Home » Archives » 12. September 2009
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


ay hindi na masaya ha

September 12, 2009
Kelan ba sisikat si haring araw. Promise ha hindi na masaya yung pag-ulan, wala na akong damit na maisuot, hindi ko mapaliguan ang mga puppies kasi malamig nagtitipid kami sa gas haha. Oo, masarap matulog ngayon kasi malamig pero nakakadown ng pakiramdam. Nakakalungkot nga pag naulan di ba. Malungkot kasi parang umiiyak ang panahon. Hindi na tama talaga, bagsak ang negosyo, kanina gumawa ako ng sales naka-37 cases lang kami hindi naman pwede magpahalf-day nga tao kasi dumating ang truck ng coke. Ang buffer stock namin parang good for 2 months na. Grabe. Inumpisahan ni labuyo, sinundan ni maring, ngayon naman si nando. aba sino susunod ilan pa ba ang natitira enlighten me hehe. anong oras na ba gising pa ako, paano kasi ang gulo sa pakiramdam. Alam mo yun minsan gusto mo magemote hindi ka makapagemote dahil sa room ko natutulog si ate saka si earl. Bakit kamo ako nag-eemote wala naman gusto ko lang bwahaha. Kasi naman parang manghihiram na ako ng duster sa nanay ko dahil wala na akong damit. Kelan na kaya sisikat ang araw ng bonggang bongga. Sana naman pag sumikat hindi naman sobrang init. Hay Hay rain rain go away come again another day yeine wants to play mahjong hahaha.
Posted by yeinechan at 11:44 pm | permalink | comments[2]