"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

Home » Archives » September 2009

the entire nation agony.

September 29, 2009
As I write this entry i can’t help not to cry. I don’t even have the courage to watch the news. During the day when typhoon Ondoy furiously hit our country me and my family were having some panic buying. I am not abreast with whats happening in other provinces specifically in metromanila because the electricity in our area had been cut off due to the heavy rain that made some parts of cavite literally rivers. It saddened me to finally see the extent of damage, the numbers of innocent lives taken, the missing individuals, the agonizing families, the children, the newborns, the elderly even the dogs and other animals who unfortunately didn’t survive. It pains to watch how people struggle to hang on to something fighting the tremendous flow of floods. It broke my heart to know that until this very moment some others are still trapped without anything to eat and yet when i read some threads on FB like “hindi ko pa nararamdaman ang bagyo more more!” “iniisip ko kung bakit umuulan pero mas iniisip ko kung pano na ang inuman!” or  this Filipina from Dubai who thinks that this all happened because we are sinners in Philippines, it made my heart want to burst out of anger. How can they say such things. how can they be so heartless. Have they seen those newborn babies lifeless? Did they ever realized the pain it was to a mother to lose all her children and her husband? May God bless them, May God forgive their souls. I am still in pain. I can’t look in the eyes of the victims, i see fear, i see denial but everytime i take a second look, i see courage, i see acceptance and above all i can see HOPE. Keep praying guys, that those who are still trapped and unrescued will soon be found and reach safety.
Posted by yeinechan at 1:16 am | permalink | comments[2]

:(

September 28, 2009
Sobrang NALUNGKOT. :(
Posted by yeinechan at 1:19 am | permalink | comments[2]

pagpasensyahan mo ang dad mo - mom

September 26, 2009

Sinabi yan ni mom habang nangingilid ang luha ko sa inis. Hindi kaila sa mga kakilala ko sa blogsphere na medyo hindi masyadong okay ang relationship namin ng dad ko. Madalas hindi ko mapigilan isulat yung nararamdaman ko pag nagaaway kami. Madalas nagkukulong ako sa kwarto at kaharap ang computer ko at sya ang nakikinig sa mga iyak ko. I dont mind kung walang nag-tap sa shoulder ko para sabihin na “its okay” hello? baka pag ginawa ng lappy yun tumakbo ako na takot na takot pabalik sa tatay ko. Nahospitalized sya mga two weeks din. Pero napansin ko na bumait sya ha, hindi laging nka-angil at nakasimangot ang mukha. Marunong makiusap at mahina ang boses kapag nagsasalita. Parang dininig na ata ng Diyos ang panalangin ko na sana bumait ang dad sa mga taong nakapaligid sa kanya. Its been a month since nadischarged sya sa hospital, and mukhang bumabalik ako ugali nya na hindi ko talaga matagalan. He’s been treating everybody na parang sya ang amo at wala kaming magagwa kung di sumunod sa utos. Nurse ako, bilang isang anak, na kahit paano alam ang dapat gawin sa sakit nya, hindi ko ipagdadamot ang mga natutunan ko sa eskwelahan, at lalong hindi ako magdadalawang-isip na alagaan sya, ibang tao nga naaalagaan ko sya pang tatay ko. Ang hinihiling ko lang naman sa kanya respeto, respeto sa kasambahay namin, respeto sa nanay ko, respeto sa ibang tao, respeto sa mga hayop, respeto lang. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero sigurado sigurado ako na hindi ko magagawang sabihin. Hindi nya pagtutuunan ng pansin.

 

Dad, bibigyan kita ng gamot pero wag kang sumigaw ng “gamot ko!” katulad kanina, bibili naman ako, kahit pagod na ako sa work sa warehouse sa dami ng deliveries nung dumating sina mom ibinili naman kita.

Dad, ipaghahain ka ng pagkain mo pero wag mong sabihan ng tanga ang mga kasambahay o sungitan sila, hiindi sila tatagal, hindi namin kayang gawin lahat ng gawain ng kami lang.

