Home » Archives » September 2009 » Page 2
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


gilbeys?

September 13, 2009
Kilala nyo si MJ di ba ang pamangkin ko sa pinsan ko na si Kuya Mark. Siguro nga kahit wala na syang nanay masaya nga sya talaga, napasok na sya sa school kinder na. May mga banat lang tong bata na to na minsan talaga hindi ko mapigilan hindi matawa kahit na pinagagalitan ko sya. Malikot kasi sya, hindi na sya sa kabilang bahay na katira lumipat na sya sa Tita Bhong nya, 2 rides away sa amin, kapatid pala ni Bhong si Kuya Mark. Anyway, bumisita sila ni Bhong dito 2 days ago, eh sobrang likot nya kinakausap ko sya na wag masyadong malikot kasi maraming bisita, biglang nagkwento si Bhong
 
Bhong: Alam mo ba yeine, napagalitan yan ng teacher nya.
Me: ha? MJ?! bakit nanaman!?
Bhong: Kasi pinapasulat ng pangalan sa papel hindi Mark James Chan ang nilagay.
Me: eh ano?
Bhong: Marco Rodelio Chan.
Me: what! hahaha MJJJJJJJJJJ
MJ: po? eh yun na ang pangalan ko rodelio.
Me: ha ano ka baaa pangalan ng tatay mo yunnnnnn! 
 
hahahaha pambihira. Pero hindi mapagkakaila na mag-ama sila ni kuya Mark e. 
Kahapon sa warehouse ang alam ko wholesaler kami ng San Miguel pero alam ko wala kaming gilbey’s 
 
Babae : Kuya may gelbesh
Kuya: ho? ano ho un?
Babae: gelbesh
Kuya: gel fish ho? yeine ikaw nga gel fish daw meron ba tayo nun.
 
palakaaa hahaha ang hirap magpigil sa tawa kasi naman si manang e, gilbey’s pala hinahanap woeh weto naman si kuya imbes na malinawan lalo namang ginulo. wahahaha so tell me magtatay sila db. 
Posted by yeinechan at 9:17 pm | permalink | comments[4]

ay hindi na masaya ha

September 12, 2009
Kelan ba sisikat si haring araw. Promise ha hindi na masaya yung pag-ulan, wala na akong damit na maisuot, hindi ko mapaliguan ang mga puppies kasi malamig nagtitipid kami sa gas haha. Oo, masarap matulog ngayon kasi malamig pero nakakadown ng pakiramdam. Nakakalungkot nga pag naulan di ba. Malungkot kasi parang umiiyak ang panahon. Hindi na tama talaga, bagsak ang negosyo, kanina gumawa ako ng sales naka-37 cases lang kami hindi naman pwede magpahalf-day nga tao kasi dumating ang truck ng coke. Ang buffer stock namin parang good for 2 months na. Grabe. Inumpisahan ni labuyo, sinundan ni maring, ngayon naman si nando. aba sino susunod ilan pa ba ang natitira enlighten me hehe. anong oras na ba gising pa ako, paano kasi ang gulo sa pakiramdam. Alam mo yun minsan gusto mo magemote hindi ka makapagemote dahil sa room ko natutulog si ate saka si earl. Bakit kamo ako nag-eemote wala naman gusto ko lang bwahaha. Kasi naman parang manghihiram na ako ng duster sa nanay ko dahil wala na akong damit. Kelan na kaya sisikat ang araw ng bonggang bongga. Sana naman pag sumikat hindi naman sobrang init. Hay Hay rain rain go away come again another day yeine wants to play mahjong hahaha.
Posted by yeinechan at 11:44 pm | permalink | comments[2]

