:( waaa sorry.
July 29, 2009Okey. Birthday nya ngayon at hindi ko alam. deym. waaaaaaaaaaa sama ko. sinabi na niya kanina na may celebration ngayon, akala ko naman despidida,waaaaaaaaa. nakakahiya. tapos inalok pa ako na kumain kahit wala ako dun waaaaa.nakakaiyak naman to.
yeine: sa cp na ako ha.
(walang reply)
yeine: hindi na ako manunuod ngayon ng HP kasi medyo scary ung ibang characters.ung mga alagad ng dark lord ba yun?sana kasama na lng kita manuod.(para may mapagtatanungan)
(walang reply)
yeine: huy huy
siya: dito na ako sa bahay. Kakarating ko lang. siyanga pala Birthday ko kanina. bwahahaha.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa di ko na alam oh my gulayyyyyyy . ang gara now ko pa sya hindi nagreet. nakakainis. nakakatanga.
HAPPY BIRTHDAY.
things you should know:
your pending salary increase is one of my constant prayers.haha panalo.
i intended to make your day extra special so im sleeping early tmrw hehe
swear, i want to make it extraordinary but time did not allow me BABAWI AKO.SERYOSO.
im so sorry for thingking about the despidida thing.
i wish i was there kanina.
i will not tell you my birthday.evurr.
u made me decide to read harry potter series. no spoilers na.
i want you to be happy. really happy.
i’d love to eat your “pritos” recipes soon.
your being different makes you more special (isipin ang different na yun)
i hate being 5hours ahead of you. coz in reality i really missed your birthdaaayyyyy waaaa.
pssst i will never get tired greeting you.swear.
HAPPY BIRTHDAY.
nabulok na mansanas.
July 21, 2009Bumili kahapon ng mansanas ang pinsan ko para kay Mj. Medyo mahilig ako sa mansanas pero syempre hindi rin ako pwede dahil pihadong magdudugo ang gums ko, kahit na hiwain ko yun ng kutsilyo ang masakalap hindi ako rin ako marunong magbalat ng kahit ano maliban sa saging, ubas na hindi na binabalatan. Mas gugustuhin kong ipabalat sa iba kaysa halos kalahati na lang ang matira kung ako ang gagawa. Marami ung mansanas, mga ilang piraso din na alam kong hindi mauubos ni Mj ng biglaan, ano sya dinasaur. Gusto ko sanang balatan para sa kanya kaya lang masasayang talaga dahil mas marami pang laman ang mawawala kaysa sa balat. Hep, OO nga aminado na nga ako e. Hinugasan ang prutas kaya pinabayaan ko na syang kainin kahit hindi katibayan ang mga nabubulok nyang ngipin sa harapan. Sus woeh ano naman bata e. Makailang minuto lang ako hindi nakatingin sa kanya nakita ko dalawa na ung hawak nyang mansanas, pareho nya pang kinagatan. Sinuway ko sya nang may nakita pa akong isang mansanas sa lamesa na may kagat din. Sabi ko sa kanya hindi pwede ung ganun dapat ubusin nya muna ung isa, hindi naman un mawawala, lalong hindi ko naman kakainl. Ang mansanas hindi na masarap kapag kinain mo at hindi mo naubos tapos kakainin mo ulit, lalo na’t magkukulay brown na ung kinagatan mong parte. Sa madali’t sabi masasayang. Sabi nya sa akin mas masarap daw ung una nyang kinakain kaysa sa iba, pero dahil kinagatan nya na ng kinagatan ung pangalawa at pangatlong mansanas hindi na namin napansin na nagiba ang kulay nung una. Sabi ko sa kanya. “ayan hindi mo kasi inubos tingnan mo kulay brown na baka hindi na yan masarap” sumimangot sya at kumuha ulit ng isa pa at dali dali ulit na kinagat.
