i see beautiful days with you :)
November 8, 2008 Sus sabi nga ng marami kapag umuulan un ung oras na masarap mag-isip, umiyak in short magpakabaliw dahil magiisip ka ng magiisip ng mga bagay na maraming “what if’s”. Natural na sa akin na makinig sa mga kanta na ubod saksakan ng lungkot pero wala naman akong suicidal tendencies, gusto ko lang talaga yun lalo na kung ayos at sakto pa ang lyrics sa nararamdaman ko. Nakakasuya kung minsan para sa iba pero hindi ko naman gustong makinig sa super lakas kaduper na sound ng rock music kapag galit ako, simple lang ako magalit nambabato lang ako ng bagay na mahawakan ko hindi joke lang. Pag galit ako tahimik lang ako minsan napapaiyak ako sa sobrang galit at extrovert ako kung minsan magugulat ka nalang kung super close tayo malamang minsan sa buhay mo natawagan kita na ngumangawa na ako at tumutulo na ang sipon ko at hindi na ako makahinga kakaiyak. Ganun ako. Hindi ko nga alam kung bakit at type ng type eh hindi ko rin alam saan pupunta ang entry na ito kung may mga mas importante kang bagay na gagawin hala unahin mo yun hehehe dahil sure ako wala kang mahihita sa akin kadramahan lang ng isang batang iyakin ang mababasa mo dito. Hindi ako malungkutin ha masayahin akong bata mahilig akong tumawa ng pagkalakas lakas parang hindi na ako tatawa pa bukas ganun hehehe mahilig akong kumanta pero ang pagkanta ang walang hilig sa akin hahaha kaya pinakikinggan ko na lang minsan nakikisabay ako. Ang dami kong kanta na na-idownload kanina para sa ate ko pakshet kung magmadali akala ko naman 100 songs na ang ilalagay sa mp3 nya sus 5 lang pala anak ni tatang! sobrang excited eh nagulat ako pagbigay ng listahan sa akin wow pare ang tindi limang malulupit na kanta hahaha may beautiful girls pang kasama wahahahaha natawa na lang ako nakakaloka ang kapatid ko hahaha pababalikin ko ng Dubai ito eh ihahagis ko haha may isa pang kanta na nagulat ako The Call - Backstreet Boys. Mahal ko ang BSB pero naman ang tagal na nung song na un hehehe. Ayoko na nga. Hinanap ko pa rin para sa kanya love ko kasi sya. So ayun nga actually hindi okey pakiramdam ko ngayon ewan ko basta i feel odd. Naulan nga ngayon ang lamig pa kaya parang gusto kong subukan na matulog ng maaga. Basta sobrang lungkot ko lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam talaga. Ang saya saya ng unang mga tinatype ko biglang transition ng mood eh noh. Parang nilalagyan ko ng maskara ung mukha ko pero gusto ko rin naman alisin na lang. Ah ewan ko maganda tong kanta na to.
PAALALA : In time may kakantahan din ako ng song na to i swearrrrr! and i’d pray hard that it would reaaly last!
