Home » Archives » 01. February 2010
"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

sobrang namimiss ko ang PINAS

February 1, 2010
Nasaan ako ngayon? Nasa lugar ako ng pinaghalo-halong kulay. May puti, dilaw, itim, at kulay Pinoy.
 
Hindi ko gusto ang panahon dito. Madalas nangangatal ako sa lamig. Hindi ko kailan man ipagpapalit ang klima ng Pinas dahil yun madalas sakto lang.
 
Naiinis akong isipin na walang sineserve na kanin dito. Hindi ako mabubuhay sa tinapay kaya kahit 114pesos pa isang kilo ng bigas wala akong kiber.
 
Isa pang nakakainis walang kalamansi dito, lemon daw meron, naiisip ko magdadala ako ng kalamansi na halaman dito. swear.
 
Namimiss ko ang mga aso ko. Kahit kasi isa wala akong nadala.
 
Namimiss ko si earl.
 
Namimiss ko si mommy at mga luto nya.
 
Namimiss ko si dad.
 
Namimiss ko si Susan.
 
Ang mga biruan namin ni kuya mhark.
 
Namimiss ko si eloi.
 
Namimiss ko ang mahjong.
 
Namimiss ko ang PBB.
 
Namimiss ko ang Cinema 1
 
Namimiss ko ang TV Patrol.
 
Minsan may kinainisan akong babae sa school. Pilipina naman ewan ko ba kung bakit ako ineenglish. Sarap saktan e.
 
Minsan nung naglipat kmi ng gamit sa susunod na uupahan naming bahay. ni wala man lang tumulong para ibaba ang maleta namin sa hagdan para sumakay ng tren.
 
Hay. isang linggo na ako dito. Nag-aadjust. Minsan naligaw pauwi. Nagpaikot ikot sa tube train.
 
PILIPINAS NAMIMISS NA KITAAAAA :(
Posted by yeinechan at 1:11 am | permalink | comments[6]