Lamig ng Panahon
September 27, 2010Sobraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Kakairita!Kakapanghina! Tapos sasabayan ng sama ng pakiramdam. Ako na ako na ang may sakit ako na. Makakaabsent ka ba sa work isang malaking HINDE. Kahapon biglaan ang paglamig ng panahon, ganun ata talaga parang damdamin ng tao, pabago-bago, minsan dahan dahan minsan naman biglaan. Ang lamig lamig ng pakiramdaman ko ngayon. Nawalan na ng pakiramdam halos ang mga daliri ko sa kanang paa. At sa wari ko wala na rin pakiramdam ang puso ko. Makailang beses akong nasabihan kanina kung anong problema ko. Kung bakit napakatamlay ko. Kung may sakit ako. Kung pagod ako. Sa dami ng tanong nila isa lang ang isinagot ko. Lumamig kasi ang panahon. Nananamlay ang katawan ko. Parang hinihigop ng malamig na hangin ang lakas ko. Sabi pa ng isang kaibigan kanina parang ang lamig ko daw tumingin. Walang buhay. Isinisi ko sa lamig ng panahon. Sa biglang pagbabago ng temperatura, sa malamig na haplos ng hangin. Bukas isang araw nanaman. Inihanda ko na ang makapal na damit na isusuot ko sa pagpasok sa trabaho. Baka sakaling hindi ko maramdaman, baka sakaling magsilbing panlaban sa lamig, baka sakaling bumalik sa dati ang pakiramdam ko.Sana.Sana…
Previous Comments
@ate kg hehehe! email me your home addy again ate, parang nawala na ung dati sorry
thank you! say hi to wendy! :p
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







malamig ang panahon, malaimig din ang “pakiramdam”? hmmmmm…
Posted by kg at September 27, 2010, 6:16 am