I see beautiful days with you
I feel beautiful ways of loving you
You?ve touched my heart so deeply
And I can?t thank God enough
For all the beautiful days with you
I feel beautiful ways of loving you
Everything is just so wonderful
Every little thing is just so beautiful
When I spend it with you
You came along
In an unexpected time
It was so divine
Knowing you are mine
It feels so right
When I look into your eyes
I never knew that love
Could make me feel this way
I can?t wait for the day
When I can truly say
With you I felt fine
So right
I?ve sang so many songs in stages
With thousands of them watching me
But you?re here with me now
And I sing this song to you
To you, baby
Just for you
Just for you
ayun lang tapos na tong entry na to mahaba na ata eh zzzzzzzz
untitled
November 6, 2008She was no extraordinary though she tried her hardest to grasp all her creative ideas to make a day with him a little bit magical. She thought she was good at it and even mastered it. She was an A in effort, but in spite of these things she failed. She fell short in keeping a relationship work. If she can move mountains she certainly would just to keep him. She was wrong. She was being left for somebody else. She was unlucky, deteriorated, smashed. She gave chances mirrored like confetti showered before him. She was always hopeful that the thing between them will work just the way they planned it. She was again cheated. She was betrayed again by the only guy she ever loved. She was once more devastated, literally wrecked, shattered, and numbed. She felt that she can no longer live with the pain. She finally gave up, gave everything up. She took time to think of ways to escape the reality that though she tried everything she could do she was still a failure. He inflicted so much pain in her heart. She knew she was healed but she never deny the fact that she was scared of losing her grip once more. All her life she was after someone else’s happiness, but now she wants her own. She was indeed a different girl now. She made a pact with her own heart that she would never give the person she would fell in love with more than what he deserves. For her there were no longer what “she used to be”.
maxaya ako napatay kita PERO sorry huh :)
November 3, 2008takot ako sa GAGAMBA!
Haha oo sobrang takot ako sa gagamba ang alam ko may phobia ako dun kasi nung nasa elementary palang ako nabaksagan ako ng gagambang kuryente malapit sa canteen namin ung lecheng gagambang kuryente na yun na malaki na maitim ang dahilan bakit ganun na lang ang takot ko sa gagamba. Ayoko talaga sa kanila mamamatay na lang ako kasi gapangan ako ng gagamba. Ayos lang sana ung gagambang maliliit eh ung tumatalon lang pero wag mo ididikit sa akin pucha papatayin talaga hehe pag nakakakita ako ng gagamba madalas hindi ako makakilos as in hindi ako nkakagalaw haha tapos mararamdaman ko na parang hindi ako makahinga parang nagtititigan kami nung gagamba mag-iisip na ako kung paano ako makakaalis sa pwesto ko. Hindi ko alam kung naharap ko na ung takot na yun kagabi. Pakiramdam ko kasi OO pero mukhang hindi pa rin hehe dahil ngayon lang nghahanap ako ng larawan ng gagamba hindi ko maiclick ung litrato nya shet talaga. Pero masaya ako hehe dahil may napatay ako na gagamba kagabi ang sama ko noh haha oo na “has a life has a spirit has a name” pwes wala akong pakialam kung sya pa ung prinsesa nila o kahit napakaganda pa ng pangalan nya o kung may naiwan syang boyfriend/girlfriend sa kanila SORRY hindi ko napigilan patawad.
Kagabi sobrang sakit na ng tiyan ko as in talagang crowning na harhar (sorry kadiri noh) anyway basta masakit na talaga mga 8:30pm na ata un so bumaba ako pag bukas ko ng ilaw ng banyo parang namalikmata lang ako ung parang may nakita ko pero in denial pa hahaha sinasabi ko sa sarili “shet no! hindi ito maaari! hindi ito hahayaan ni God na mangyari sa akin! hindi!” ang ginawa ko syempre lumingon ako ulit shet gagamba nga ung picture sa itaas ganyan ung itsura nya ang hahaba ng paa tapos parang pag tingin ko sa knya ng dalawang beses parang nginitian nya pa ako parang sinasabi nya na “oo gagamba nga ako hala ka hahaha!” parang ganyan eh parang ang lutong ng tawa nya eh, sobrang sakit na ng tiyan ko nawala talaga as in nawala ang nasa isip ko kung paano ako lalabas ng banyo namin