit anong oras mananapak na. ayun tumahimik ang boba. Bumaba sila bigla sa ewan ko kung yun ba dapat ang bababaan nila. Hay, tahimik na ang byahe namin ayos na nakauwi ako ng matiwasay. Pag dating ko sa bahay ay shet wala akong susi, kakatok pa lang ako binuksan na ng kasama namin kaya pala, andun din ang syota nya kaya gising pa. Pagkita ko sa kusina, ayos wala ng ulam, sabi ko na lang iorder nya ako sa tapat ng tapsilog, ok raw, nauuhaw ako, anak ng teteng walang tubig na malamig, nagdefrost daw sya, sabi ko naman “ah okey” kumuha ako ng twalya at lagkit na lagkit na ako talaga baka sakali mawala ang gutom at inis ko pag naligo ako ulit, putang ina walang tubiggggggg! sory sa mga words pero di ko na lang talaga matiis. Kung mamalasin ka nga naman. Tiniis ko pa rin sabi ko sa syota nya kung pwede pakibuksan ang tangke ng tubig (basta para magkaroon ng tubig) oo alam nya daw, nagpahinga ako saglit hinintay na magkaroon ng tubig sa tangke bago ako naligo. Nabawasan ang pagkabagot ko, naibsan kahit pano ang inis ko at pagkasuklam ko sa PDA na mag-syota. Dumating ung kasamahan namin sa bahay, umupo na ako, kumuha na sya ng tubig kahit di malamig, sabi ko okey na Ate ako na lang. Ay pambihira nga naman Longsilog ang inorder pucha ano to agahan?! di na ako nagreklamo, kinain ko na lang, hindi na ako kumibo, pag tapos ko nagtooth-brush tapos pumanik na ako sa kwarto ko at ito agad hinarap ko. Hay ayos na kahit pano gumaan na pakiramdam ko. Matutulog na rin ako. Maaga pa ako bukas,
Kay ChiLL na may gig bukas ng gabi
pasensya na huh, gusto ko talaga kaya lang hindi talaga ako pwede babawi kami ni mare sa susunod dahil alam namin na msusundan pa yan. Mahal ka namin saka proud kami sa’yo
sana maivideo ng mga mkakapunta para mapnuod din namin kahit wala kami dun, rest assured na nandun ang puso namin, nakasuporta (hahaha OA na) kabush!






