-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)
CAT officers :)
October 7, 2009
Naging CAT officer ka ba? Mali, una naging COCC ka ba? kung HINDI aba sayang di mo naexperience haha. Nung una ayaw kong sumali. Bakit ako sasali ang hirap kaya magtraining every tuesday and thursday pagkatpos ng klase, tapos bully pa ung officers mo, may maarte, masungit, cute, mabango, mabaho, mataba, payatot, gwapo name it lahat meron, para silang isang family na iba iba ang personality kaya bakit ako sasali? Lahat ng pinsan ko na ahead sakin naging officer sa school namin. Apat kaming magpipinsan sa batch na yun pero dalawa lang ang sumali at isa ako dun imagineeee! isa ako sa dalawa! hindi ko masasabi na napilitan ako pero naisip ko sayang yung experience, sayang ung mga memories na makukuha ko dun at hindi ako nagkamali. Hindi madali ang magtraining, pero hindi ko rin naman sinasabi na nahirapan ako ng sobra kasi pag mahirap na wala ako absent ako hahahaha! pero yung bravery test ang nakakapanghina feeling ko hihimatayin na ako dahil hindi ako makahinga iwan ka ba naman sa isang room sa likod ng stage na wala kang kasama kung di ang mga preserved na fetus, insects sa science lab?saka hindi lahat ng officer mo masama ang ugali haha meron sa kanila na super bait kasi lagi kayong “at ease” ibig sabhin rest kami haha! Masaya ang christmas namin nung COCC kami hinding hindi ko makakalimutan ang christmas gift ng mga officers namin nun.
Cadet Officer Filio: Take my command, pulutong handa, sa likod harap, all of you down give me 50.
pumping crossed legs sa girls push up closed fist sa guys.
pag natapos ang fifty.
Cadet Officer Ordonez: Take my command, pulutong handa, all of you give me 50.
hanggang parang umabot kami ng 1500. at paakyatin sa stairs ng tatlong ulit. Gustong gusto ko ng sumuko nun, sabi ko hindi ko na kakayanin. Masakit na talaga.
pero hindi ako pwede magquit at tanggalin ang pin ko ilugay ang buhok at umalis na lang. inumpisahan na namin tatapusin na rin namin.
natapos ang christmas bonus na halos hindi kami makalakad, at maghahabol pa sa mga officer kinaumagahan para bumati ng
“Good morning officers”
“Good afternoon officers”
mas nauuna pa namin silang batiin kaysa sa mga teachers namin hahaha kaya kami napapagalitan.
hindi ka makapagayos sa school kasi naman kailangan nakaponytail ang buhok mo, nakaribbon ang necktie mo ng pagkataas taas! naiiba ka, minsan pinagtatawanan ka ng ibang kabatch mo hindi nila alam isang taon lang ang paghihirap namin bwahahahaha! may oras din sila haha.
Ang commandant namin ay hindi girl at hindi rin guy. hulaan nyo na lang hehe.
ang Captain namin ay BABAE si fritizie o si Chie2x kung tawagin namin. 3rd year med proper na sya sa PLM ngayon.
sunod sa kanya ang N-STAFF (hindi ko alam if kilala ko pa haha)
N1- ( di ko na matandaan haha)
N2 (logistics) Cindy
N3 (operations) Mark
N4 - Cora
sila ang N STAFF namin. Magaling, strict pero super cool!
next BATTALION COMMANDERS
hahaha ehem ehem. imagine mo ako isa sa mga yan haha
Battalion Commander (girls)
YEINE wooohoooo!
under ko ang dalawa kong staff haha
S STAFF 1 & 2
Cartagena & April
Battalion Commander (boys)
Xerxes
(ang aking dakilang partner na namimiss ko na! lagi kaming magksabay sa sa swords nyan pero minsan nauuna ako or minsan nalilimutan nya na 1,2,3 baba ang signal namin haha!)
S STAFF 1&2
Glenn & Ricardo
after nila COMPANY COMMANDERS (na hindi ko na alam talaga hehe)
Alpha -
Bravo- Kathleen
Charlie- Suzette
Delta-
next ang platoon leaders hehehe hanggng Juliet lang kami dati.