Dad, wag kang tamad, maglakad lakad ka, tulungan mo ang sarili mo, hindi porke’t lagi kang kumpleto sa gamot iaasa mo sa gamot lahat.

Dad, wag kang mapili sa pagkain, pinipilit namin ibigay lahat ng gusto mong kainan pero kung minsan sa dami ng ginagawa hindi na mabili lahat ng gusto mo, bumalik ka sa dati, kung saan kaya mo naman kainin lahat ng ihinahain sayo.

Dad, wag kang palaging sumisigaw kay mom, pagod sya, maaga gumigising para magtrabaho tapos aangilan mo pa, kung minsan makikipagkwentuhan lang sayo galit ka na agad kesyo ganito kesyo ganyan.

Dad, wag kang malupit sa hayop, naniniwala ako na isinalba ng isang alaga natin ang buhay nya para sayo. 

Dad, iwasan mo magmayabang sa ibang tao tungkol sa sakit mo, hindi porket HI na lang ang mababasa sa glucometer at kaya mo pa ay maganda yun nakita mo naman nangyari.

Dad, may pangarap ako na hindi ko pa matutupad sa ngayon dahil may sakit ka pa, pero makapaghihintay yun.

 Dad, babalik ka pa ba sa dati? :( namimiss ko na yung dati eh, nung dati na sigawan lang hindi mo magawa sakin dahil nga hindi mo ako sinanay na sigawan, ngayon sigawan mo lang ako umiiyak na ako agad. 

papatawanin mo pa ba ulit kami? magbibiro ka pa kaya? maka-tatay ako db. alam mo yan. pero napapalayo ako sayo, kaming lahat sayo. hindi mo alam kung minsan umiiyak ang ang mom kasi nagbago ka na, hindi tulad noon, nung bago palang kayo. she’s hurting, for herself and for us. 

 

gusto ko sabihin lahat to sayo dad. pero hindi ko kaya. wala akong sapat na lakas ng loob para sabihin lahat yan sayo. hindi ko itatanggi na naiinggit ako sa iba na kakilala ko, bakit yung mga tatay nila ang saya kasama. bakit ikaw hindi, bakit yung tatay nila makikitaan mo ng suporta, bakit ikaw hindi. pero mahal ka namin, wala namang hangganan yun pero mananatili na lang ako magdadasal sa Kanya na sana sa paglipas ng oras bumalik ka sa dating ikaw, bumalik ka sa isang pagiging “ama”.

 

Posted by yeinechan at 12:07 am | permalink | comments[4]

i want some break.

September 22, 2009
Bakit ba everytime pupunta ako dito at may gusto akong isulat nahihirapan ako lagyan ng title. Natatawa na nga lang ako minsan e. Bangag ba ako? Ewan ko ba, basta alam ko nakalutang ang isip ko ngayon. Ilang beses ako kinausap nung tao na yun wala naman ako maisagot. I want to be alone for a while. Sleep like baby. Cry like a child. I want to stay up late reading and reading and reading. I want an icecream a half gallon very rocky road only for me. Basta alone. I want to go somewhere where i can think of LIFE. Somewhere far and cold. I was very vocal of me wanting to go to Baguio and spend a week there but it never materialized. I wanted to see unfamiliar faces, talk to unfamiliar people, go to the public market alone, cook for myself, do the laundry, pay my own bills I want to experience living ALONE,period. Am i scared? actually NO. It is easier said than done but i’d be happy to experience the hardship of being an independent woman. Someone said “you can’t do that, ikaw pa” oh well magugulat ka na lang at nagbabakasyon akong mag-isa. I know someone out there makakrelate sa nafefeel ko ngayon. May time sa buhay ng bawat tao na gusto nyang mapagisa just to think. Its like, encapsulating yourself and hybernating for sometime and soon enough break the shell of a new life. Agree?
 
