…..mga kwento ko. I LIKE MO :)
April 3, 2010Hindi ko na din matandaan ang tunog ng pagtipa sa munting kompyuter ko. Busy?woeh hindi naman. slight lang. Sa totoo lang marami ng nangyari magmula ng dumating ako dito. Una, malakas pa din akong kumain (hindi pala pagbabago un hehe sorry nemen) Seryoso, una sa listahan ko, naging mas matipid ako. Lagi ko ng iniisip na ang one pawnd dito ay sitenta’y sais kaya matipid ako kulang na lang sambahin ko ang one pawnd dito. Hindi ako bumibili ng mga gamit na hindi ko kailangan. Patuloy pa rin ang pag-aaral ko sa isang munting literal na kolehiyo kasama ang mga mababait kong kamag-aral na nangangarag na sa mga paper na due sa mga susunod na Linggo. Samantalang ako nagrerelak relak pa dahil dalawang linggo kaming walang klase, saka na ako mapreyshure imma rest some more pa oh yea! Pangalawa, hindi na kami nalilgaw ( hep hep hurray hep hep hurray) hindi na kami nagkakamali sa pagsakay ng bus at hindi na kami nalilito sa pagtawid, isang malaking akomplishment ito, kasi alam ko maliit na ang tyansa na masagasaan ako. Pangatlo, mas inaalagaan ko ang sarili ko ngayon, nagkasakit ako ng bongga bongga dito noong nakaraang linggo, iginupo ako ng matinding lagnat laki, ubo, sipon at pananakit ng ulo, sabi nila na-”winter bug” ako sabi ko naman, hindi “trangkaso” lang ito, lumabas na TAMA AKO hehe. Pang-apat,natanggap ako sa trabaho isang carehome, matapos akong pahirapan ng bruha sa interbyu tatanggapin din naman pala ako, ayan hindi ko tuloy tinanggap, wushooo paano naman kasi ang gusto lumipat ako ng bahay eh “teh ang hirap maglipat, masakit sa katawan.” at bukod dun lab lab ko na ang kasama namin dito sa bahay lalo na ang mga bata. Sa madali’t sabi tinanggihan ko ang trabaho. Pang-lima, pumapart-time ako ( yes naman!) malapit lang, nag-aalaga ako ng matanda, sa katunayan nga bukas may duty ako, hindi na masama, madali ang trabaho matagal lang ang oras na itutunganga mo kaysa sa igagawa mo.
Alas-dose na ng umaga dito kaya gogora muna ako kasama ni Peter Pandesal. Paano sa susunod na lang ulit. Pramis :p
at syempre NAMISS KO KAYA KAYO! esp. Ate KG and Ate Erlyn