nanginginig na ako sa kaba pumikit pa ako ng ilang ulit baka naman kasi wala talaga hehe pero anak ng tokwa meron talaga hindi umaalis gumagalaw pa parang nagpapatintero na hindi maintindihan ang sama talaga. Bilang ako ng tatlo sabay labas ng pinto pero hindi na tama masakit na ang tummy ko at ung cousin ko sa tabi namin wala nasa Bicol hindi ako makakapasok sa bahay nila, nkakahiya man mas pipiliin ko mag-CR sa mga pinsan ko kaysa sa amin pero wala akong choice huhu. Lakasan na lang talaga ng loob haha so kumuha ako ng pares ng sinelas ewan ko sa tatay ko pa ata un hinagis ko sa gagambang brown na yun hudas talaga ni hindi man lang nadaplisan, ang siste para pa syang tumalon sa lapag! napapamura na ako talaga ang mga puppies ko nakatingin lahat sa akin kasi naiiyak na ako, kung itatanong nyo kung bakit hindi ako humingi ng saklolo kasi nasa taas na sila at kung tatawagin ko pa kahit sino mapapagalitan ako ng tatay ko hehe kasi sasabihin non ang laki laki ko gagamba lang hindi ko mapatay hindi nya lang alam hihimatayin na ako sa takot grrr. So ayun nga sumunod kong hinagis sa kanya ung kabiyak hindi ko parin tinamaan! amp tinamaan tlaga ng lintek hehehe. ang ginawa ko 2 pares ng sinelas pa ang kinuha ko at 2 pares ng rubber shoes ni ate at ni spider earl para marami akong bala! presto! patay ang gagamaba sa huling pares na inihagis ko nilapitan ko sya naawa ako pero hindi hindi ako dapat maawa dahil mas nakakaawa ang itsura ko ung itsura na natatae ka na namumutla ka pa nanginginig ka pa lahat na masaya ako napatay ko sya pero nagsosorry naman ako sinadya ko man un hehehe wala akong magagawa pray ko lang nasa heaven na sya kasama ang ibang gagamba at wag nya ako dadalawin sa panaginip ko o wag maghihigante ang boyfriend/girlfriend na naiwanan nya sa mundo hehehe pag nagkataon (awww ayako isipin
) kakatakot hehehe! ayun lang shinare ko lang kayo saan ba kayo takot wag kayong magmatapang haha ipis at gagamba lang ako takot. kaya ko pang makipaglaro sa daga hahaha! at kumuha ng bulate para pain kapag mamimingwit kami ni Eloi at Kuh (mga cousin ko na kasama ko mamingwit ng tilapia haha) at saka pala gusto ko ang movie na spiderman kung lahat ng spider gaya nya ayos lang hahaha! matutulog pa ako kasama nya hahaha!
mushy little thing called lovesong :D
October 31, 2008
I’ve never been so certain, I’ve never been so sure.
We’re on the side of angels,
If we believe this love is pure.
Is it so hard to trust it,
‘Cause we’ve been wrong before?
There comes a time in every life,
We find the heart we’re waiting for.
After all the might-have-beens,
The close and distant calls
After all the try-agains,
Don’t be afraid to fall
We’re on the side of angels after all.
Every time you touch me,
Don’t you feel it too?
The gentle hand that’s guiding us
You to me, me to you
After all the might-have-beens,
The close and distant calls
After all the try-agains,
Don’t be afraid to fall
We’re on the side of angels after all.
Heaven only knows
Why this took so long
But only Heaven knows
A love is right or wrong
After all the might-have-beens,
The close and distant calls
After all the try-agains,
Don’t be afraid to fall
We’re on the side of angels,
On the side of angels,
On the side of angels, after all.
***nagtataka kau bakit ung ibang words naka-bold tapos ang laki ng fontsize hehe actually wala lang, wala lang talaga gusto ko lang bgyan ba ng emphasis ung ganun hehe nagagandahan lang ako sa song na yan kinakanta ko ng paulit ulit kahit hindi kagandahan ang boses ko harhar. that song makes me feel good. parang kanta sa mga new-found love ung ganun ung pakiramdam na “un na talaga un” kahit di pa nangyayari sa akin yan ayos lang twenteen-one palang naman ako haha magtwenteen-two na wag na angal maganda sa pandinig ko hehe. it is a song for me na nakakauplift ng spirit, a song of hope and waiting. I’ve always believe in angels, i read a book pa nga about them from my good friend Ces di ko lang maalala ung title hehe pero naniniwala talaga ako***
u can watch nights in rodanthe in movie haus pala wahahaha! ( si kooonin kasi pinahamak ako haha!) it was a very nice movie. sorry guys (mykee en bloom) hindi ko kau kasama ngwatch feeling ko kasi i need to watch that movie after ng speaking exam ko hehe parang nadrain ako eh kaya after nun sugod na ako para magwatch.
