October 13, 2009
Inlove ka ba ngayon? inlababo ka ba sa gerlfreng mo o sa boiplen mo?ako kasi wala nyan bwahahaha! pero may gusto ako hanggang dun na lang yun haha ayos na na ganun. Anyway nakausap ko ang aking kaibigan nung may phone na ako ulit na ginagamit at tinext ko sya na bago na ang number ko. Hindi ako mahilig magtext (himala kung himala) pero nawala na ang pagiging kitikitext ko. In short mabubuhay ako kahit walang cp basta may TV magandang movie at libro, pc at fb haha. Nagkwentuhan kami nitong aking friend, at alam ko na may pinagdadaanan sya. Mahal nya yung guy pero sa tagal ng pinagsamahan nila parang nararamdaman ko at gusto ko talagang sabihin sa kanya na sobra na talaga, that she’d better stop loving that guy kasi hindi naman worth it pero how can i say such thing sa kanya if ako mismo nung time ng kagagahan ko wala akong pinakikinggan. Im a listener, pero minsan hindi ko rin matagalan ung hindi ako magsasalita kahit paano, ganito ang sinabi ko sa kanya.
“naranasan mo ba ung nagsasalin ka ng tubig sa baso ng biglang tinawag ka ni tita at natapon ang tubig kasi napuno na? parang ganun ka. Natatapon na ung love mo for him, natatapon kasi puno na eh, over-loved na. hindi mo na magagamit ung natapon na sobrang tubig sa baso, pupunasan mo na lang un ng basahan at hihintayin mo na matuyo. Ganun din ung love mo. pag natatapon na at hindi nya binibigyan ng halaga, nasasayang yun, mas mabuti pa kung sa sarili mo ibinigay ang pagmamahal na un o sa family mo. Sinasabi ko to kasi ganyan din ako noon natatandaan mo? pero dumating ako sa point na ayaw ko na. na walang ng tubig ung pitchel para isalin ko pa sa baso. Mauhaw man sya pasensya dahil wala ng akong tubig na maibibigay pa. kung gusto nya talaga paghirapan nya. magbuhat sya ng isang mineral water ulit at wag nyang iutos sa iba, at kung gayon sya na muna ang kumuha ng tubig para sa sarili nya. Lahat ng bagay na sobra hindi ba kaakibat nun ang word na “sayang” sayang ang pagmamahal mo. ipunin mo na lang yan dahil siguradong may dadating na maappreciate ang lahat ng ginagawa mo
maraming palitan ng text yan ha pero kasi kung isusulat ko pa lahat hassle naman basta yan ang buod ng sinabi ko. hehe.
yan na lang muna. sa mga napadaan balik lang kayo
kakatawa naman ang analogy mo—baso ng tubig! pero in fairness, may sense ha!
nagbago ka na pala ng number?
Posted by kg at October 14, 2009, 6:36 am