Napaisip tuloy ako kagabi pa. Bakit may mga tao na hindi makuhang maging kontento sa kung anong meron sila. Sa kung ano ang meron sa kasalukuyan, patuloy silang naghahangad. Pagpalagay na nating likas sa ating lahat ang maghangad pero hindi ba may limitasyon yun? walang bagay sa mundo na hindi natatapos, walang nilutong ulam na hindi inihain sa hapag maliban na lang kung masama ang pagkakaluto. walang labahin na pinaikot sa washing machine ng ilang beses na hindi inanlawan at isinapay. Hindi masama ang mangarap ka ng magandang buhay, pero hindi mo ba naiisip na bakit ang ilan, naisilang na maganda na ang buhay pero hindi sila kuntento, palagi nating sinasabi na baka hindi sila masaya, maari na ganun nga, minsan mas masarap gumitna, kaya mong kumain ng pinakamasarap na pagkain sa isang kilalang restaurant at naranasan mong kumain ng tuyo at champorado kapag umuulan. Ang mga nasa pulitika, ang mga naglalakihang tao sa posisyon, hindi ba maganda na ang buhay nila? hindi ba nagagawa nila ang gusto nila? hindi ba madalas kaya nilang kumitil ng inosenteng buhay para sa pansarili nilang kapakanan. Ganid sa kapangyarihan. Hindi kontento sa posisyon. Patuloy na naghahangad ng mas malaking pangalan. Walang kwenta. Hindi sila nanghinayang sa unang mansanas na meron sila. Tumikim ng isa pa, hindi nasiyahan tumikim pa ulit. Hindi nila alam na unti unting nabubulok ang buo nilang pagkatao. Hindi ako galit, naisip ko lang sila, ilang beses ko pinanalangin sa bawat balita na papanoorin ko tuwing hapunan na sana isang magandang balita naman ang bumungad sa bawat pamilya sa isang tahanan. Hindi iilang beses din na puros bulok na sistema at pagpapasikat lang ang alam nila. Nagpapaganda at nagpapapogi sa mukha ng bawat Pilipino. Hindi tayo mangmang. Hindi tayo bulag pipi at bingi. Itinutulad ko sila sa nabulok na mansanas. Sa bawat paghahangad nila, sa bawat pagpapakitang tao, sa hindi pagigng kuntento sa kapangyarihan, sa patuloy na pagkaganid sa pusisyon at walang gatol na pagpaslang sa hindi mabilang na buhay, sa paglapastangan sa karapatang pantao, sa pagtapak sa dignidad natin, wala silang kaluluwa, patuloy itong mabubulok katulad ng pagkabulok ng isang prutas na hawak ng isang inosenteng bata.
one thing i LOVE.
July 18, 2009It makes me love him more and more and more, he swept me off my feet > Nicholas Sparks, incredibly sparks his magic at me again! and the one who continuously inspire me and everybody who was moved by works to greater hopes and the power of love. Mitch Albom
and who would not fall in love with Judith Mcnaught, even you, she sends shivers to your spine, makes you faint in the sweetest words. Say Hi! to Sophine Kinsella and fall inlove with her as well. Renew acquintances with Sydney Sheldon, she’s one of the best. Soon you’ll meet Paulo Coehlo but I’d be very happy if you’d introduce me to JK Rowling and Dan Brown. Wait till you meet Helen Fielding and Danielle Steel.
but there is one thing more. how can we forget Stephenie Meyer who made me wish i was one of the Cullens.
*take it slow, calm down, its yours already haha. you got all Jude Deveraux db? nice.*
im so happy to share this interest with you. having someone whom i can talk the whole day about *happy-ending fantasies* share opinions on *tragic stories* giggle with *feel-good lines* or some thinking sessions with B.O.
BUT, i Must say, Lualhati Baustita’s dekada 70, Bata, bata paano ka ginawa and Gapo and other magnificant screenplays are gems. F. Sionil Jose’s Ben Singkol, Gagamba and Viajero together with his other novels and short plays were timeless.
reading is a fuel to my soul.
-yeine
exs: please please take time to vote for our friend who join the paramihan challenge of Globe. Here’s the link
idk the exact info about the said contest but my very good friend BLOOM ask a favor if i could ask for more votes. thanks guys
http://site.globe.com.ph/web/guest/paramihan/videos/1138?sid=4qnfgd8sj2qls1247801782915
♥
dahil bawal malungkot :D
July 15, 2009Dahil bawal ang malungkot ngayon. Magkekwento muna ako sa mga nangyari sa amin kahapon. MAKATI. ilang beses na ba anko naligaw sa Makati, sa pagkakatanda ko parang dalawang beses na ata. Sa totoo lang hindi kami naligaw kahapon. Ay teka pala, ano ba ang ginawa namin pala kahapon. Nagpunta kami sa isang consultancy office chuchu para mag “spy” este para *bwiset na ilaw ng room ko ayaw sumindi ampft, nadidiliman na ako ee” ayun sumindi na rin. Ayun nga, kami nina ELOI, at KUH saka ang YEINE ang magkakasama, magkapatid sila at magpipinsan kami at bestfriend ko ang ELOI. Ok naman kasi nga dahil medyo familiar ako sa Makati hindi kami mawawala lalo’t RCBC buliding ang palataandaan ko haha. 9am palang umalis na kami kasi 10am ang orientation, nakalimutan kong mag-hapunan tapos hindi pa ako sanay mag-almusal kaya medyo hilo ako sa biyahe buti na lang maganda ung movie ni manong sa bus, pero hindi ko na rin pinanood sa mga dahilang ito
1. IBA ANG SUBTITLE!!! *annoyed* hindi mo na nga marinig at nagpasalamat ka na may subtitle tapos biglang hindi mo pa maiintindihan tsk tsk masarap mabuhay *sinabi ko kanina un* pero pucha kung nagagandahan ka sa pelikulang pinanonood mo ng malayo tapos iba iba ang subtitle aba walang hustiya yun hahaha!
