si ATE MAY :D
October 5, 2009Si Ate May. Kapatid ko yan, sumunod ako sa kanya. Siya daw ang tunay na anak ni Mom at dad cmon’!! siya lang kasi ang ipinanganak sa bahay. Sa totoo lang yan ang lagi kong kaaway kasi 10years ang gap ng edad namin, kinuha ko ang trono nya bilang bunso *evil smile* lagi kaming nag-aaway dahil may kasungitan ang ate ko. Siya rin ang pinakamasipag sa aming apat na babae. Siya ang mahilig maglinis, parang yun ang hobby nya haha galing di ba. Ayaw nya ng makalat. Kung anong kadisorganize ko sa ibang gamit sya naman ang sobrang organize para syang walking organizer haha. Obsessive compulsive ata sya in a good way hehe. Strict pa yun. Imagine mas nahihirapan ako sa kanya magpaalam kaysa sa Dad o sa Mom, napakahirap believe me. papayagan ka nga tatawagan ka naman agad pag nawala na ang haring araw. One time nga umalis ako ng 4pm, 6pm tinatawagan na ako.
Ate: NASAAN KA NA BA? (capslock talaga dapat.walang hello hello straight to the point ang drama)
Yeine: hello?ay oh ate. ano. bakit?
Ate: 6 NA KAYA HANGGANG ANONG ORAS KA DIYAN?
Yeine: pauwi na ako.
Ate: SIGE DALIAN MO.
Yeine: oo.
syempre uuwi ako mga 9pm na haha. naman 2 hours palang para akong highschool. Kailangan pag may lakad ang barkada nasa mood sya pag nagpaalam ako para ok na agad kasi pag wala para akong binabato ng bola ng baseball sa dami ng tanong.
Pero kahit strict sya ok naman yun sakin, siya naman kasi ang super funny oh di ba parang tanga lang, saka hinihintay nya ako dati pag 2-10 ang duty ko oh di ba ang sweet. as in sya ung gising pa at hinihintay ako na dumating bago yun matutulog. Bakit ko nasabi na nakakatawa sya bulol sya promise kasi minsan ang bilis nya magsalita saka pag nakikipagusap sya kay Kuya Raju ung nepalese nyang asawa naguguluhan ako lalo sa kanila kanina eto naririnig ko lang haha
Ate: You’re unbelievable baba!
What are you counting SHEEP?COW?what?!
o sige sa dating ng sinasabi ni ate ano pinaguusapan nila hahaha nakakatawa .Eto pa isa.
Ate: *nagmamadali magsalita nawrowrong grammar tuloy* Wh-What time you call me?just now you arrive?ok baba.
eerr pero natatawa siya nyan hehe si Kuya Raju kasi nakakahawa magenglish eh pero dahil chef sya thumbs up ako sa pasta dishes nya
pero saludo ako sa kanya. masinop kasi. Hinihintay nya na lang ang papel nya para makasunod na kay Kuya sa London. SUSYAL. haha! kasama ko pala sa room yan ngayon wala na bagsak na sya. Adik kasi sa FB lahat ng games ginawa, hell’s kitchen, pet soc, restaurant city, cafe world, farmville at sympre ang po-popoker face hehehe kasama ko sya maglaro lagi hindi na nga ako makagamit ng pc kahit nahihirapan ako sa lappy may magagawa ba ako?
WALAAAAA
Ate Donna and Kuya Raju
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







