Home » Post Item » at biglang naguluhan..
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


at biglang naguluhan..

October 4, 2009

Hindi ko maexplain kung bakit ako nalulungkot ngayon ng sobra. Masakit ang likod ko kasi matagal na akong nakaupo kama ko nakatingin sa laptop at walang ginagawa. Nagbasa-basa ng konti, nagkomento rin sa ilan, natuwa sa mga kwento ng mga kaibigan ko sa blogosperyo at nainis sa ilang istorya na nabasa ko. Ang lungkot ko ngayon, kahit na muling nagkasama sama kami nina bloom, mykee at jay sa confe kanina (madalas naming gawin dati) at napagkwentuhan ang nakaraan bagyong ondoy at si bagyong pepeng, matapos maikwento ang ilang nakakalungkot na pangyayari sa trahedya na sinipat ng bansa, pinipilit naming sumaya at tumawa. Bago ko makalimutan, sobra akong proud sa inyong tatlo sa tulong na ginagawa ninyo. Mabilis rin natapos ang kwentuhan namin at kami na lang ni bloom ang nagusap ng medyo matagal at medyo nawala ang lungkot ko sa usapan namin na yun na hindi ko na ikukuwento kung ano. Bumaba ako sa sala para silipin ang mga alaga kong aso na pagbaba ko lahat ay tulog na tulog na hindi man lang ako napansin na bumababa, kumuha ako ng isang basong tubig bago ko nakita si yannie na nakatingin sa akin, kinuha ko sya sa cage at naupo ako sa sofa bago ko sya nilagay sa lap ko, kinausap ko sya sabi ko sa kanya “bakit ka nagising” dinilaan nya lang ako pisngi ko, tinanong ko ulit sya “bakit buhol buhol nanaman ang buhok mo?” dinilaan nya ulit ako sa mukha in short ang malikot kong aso ay walang ginawa kung hindi i-kiss ako ng i-kiss at napangiti naman nya ako.Ngayon nandito nanaman ako nagbasa ng mga interesanteng basahin, nakinig ng music konti. at bigla kong naalala ang kanta na to.

 

 

Paborito namin ni ate ito noon. Malungkot ang story malungkot ang song, malungkot ako ngayon kaya pinakinggan ko tong song na at hindi ko na rin napigil umiyak…

 

Posted by yeinechan at 1:18 am | permalink

Previous Comments

cute ng dogs. i had a great time talking to you guys kagabi. it’s been 48 years since the last time we did that. bitin nga lang. hugs tayo mare. sadness is just a mind-over-matter thing :)

Posted by Myk2ts at October 4, 2009, 4:07 pm

@mare yea tama ka mare hehe..si bloom ang moodshifter if there is such a term hehe mabilis ang transition ng mood nun hehe ok na ako mare not so gloomy :)

Posted by yeinechan at October 4, 2009, 4:13 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment