Home » Archives » 07. February 2010
"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

sabi na nga ba.

February 7, 2010
Isa isahin natin ang nangyari sa araw ko.
 
11am na ako nagising sa dahilang sobrang pagod ako sa school kahapon. 
2pm na ata ako nakapagsaing at nakapagluto ng ulam para sa tanghalian.
Naglaba na rin ako dahil halos wala na akong maisuot dahil halos labing apat na araw na magmula ng dumating ako sa pagkalamig lamig na bansa na to.
Nagbayad nanaman ako ng renta sa kwarto. Nagbayad na rin ako para sa sampung kilong bigas.
Mabilis daw ang oras sabi nila pero para sa akin, medyo mabagal pa. 
Ngayong gabi nanunuod ako ng 500 days of summer. 
Nabuset din ako kay summer. Ewan ko kung bakit. Siguro napakagaling lang ng pagkakaganap nung Tom, kasi naman kitang kita ramdam na ramdam mo ung sakit na nararamdaman nya. Oh man tagos e. 
Nalaman ko na lang sumisinghot na ako.
Ay syempre bilang iyakin na tulad ko panget naman kung di ko pa aaminin na umiyak na nga ako.
Pero sa huli okay din ung sinabi ni Summer. Mararamdaman mo na nga lang yun sabi nga ni Tom.
 
Summer: You are right, but maybe you’re not right about ME.
 
isang linya na parang ganyan. shet. 
 
sabi ko na nga ba eh, masama ako manuod ng malulungkot na palabas, malulungkot lang din ako. Dapat ice age 2 na lang nga.
 
Naisip ko, lately, hindi ko naisasama sa prayers ko ang makilala ang taong para sakin. Ewan ko ba. I always believe na meron eh pero nasaan. Hindi ko alam. Ala nga naman ipagtanong ko pa. We, sometimes think that the person we are with now, were the ones that we’d be spending the rest of our lives with. Ganun naman talaga.Wala naman nasa isang commitment na hindi nagisip na sana ito na, na sana it would last. Pero once hindi naging maayos, sasabihin natin na hindi naman talaga siguro un para sa atin, na nakalaan ung tao na un para sa iba.
 
February, love month. For the past 23 years of my life i never really celebrated Valentines day. One thing, i’ve been with the dumbest men ever lived. Second, is I DONT REALLY KNOW. hehe.
 
I so love flowers but i never get to have one. Wala akong naibookmark na petals ng kahit anong bulaklak. BITTER? haha hindi im just stating the fact na hindi ako nakareceive talaga. Letters meron naman.
 going back to the movie na pinanuod ko, i felt sorry for the guy, grabe ung pain, he’s one hell of an actor.
11:41pm na dito.Actually wala naman talagang sense ung pinagtatype ko e hehe. wala lang akong magawa.period.
o sya, dito nalang muna. nytie.
 
Posted by yeinechan at 7:23 am | permalink | comments[4]