Home » Page 2
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


Still.

November 16, 2010
I honestly wanted to be OKAY again.
 
Every night I pray for the day that I can, with all honestly say to myself that I am OKAY.
 
Still the day hasn’t come yet.
 
I am still hurting.
I am, STILL, not moving an inch forward.
I am still longing.
I am still hoping.
 
 
I AM STILL.
 
Posted by yeinechan at 7:14 am | permalink | comments[1]

mahalaga ka lang.

November 7, 2010

Tinatanong ko kanina ang sarili habang nakasakay ako sa bus papuntang istasyon ng tren kung okay na ba ako? Alam mo na siguro kung aling aspekto ko un hehe. Habang nakasaksak sa tenga ko ang ipod at nag-eemote si Kyla sa kantang NASAAN KA NAhindi ko mapigilan na pumunta nanaman sa sariling kong mundo na kahit na kailan asahan mo walang magandang maidudulot, bakit kamo? dalawa lang naman ang kahihinatnan nuon, malalagpasan ko ang dapat na stop ko o LALAGPAS TALAGA AKO. Malamang lumagpas ako ng 4 na istasyon na kulang kulang 15 minutos ang nawala sa gintong oras ko. Akalain mo ba namang may linyang

“Hindi natiis, ika’y umibig sa iba” 

ouch. sakit lang. 

iilan na ba ang mga lathala ko na pinili kong maging pribado. May mga pagkakataon lang talaga na hindi ko na kayang maging malakas. Minsan ang panghihina wala pa sa tiyempo. Kung wala ako sa biyahe malamang nasa trabaho. Yung tipong bigla mong maalala tapos malulungkot ka tapos totox-sikin ka pa ng deputy manager mo. 

Hindi ko maalala kung anong pelikula o ilang pelikula na ang napanuod ko na may dialogue na magka-iba kapag mahal ka at kapag mahalaga ka LANG. Ganun ung tumatakbo sa isip ko.

Mahalaga lang ako kaya pasensya ako. 

Iniisip ko ano nga bang pinagkaiba kapag mahalaga ka at mahal ka. Siguro kapag mahal ka syempre mahalaga ka. It goes together hindi ba? You can never say na mahal mo ung isang tao kung hindi naman sya mahalaga sayo. Pero sa tingin ko, at sa tingin ko lang ewan ko sa inyo, na kapag mahalaga ka hanggang mahalaga ka lang, kung baga importante ka. Pero hindi ba importanteng malaman mo na importante ka? at least importante ka. O sige ang gulo lang ng huling statement ko sorry pls? 

Hindi mo mailelebel ang sarili mo sa taong mahal nya kase mahalaga ka lang. Hanggang dun na lang un. 

Alam mo, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa mga dahilang hindi ko maipaliwanag. Sya lang naman kase talaga. Hanggang ngayon. 

 

Ang hindi ko pagiging kuntento.

Oo, hindi ako naging nakuntento sa kung anong meron. Hindi ko kasi kaya. Yung isipin palang na mas gusto nya kausapin ang isang tao kaysa sa akin masakit na eh, yun pang malaman mo na sila na, mas masakit yun. 

Mahalaga ako sabi nya. Maraming mahalaga sa akin. Lahat halos ng taong nakapaligid sa akin mahalaga. Isa lang ako sa mga taong nakapaligid sa kanya kaya siguro mahalaga ako. 

Hindi ako naawa sa sarili ko. Nalulungkot lang talaga ako, hinahanap sya ng sistema ko. Nasanay akong nandyan lang sya,tapos biglang nawala o mas tamang sabihin ko na pinili kong mawala. Wala akong pagpipilian naging tapat lang sya at nasaktan lang ako. Parang buong buhay mo sigarilyo ang kasama mo tapos napilitan kang tumigil kase kapag hindi ikakamatay mo. Parang ganun. Parang ganun talaga. 

 

Ikaw, mahal ka ba?o mahalaga ka lang din?

 

Posted by yeinechan at 6:59 am | permalink | Add comment

God of my days! :)

November 3, 2010

Just want to  share with you this song that woke me up this morning. Sorry for the many glitches. My voice, my basic recording software, my little laptop and my funny singing hehe but WELLAH! this is for my personal saviour! Enjoy don’t sleep :)  

 

God of my days

by Gateway Worship

 

 

Posted by yeinechan at 6:00 pm | permalink | Add comment

un lang.

November 2, 2010
Bakit sila MASAYA na.
 
c:
 
Tapos ako MALUNGKOT pa rin.
 
:c
Posted by yeinechan at 6:24 am | permalink | comments[2]

back to london :(

October 27, 2010
I wish I could stay forever in Glasgow. I am HOME when I am here. Babalik nanaman ako sa London bukas ng umaga. Makikita ko nanaman ang apat na sulok na kwarto ko. Sasakay nanaman ako sa red buses. Makikipaghabulan sa tren at magmumukmok pagdating sa bahay. Gusto ko pang kasama si Miggy. Gusto ko pa syang buhatin at manghuli ng napakamahal nyang smile. Mamimiss ko nanaman ang luto ni Ate Donna. Ang pagiging cool ni Ate Mitch at ang curry ni Kuya Raju. Gusto ko pang maligaw sa Glasgow City Centre. Maglakad sa ulan habang halos 4 degrees ang temperatura. Madaling pumunta mahirap umalis. Pag-uwi ko malulungkot nanaman ako. *SOB*
Posted by yeinechan at 7:15 am | permalink | comments[1]