 
Posted by yeinechan at 12:34 am | permalink | comments[4]

anong nangyayari sa akin? :D

September 15, 2009
Sa mga hindi ako kilala hindi nila alam kung gaano ako kaduwag, as in DUWAG. Minsan natatawa na lang ako sa sobrang duwag ko pero minsan talaga kahit pilitin ko maging matapang promise te hindi talaga kaya. Takot ako sa ipis, sa gagamba, basta lahat ng insekto na maraming paa. Takot ako mag-isa sa madilim na lugar kaya hindi ako nagpapatay ng ilaw sa dalawang taon na nagsarili na ako ng kwarto. Hindi ko rin alam kung paano ko natapos ang twilight saga ng hindi ako natakot sa Volturi family na lumulutang sa itim na cloak nila hehe siguro nakatulong ung iniisip ko na kikiligin ako kay Edward hahaha.Takot ako sa mga nakakatakot na palabas pero super gusto ko na nanunuod, madalas sa sinehan ako lang ung naiiwan ung tili. Alam ko medyo nakakahiya pero promise gusto ko ung adrenaline rush ung tipong basta alam ko alam nyo ung feeling, ay kanina pala nanunuod ako ng naked science sa nat geo naku guys guys mas maaattract daw ang mga girl kung ang una nyong date ay something scary like riding a roller coaster, napaisip nga ako, baka naman mag-vomit lang ako nakakahiya pa haha, pero kung sa horror house naman ako dadalhin pilitin yun sigurado. Saan pa ako takot, takot ako sa nanay ko hehehe takot ako pag nagalit na sya hehe. takot ako mawala “un” waaaa issue hahaha bwahahahaha! kausap ko si fey last night pa ata, ewan ko ba, kasi naisip ko parang isang game na something na ang tagal tagal ko ng naiisip. Its like, oh well a horror house divided into 5 different areas. Hindi ko napanuod lang to or what, kasi kaming magbabarkada super enjoy sa mga horror houses eh, one time nga sa star city napilit ang lahat pumasok kahit na hindi naman super nakakatakot, kasi ako nakakapit lang kay Bhong, kung saan lumakad si Bhong kasama ako ang guess what sa buong paglakad at pagtakbo namin nakapikit ako wahahaha! imagine nyo yung hirap ni Bhong, tapos ung isang friend namin si sheena shyn nadapa pa, eh ako feeling ko lahat ng dumidikit sakin halimaw malay ko ba na sya ung nadapa hahaha sorry naman kasi sinipa ko pa sya waaaaaaaa hindi naman malakas o sadyang di na rin nya napansin sa sobrang takot nya, anyway mabalik tayo sa naiisip ko na game. Un nga parang ang gusto ko na title ng game “No Way Out” isang haunted na house that has 5 different areas, players must be 5 to 8 per team. Bago sila pumasok sa unang area the team is given a map where they can find rooms where they can strategize to find their way out, they could also find rooms that has clues. Naiisip ko kasi if kaming magbabarkada ang maglalaro for real promise baka abutin kami ng isang linggo hindi kami makakalabas wahahaha. Ang saya nun pag nakahanap kami ng safe room hindi na ako lalabas pa swearrrrrrrrr. Pero if the team thinks na hindi na nila kaya they can quit. Ewan ko ba palagi ko tong iniisip hehe, its going to be one heck of experience, thrill, adventure and emotions hehe lahat! sabi ni fey sakin “Ok ka lang? Anong nakain mo aty naisip mo yan?” hahaha hindi ko nga rin alam, ang saya kaya nun if you do this game with friends or sisters or bf’s gf’s hehehe hay nako tama na nga alis na muna ako luto muna hehehe. 
 
kanta ” i willll take yoooouuuuu foreverrrrrrr la la la” wala lang. take care everyone have a great wednesday tmrw :)
Posted by yeinechan at 5:11 pm | permalink | comments[2]