YEINE plus RIZZA is…

September 10, 2009

Rizza Chan-Gonzales sino ba to? Kapag naririnig ko yung pangalan nya isa lang napasok sa isip ko. “BUNGISNGIS”. She’s my dear cousin kapatid ni Mom ang Dad nya, she is a year older than I am and we shared many childhood memories together paano ba naman magkatabi ang bahay namin hehe. I can still remember kung paano kami mag-away before, when Mom was still working sa States, I usually get the nicest toys, polly pockets, barbies, playdoh’s and we played on most days together, just us. Minsan nag-aaway kami kasi ung lutulutuan ko ayaw ko palagyan sa kanya ng flowers gusto ko puro dahon lang hahaha, madalas nya rin ako pagbilhan ng salagubang kasama ang isang cousin ko pa na si Katkat, 5 pesos isa mahal na yun that time pero nabili pa rin ako kasi nalipad daw, strong ung salagubang parang one of a kind at hindi matatapos ang araw na hindi mamatay un kakapalo ko kasi pag pinapalo daw nakakatulog sila, ung akin hindi na nagising pa sad db hehe. Pareho kami ng pinasukan ng school nung prep kami pero sya prep A ako prep C, and being such an usiserang bata, naiinis ako kasi feeling ko inferior ako kasi sya A ako C hahaha tapos si Katkat nasa public school kaya pag uuwi kami ni Bhong may bitbit na syang ibebentang tutubing kalabaw. Sympre mauuto ako bibilhin ko nanaman ang tutubing kalabaw nya. Sabi ko sa Ate ko ayaw ko na sa school ko, dun na lang ako sa school ni Katkat kasi may damo at ehem maraming tutubing kalabaw. Kaya next school year nandun na kaming LIMA bakit kamo LIMA, lima kasi kaming magpipinsan na dun nag grade 1 lahat, si Jenna, si Eloi na bestfriend ko, si Katkat ang dakilang tindera at ang Bhong. 

Alam mo ba ang larong chinese garter? Woeh alam mo yun, naglaro ka ba ng piko, luksong tinik at luksong baka? eh ang siato? football? text cards, pog, dampa, agaw-base, patintero, ang salitang “fleshing” ang “isa dalawa tatlo cha” naalala ko ang most evur embarassing moment ng Bhong at grade six kami, sobra kung tumawa naglalaro ng chinese garter ng biglang ……napaihi sa uniform bwahahahaha! 

High School, sympre bumalik kami sa una naming iskul hehe magkaiba man kami ng section pero sabay kami umuwi everyday hanggang 2nd year pero nung 3rd year hindi n kmi sabay pag tues and thurs kasi may training ako sa COCC. Maaga yun nagigising, madalas babangon palang ako maririnig ko na sya sa banyo nila, hindi nya alam na sya yung reason kung bakit ako mabilis kumilos hehehe kasi hinahabol ko sya dahil wala akong kasabay maglakad hahaha! hindi kami magkaklase nung highschool pero we still catch up kapag uwian na, madalas lalabas kami sa gabi para maghanap ng icecream, o kumain sa miggis na ngayon ay quickfry na. syempre ako ang laging taya. Natapos ang highschool at yun na pala yun, uuwi sya sa Lola nya sa Bicol para mag-aral, ay grabe ang ngawa ko, imagine sya ung lagi kong kasama, biglang aalis, wala na akong kachismisan,wala na akong kasama bumili ng icecream, wala na akong sasabihan na pag and aso nasa labas hindi nangangagat. iyakan kami ng iyakan nung huling night nya kasama kami nina ate. same kami ng course na kinuha ano pa hehe. parehong ngkaroon ng lisensya na mageexpire na. 

Last May, she got married. May boyfriend ang gaga sa Canada, so they decided to tied the knot para makarating na rin sya dun. First boyfriend nya yun, classmate nya nung college at ngmigrate sa Canada 2 years ago. After ng wedding nila mga 2months pa bumalik na ung guy sa Canada. 2 weeks ago, binalita nya sakin na she is two months on family way. sobra ang tili ko as in hindi ako makamove on sa news na un, super excited ako, tinawagan ko sya para lang tumili at nasa hospital pa ako nun dahil nakaconfined pa si daddy, super saya nya pero kinakabahan. sabi ko sa kanya sasama ako sa next check up pero hindi na ako nakasama kasi si dad walang titingin. Last night she texted me, she had a transvaginal ultrasound and sac lang, hindi nabuo yung baby, tinawagan ko sya agad, nadurog ung heart ko upon hearing her crying, my eyes started to get all teared up, i said to her na she’s still under observation, sabi ng doctor nya, anytime she should expect bleeding, at i-ddnc sya o raspa. I feel for her, it pains to hear her sobbing. I want to run to her that moment but i can’t, parang kakasabi nya lang na she’s pregnant and she’s having an angel to have that precious one swept off her hands. I know how devastated she is right now and i am praying for strenght and courage that she may recover soon. 

Bhong, we love you dearly, you’ll get through this okay. keep praying and take good care of yourself.

 

  

 me and bhong

Posted by yeinechan at 11:03 pm | permalink | comments[6]

you should know.

September 9, 2009
YOU NEVER FAILED TO MAKE ME SMILE :)
I MISS YOU ALREADY.
Posted by yeinechan at 11:50 pm | permalink | comments[6]