Home » Archives » 13. September 2009
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


gilbeys?

September 13, 2009
Kilala nyo si MJ di ba ang pamangkin ko sa pinsan ko na si Kuya Mark. Siguro nga kahit wala na syang nanay masaya nga sya talaga, napasok na sya sa school kinder na. May mga banat lang tong bata na to na minsan talaga hindi ko mapigilan hindi matawa kahit na pinagagalitan ko sya. Malikot kasi sya, hindi na sya sa kabilang bahay na katira lumipat na sya sa Tita Bhong nya, 2 rides away sa amin, kapatid pala ni Bhong si Kuya Mark. Anyway, bumisita sila ni Bhong dito 2 days ago, eh sobrang likot nya kinakausap ko sya na wag masyadong malikot kasi maraming bisita, biglang nagkwento si Bhong
 
Bhong: Alam mo ba yeine, napagalitan yan ng teacher nya.
Me: ha? MJ?! bakit nanaman!?
Bhong: Kasi pinapasulat ng pangalan sa papel hindi Mark James Chan ang nilagay.
Me: eh ano?
Bhong: Marco Rodelio Chan.
Me: what! hahaha MJJJJJJJJJJ
MJ: po? eh yun na ang pangalan ko rodelio.
Me: ha ano ka baaa pangalan ng tatay mo yunnnnnn! 
 
hahahaha pambihira. Pero hindi mapagkakaila na mag-ama sila ni kuya Mark e. 
Kahapon sa warehouse ang alam ko wholesaler kami ng San Miguel pero alam ko wala kaming gilbey’s 
 
Babae : Kuya may gelbesh
Kuya: ho? ano ho un?
Babae: gelbesh
Kuya: gel fish ho? yeine ikaw nga gel fish daw meron ba tayo nun.
 
palakaaa hahaha ang hirap magpigil sa tawa kasi naman si manang e, gilbey’s pala hinahanap woeh weto naman si kuya imbes na malinawan lalo namang ginulo. wahahaha so tell me magtatay sila db. 
Posted by yeinechan at 9:17 pm | permalink | comments[4]