ano pa ba?wala na ata. nov.1 na mamaya konti matutulog na ako haha!
♥yeine♥
napahiya ka?
October 28, 2008Kagabi nagpakita ang gagu kong ex. Haha natatawa ako sa kanya kinausap pa nya ang Nanay ko tsk tsk i know my mom was just being nice to him pero sa akin tablado sya literal bumili sya ng C2 apple sa pagkakaalam ko may istorya yung dati pero sad to say nakalimutan ko na harhar! thick face ang tae sobra. Napakafeeling nya natatawa na lang ako hahaha! isa pang malutong na tawa BWAHAHAHAAHAHAHAHHAAHAHA!!!
Kung may pinagsisisihan ako sa buhay ko yun yung nasayang na dalawang taon nito. Hindi mo nga ito mababasa pero malay mo mabasa mo, masama akong tao?kung masama ako ano pa ang tawag sayo?Tanga lang ako talaga pero hindi pa ako ganun ka-boba kaya bumitaw na lang ako akala ko kasi may pag-asa pa na magbago ang ugali mo. Ano ka ba?Ano ba ang pinagmamalaki mo?Yung sasakyan mo na kung minsan, ahh hindi madalas ay ako pa ang nagpapagasolina? haha o ung pagmumukha mo na sobrang feeling mo napagwapo mo? nakakasuka nakakasuklam. You made me feel how unfortunate I am. You cheated on me twice. The third time that you did was with my Ate’s GAY bestfriend. Hindi ako nanghihinayang sa’yo ang nakakapanghinayang ung mga pagkakaibigan na hindi ko alam kung maibabalik pa ba. Marami akong nasayang na panahon sa’yo. You almost break me into half or worst into pieces. I can’t remember any good memories i had with you. Like i’ve said you no longer affect my life, tinatawanan na lang kita. Saka ung cousin mo na tumawag pa para sabihin na hindi ka masaya. hell i care. Basta ako masaya ako, alam ko na ang worth ko, naramdaman ko na kahit pa ano mangyari sa akin nandyan ang pamilya at mga tunay na kaibigan ko. Kaw ano kaya ang nahita mo? malamang WALA.
HINDI MO PALA KAILANGAN HUMINGI PA NG PATAWAD O KUNG ANO PA MAN DAHIL HINDI KA PARTE NG BUHAY KO NG BUHAY NAMIN NG PAMILYA KO. NAHIHIYA AKO. NAIINIS AKO. PERO NATATAWA AKO NA SHET ANG TANGA TANGA KO PARA PUMATOL SA ISANG LALAKI NA KAGAYA MO. PERO HIGIT SA LAHAT NAGPAPASALAMAT AKO SA DIYOS DAHIL HINDI NYA AKO HINAYAAN NA MABULOK NA IKAW ANG KASAMA KO LALO NA ANG MASUNOG PATI ANG PAGKATAO KO NG DAHIL SA’YO.
sa lahat : pasensya na kailangan ko lang ilabas to. nakakapikon na rin kasi. bitter ako? hindi naiirita lang ako sa dahilang ang pagpapakita nya na parang wala syang ginawang mali. i do not have anything against gay, i love them isa sila sa mga taong hinahangaan ko dahil matapang sila pero in my case kasi iba.
♥¥€ÏΝ€♥