Alpha- Kuya Bren
Bravo- Janine
Charlie- ewan ko na hanggang juliet hehehe!
hindi matatawaran ang saya nung officer na kami. Half Day ng Sat. ang CAT namin nun at lagi akong late hehe laging ” KAP 10 lang ha” hahaha
Hindi naman kami pahirap minsan may napapagtripan minsan ung mga maarte sa school dinadala ko sa likod ng stage haha kung saan ako ng bravery test.
After kami iform ni Kap, Automatic magtatawag na kmi ni Xerxes ng sabay
ng malakas na malakas ang lakaaaaaaas lakaaaaas ko sumigaw before hehehe
“ALL ELEMENT GIRLS FALL IN LATE DOWN 1 2 3″
sympre ung mga late un ung nagiinarte pa sa harap ng mirror sa rooms nila ay S STAFF na ang hahawak sa kanila depende sakin kung ilan ang ibibigay ko *evil smile*
after nun tatawagin na sila sa kani-kanilang platoon. Wala na akong work minsan nanunuod ako ng square meal nila hehe naenjoy na enjoy ako kasi naranasan nila ang hirap ng square meal
Ayaw ko lang ng binabati ako sa hallway ng mga COCC kasi disrespectful yun samga teachers naming hehe kaya pag dadaan ako alam na nila na naka –sShhHhssShhh na ako. Minsan lang ako nagpapahabol pag alam kong walang teachers hehe minsan umaabot kami sa canteen kaka-swear ko (ulitin ung pagbati) hehe pag dating sa canteen sabay ako mag-carry on sa kanila hehe! Pag nagkikita kami ng officers ko before “ma’am at sir” pa rin minsan ang tawag ko, pag may nakikita naman akong nagging COCC naming dati, “ma’am” pa rin ang tawag sakin. Err. Haha
Marami akong namimiss talaga. Namimiss ko ang mga sulat nina Cindy at Cora sa bulletin board na walang CAT training sa darating na Saturday. Namimiss ko pag nagagalit si Kap kasi ang gulo naming sa training. Namimiss ko magcommand si Karl. Namimiss ko magpresentation si Guinto. Namimiss ko ang kakulitan ni Ces, ang katigasan ng ulo ni Eloi, Namimiss ko si Ms. Parino na nakakatakot sa una pero super bait pag nakilala mo. Namimiss ko ang syrup sa labas. Namimiss ko ang pagtakas naming nina April para magmiryenda muna bago magtraining. Namimiss ko ang mga makukulit naming COCC. Namimiss ko ang hirap naming lahat. Namimiss ko sila.
Hindi mo masasabi na dumaan ka sa highschool kung hindi mo naranasan yan. Kung hindi man sayang. Manghihinayang ka sa mga memories na nabuo. Sa mga pagkakaibigan, sa mga tawanan at iyakan. Sa mga naging CAT officers. Be pround! alam ko marami kang magagandang memories to share
Previous Comments
@ate erlyn hehehe enjoy rin naman ate eh. masaya
pero sabi naman nung mga hindi nag CAT mas masaya daw sila hehe
take care!
yeine, nakalimutan mo na si Reden yung N1. hehe.
Ingat lagi at Gos bless!
@marvs waaaa si papaberts ba un? haha waaa nadalaw ka dito marvs
balik ka ulit ano ba site ng blog mo?
hi Yeine. I’m back! hehe. pagkinilick mo yung name ko ano yung add ng active blog ko.
kua pa help naman po sa speech ng outgoing corps commander…???
Posted by joshua at March 21, 2010, 4:38 pmwow !!! nice ha ..
ako i trained last 1st week of April , summer trainng namin .. kaso , di ko memorize ang commands .. pwede paturo??
wom nice ako nga pala si 1st.Lt. Rustan Y Dimalibot.Charlie Company Commander at Senior Commandant ng 4th.yr 1st section at boy scouts of the philippines ala mo anaranasan ko rin nyang square meal napaka spicy nung ipinakaen samin buti na lang pumasa ako ngayon ko lang na expreience na igalang ng buong student body kc sa lahat ng officers ako ang pinaka strict. naranasan mo na bang maging commandant ng bsp capt.yeine
Posted by rustan at August 11, 2010, 9:53 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







hi yeine, nakakatuwa ka naman at sobrang patient mo dahil kinaya mo ang ganyang mga activities add to that the treatment of the officers. ako never ko inattempt mag cat officer ni ayoko ngang mag cat dati eh.
Posted by eRLyN at October 10, 2009, 8:43 am