2, Mas lalo akong nahihilo, kung itatanong mo kung san? *please refer to number 1″
3. nagugutom ako. seryoso nagugutom ako, natakbo sa isip ko ay ang ano kaya ang lunch namin mamaya?
syempre dahil medyo traffic-traffican dun sa bandang basta familiar ako dun late kami haha. late ng 30minutes, kaya dali dali na kaming pumanik sa itaas. HEEEEP!!! elevator. AYAW AYAW KO NG ELEVATOR.
ELEVATOR.
room414
yeine: saang floor kaya yan?
eloi: neng 414 nga e eh di 4th floor.
yeine: wahahaha oo oo nga
) * stupidang bata sus*
pagdating namin dun asked agad kami kung saan daw namin nalaman ung consultancy services nila. gusto ko sanang sabihin na nalaman ko sa nanay ko hehe pwede bang basta nalaman namin?aba potential client kami noh
) sabi sa amin humabol na lang kami sa orientation. Akala naman namin dun lang din, aba ang babae kumuha ng papel ngsketch.
sabi: nakita nyo ba ung mcdonalds? “err saan macdonalds po?marami kaming nakita e” bilang kayo ng tatlong kanto sa tapat ng starbucks yung building dun room 3401.
kami: ay cge po thank you po.
LAKARAN
hinanap si mcdonalds nakita si mcdonalds sa mismong tapat ng building lumakad, gustong magpaiwan ng yeine sa mcdonalds hahahahaha! pero sumama pa rin. Nagbilang ng tatlong kanto. ooops walang strabucks takte. balik ulit, kumanan sa mcdonalds, na gustong gusto ng ng yeine pasukin *harhar* nagbilang ulit at presto nakita ang tindahan ng mahal na kopi. at ayaw ko na ang mga susunod na pangyayari .
ELEVATOR
Kuh: sa 3rd floor tayo.
Eloi: hindi sa 34th floor.
Yeine: hmmm mataas masyado. maghagdan tayo? *promise nagbibiro ako
)”
Eloi: bwahahaha!try mo mauna ka ha pag dating mo dun nasa ibaba na kami kwentuhan ka na lang namin ng mga nalaman namin.
Yeine: hahaha sasakay na tau.
dumating kami sa 3401. freaky nga e hahaha di ba parang may movie na room number ang title 9401?2401?si John Cusack promise yun ang tumatakbo sa isip ko nun hahaha. So late kami, pero nakinig pa rin naman kami. Nagtanong, nagulat, naliwanagan, naguluhan, nawindang at marami pang iba.
pag labas namin nakasabay namin ung isang grupo rin sabi nila may mas okay daw na services ung alam nila, haha so kinuha agad ng Yeine at Eloi ang mga importanteng impormasyon. hahaha. sympre baba na kami at kakain, at AYAW KO NA NG SUSUNOD NA NANGYARI.
ELEVATOR
mabigat ang happy feet, alam ko naman yun, mali talaga na yun ang sinuot ko sorry naman. ang kaso e. NATAPAKAN ko si Kuh waaaaaa. natatawa sya sa sakit. kaya natawa na lang din kami hehehe.
YES. MCDONALDSSSSS
promise nashocked ako sa fries nila kasi malaki na pala di ako updated tpos large pa ako ng large fries. Sabi ni eloi puntahan na namin ung isang nalaman namin pero iniisip namin ng kung nasaan ang pasong tamo. Alam ko lang magtaxi kami hahaha.pero ayaw ko na sana ng sabihin, may IKALAWANG biktima ang slippers na gamit ko, nakatapak ako ng paa sa mcdonalds dun sa counter, buti na lang sya ang nagsorry bwahaha! hindi pa natatapos dyan, habang palabas na kami at iniisip ang papunta pasong tamo, charannnnnnn! natapakan ko ang paa ni Eloi waaaaaa. sorry talaga. pero natawa na rin sya sa sakit hahaha kaya nahawa na kami haha.buti di nagalit haha. Tapos tapos nagtanong tanong na kami sa isang guard.
yeine: *being the bida bidahan here ako na ang nagtanong” manong, san po dito ang pasong tamo?
guard: ha?! *nanlalaki ang mata at gulat na gulat* malayo yun dito.
singit na mama: naku malayo yun mga 30mins byahe.
kami: *isip kung magtataxi kami ng 30mins, baka mahal* thank you po kuya
text si kifli: sakay kayo ng jeep chino roces, tapos baba kau sakay kau ng mantrade, tapos sa tapat ng don bosco dun na yun.
ako: san ang chino roces?san ang mantrade?tanong ko sa sarili ko so sa hinabahaba ng kwentuhan ngtaxi kami, at wala pang 15minutes nandun na kami 50php lang bayad dagdag ng 20php ang yeine kay manong kasi mabait sya
sa kaduluduluhan ng aming pagtatravel haha nakarating kami sa cityland makati. at wag na alamin ang mga sumunod na nangyari.dahil.
ELEVATORRRRRR
eto ang laftrip sobra. hindi namin alam saang floor at room yun si eloi ang nakakita sa directory nila so nalaman nya na 17th floor kami. biglang bumanat si kuh ng 11. sa 11 tayo. kasi nasa 17 na tayo e. kaya kami naguluhan. sabi ni eloi, paano kami mapupunta sa 17thfloor eh nasa upper ground kami. sabi ni tita kuh hahaha kasi tingnan nyo ung elevator nakalagay 17-25. errr. un pala binilang nya ung column dun sa directory pang eleven ung room nung agency waaaaaaaa natatawa rin sya kaya natawa na rin kami. para umikli walang nangyari sa ikalawng pagtataka naming maliwanagan at ang alam ko UWIAN na.
okay, kung nasa dela costa kami alam ko na pauwi, ang kaso nga lang nasa pasong tamo kami sus paano kami uuwiiiii, sumakay ng libertad sabi namin bahala na pagdating sa libertad haha pag dating sa libertad nagtanong san ang taft naglakas ng uber super medyo mahaba hehe nakakita ng baclaran na jeep. sumakay, nakita ang pamilyar na lugar ang Pasay MRT station gusto ng bumaba kaso hintayin na daw namin ang baclaran, from baclaran that is two rides away from home. pero pinili bumaba sa heritage hotel hahaha sa gitna ng U-turn may tatlong nilalang na naglalakad, ang masaklap dumidilim ang langit haha hihintayin sana namin ang bus na byaheng cavite pero naalala ni eloi ung sinabi ni kifli na from moa bahala na kami, cguro sa sobrng pagod at kakatawa napara ko ang jeep na MOA. sumakay ako bigla haha so sumunod sila sabay buhos ng pinakamalakas na ulan pag dating ng MOA sakay ng van diretso pauwi pero cguro sa haba ng nilakad namin at naulanan pa kami tapos madulas pa ung takteng suot ko. sus basta basta nakauwi kami ng masaya, nagtatawanan at hindi malilimutan ung nangyari sa amin sa Makati. kahit nakakpagod basta masaya ayos lang hahaha
eloi kuh, soooorrryyyy masakit yung pagkakatapak ko next time wag na kau tatabi sakin haha hindi ko na yun isusuot
ayaw ko ng malungkot :D
BAWAL NA ANG MALUNGKOT NGAYON. BAWAL NA ANG MGA KADRAMAHAN. NGINGITI NA AKO. MASAYA NA DAPAT. Masaya na dapat dahil masarap pa ring mabuhay. Masarap pa rin ang tumawa sa galak at lalong mas masarap pa rin ang ngumiti.
woeh, ikaw na bata ka. mas nakakalito ka, wag kang magalaala sakin masyado, sus ako pa. kaya ko. saka dapat cool lang db chill chill lang hehe. masaya ako. hindi mo dapat itanong kung hanggang kailan. hindi yan isang gamot na mag-eexpire. wag kang makulit a. di ko alam if para sa akin ung nabasa ko pero dahil assuming ako eh iaasume ko na ako yun. kung hindi man ako un eh ayos lang, sabagay dami ngcacare e haha.
KAYA BAWAL NA MA-SAD
ipinagbabawal ni yeine ang kalungkutan dito sa munti nyang bahay. hehe. smile, life is beautiful AND MAKE OTHERS HAPPY. that’s priceless and you are priceless.






