Home » Post Item » pagpasensyahan mo ang dad mo - mom
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


pagpasensyahan mo ang dad mo - mom

September 26, 2009

Sinabi yan ni mom habang nangingilid ang luha ko sa inis. Hindi kaila sa mga kakilala ko sa blogsphere na medyo hindi masyadong okay ang relationship namin ng dad ko. Madalas hindi ko mapigilan isulat yung nararamdaman ko pag nagaaway kami. Madalas nagkukulong ako sa kwarto at kaharap ang computer ko at sya ang nakikinig sa mga iyak ko. I dont mind kung walang nag-tap sa shoulder ko para sabihin na “its okay” hello? baka pag ginawa ng lappy yun tumakbo ako na takot na takot pabalik sa tatay ko. Nahospitalized sya mga two weeks din. Pero napansin ko na bumait sya ha, hindi laging nka-angil at nakasimangot ang mukha. Marunong makiusap at mahina ang boses kapag nagsasalita. Parang dininig na ata ng Diyos ang panalangin ko na sana bumait ang dad sa mga taong nakapaligid sa kanya. Its been a month since nadischarged sya sa hospital, and mukhang bumabalik ako ugali nya na hindi ko talaga matagalan. He’s been treating everybody na parang sya ang amo at wala kaming magagwa kung di sumunod sa utos. Nurse ako, bilang isang anak, na kahit paano alam ang dapat gawin sa sakit nya, hindi ko ipagdadamot ang mga natutunan ko sa eskwelahan, at lalong hindi ako magdadalawang-isip na alagaan sya, ibang tao nga naaalagaan ko sya pang tatay ko. Ang hinihiling ko lang naman sa kanya respeto, respeto sa kasambahay namin, respeto sa nanay ko, respeto sa ibang tao, respeto sa mga hayop, respeto lang. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero sigurado sigurado ako na hindi ko magagawang sabihin. Hindi nya pagtutuunan ng pansin.

 

Dad, bibigyan kita ng gamot pero wag kang sumigaw ng “gamot ko!” katulad kanina, bibili naman ako, kahit pagod na ako sa work sa warehouse sa dami ng deliveries nung dumating sina mom ibinili naman kita.

Dad, ipaghahain ka ng pagkain mo pero wag mong sabihan ng tanga ang mga kasambahay o sungitan sila, hiindi sila tatagal, hindi namin kayang gawin lahat ng gawain ng kami lang.

Dad, wag kang tamad, maglakad lakad ka, tulungan mo ang sarili mo, hindi porke’t lagi kang kumpleto sa gamot iaasa mo sa gamot lahat.

Dad, wag kang mapili sa pagkain, pinipilit namin ibigay lahat ng gusto mong kainan pero kung minsan sa dami ng ginagawa hindi na mabili lahat ng gusto mo, bumalik ka sa dati, kung saan kaya mo naman kainin lahat ng ihinahain sayo.

Dad, wag kang palaging sumisigaw kay mom, pagod sya, maaga gumigising para magtrabaho tapos aangilan mo pa, kung minsan makikipagkwentuhan lang sayo galit ka na agad kesyo ganito kesyo ganyan.

Dad, wag kang malupit sa hayop, naniniwala ako na isinalba ng isang alaga natin ang buhay nya para sayo. 

Dad, iwasan mo magmayabang sa ibang tao tungkol sa sakit mo, hindi porket HI na lang ang mababasa sa glucometer at kaya mo pa ay maganda yun nakita mo naman nangyari.

Dad, may pangarap ako na hindi ko pa matutupad sa ngayon dahil may sakit ka pa, pero makapaghihintay yun.

 Dad, babalik ka pa ba sa dati? :( namimiss ko na yung dati eh, nung dati na sigawan lang hindi mo magawa sakin dahil nga hindi mo ako sinanay na sigawan, ngayon sigawan mo lang ako umiiyak na ako agad. 

papatawanin mo pa ba ulit kami? magbibiro ka pa kaya? maka-tatay ako db. alam mo yan. pero napapalayo ako sayo, kaming lahat sayo. hindi mo alam kung minsan umiiyak ang ang mom kasi nagbago ka na, hindi tulad noon, nung bago palang kayo. she’s hurting, for herself and for us. 

 

gusto ko sabihin lahat to sayo dad. pero hindi ko kaya. wala akong sapat na lakas ng loob para sabihin lahat yan sayo. hindi ko itatanggi na naiinggit ako sa iba na kakilala ko, bakit yung mga tatay nila ang saya kasama. bakit ikaw hindi, bakit yung tatay nila makikitaan mo ng suporta, bakit ikaw hindi. pero mahal ka namin, wala namang hangganan yun pero mananatili na lang ako magdadasal sa Kanya na sana sa paglipas ng oras bumalik ka sa dating ikaw, bumalik ka sa isang pagiging “ama”.

 

Posted by yeinechan at 12:07 am | permalink

Previous Comments

it’s sometimes hard to understand why our parents are like that. i actually admire you for being so understanding of your dad.

one of my dad’s quirsk that i hate is that he is so impatient too, madaling magalit./ tapos ayun, tumataas na ang boses. i seldom tolerate this, at doon umpisa ng away namin. but besides that, i love him to the core. he’s my father of course at he’s the best. :)

maybe we should be more loving and patient toward them yeine, what do you think?

Posted by kg at September 26, 2009, 9:47 am

@ate kg…hay ate, minsan lang i cant stand him, iniiwan ko na lang pag naririndi na ako. pero i still look after him naman..may mga times lang na pag sobra na umaalis n lng muna ako..

Posted by yeinechan at September 28, 2009, 11:41 pm

i can feel you yeinie.. gnon talaga ang mga tatay minsan kapag may skit, palaging aburido at mainit ang ulo kasi feeling nila helpless sila at pabigat hindi katulad dati na malakas sila at kaya nilang gwin ang lahat ng bagay.. nagseself-pity na sila minsan.. gnyang-gnyan din tatay ko simula nung nagkasakit, sa tingin ko mahirap na mabalik yung dating sila… intindihin mo na lang, mahalin pa lalo at stretch some more patience… gaya ng gingawa ko, *hugs*

Posted by charee at September 30, 2009, 9:11 pm

@charee *sigh* yea..cguro nga di na mababalik. can’t help minsan when he wud just snap at us na wala nmn kami ginagawa hehe..

Posted by yeinechan at October 1, 2009, 1:37 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment