Home » Post Item » cloud 9 :D
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


cloud 9 :D

November 9, 2008

  Ang saya saya ko lang ngayon hehe natapos na ang pagdudugo ng ilong ko hahaha! pasado alas-dose na ako ngising kanina pag baba ko ginulat ako ng ate ko sabi nya “oi ung result ng exam mo dumating na kanina”. Nak ng tupa kakagising ko lang nakalutang pa ang isip ko biglang ganun ang balita para akong hihimatayin bigla hehehe paano naman kasi ang agony ko ang tagal na saka expected ko bukas pa hahaha or sa martes pa sus linggo pa lang dumating na syempre hindi ako prepared haha! Tinanong ko sya (parang iiyak na ako sa kaba kanina) sabi ko “o ano ate?ano grade?” sabi nya “hello hindi kaya namin binuksan kaw na magbukas pagkaligo mo” ako naman “ahh okey, oo nga”

CLOUD 9 hahaha nasa ulap akooooooo yan maihahantulad ko ang pakiramdam ko ngayon dyan hehehe naipasa ko at hindi ko na uulitin pa hahaha! pwede na ang iskor ko hindi mababa hindi mataas haha eto o hindi mo nga lang makikita haha

 

Listening: 7.5 Reading: 7.5 Writing: 6.5 Speaking: 7.0 Total Band Score: 7.0 

Noong November 7 pa lumabas ang result pero dahil hindi ko na gustong bumalik ng Makati hehehe (pero nung exam sa Dusit Thani Hotel saka ung speaking sa Salustiana sa Makati pa rin!) basta hindi ko na kinuha dahil ipapadala naman nila sa mailing address na ibinigay namin. Ayun nga dumating na nga kanina :D nilagay ko pa talaga ung mga marka ko proud eh haha pinili ko hindi magkwento sa exam na ito nung kumuha ako kasi nahirapan ako talaga at inanticipate ko na na mababa ang makukuha ko sa writing dahil pucha nahirapan ako sa tanong hehehe mahirap at isang oras lang ang laan para sa writing task 1 na graph analysis at writing task 2 na essay. Madaldal ako pero nung oras na un na 10:50am-11:50am lang o di ba pati oras ng writing test alam ko pa! hello maglulunch na kaya nun saka medyo pagod na sa utak dahil nauna na ang listening at reading, nung oras na kailangan ko ng magsulat wala ako maisulat haha wala talaga mga 10mins kung nilalaro ung lapis mongol 2 pa nga un. Nauna ang speaking ko October 24 bago ang written exam ko nagbaon ako ng mga sagot ko isang international law at local law isang international at local painter ecotourism pinagaralan ko ng kaunti yan kasi ung unang one-one speaking ko sa isang coach traumatic hehe hindi ako nakasagot as in blangko ako pagkatanong ng ecotourism nyemas na yan haha ang tanga ko lang talaga hehe. Pero kahit na hindi na masama ang nakuha ko hahaha mataas pa rin naman Band 7 sabi nga sa likod ng papel Band 7 is a good user na hahaha ayos na ayos ang saya ng Nanay ko hindi nasayang ang 8640php nya sa exam at 4500php nya sa review hihi :D

[x] local board

[x] ielts

[ ] application paper for An Board

[ ] nclex

Proud ako sa sarili ko hehe 3weeks na review 2 one-on-one speaking session sa coach ko na si Ma’am Margaux (thanks sa knya super motivated ako) at isang writing one-on-one hindi nakaktaka na hindi naging 7.0 ang grado ko hehe. Salamat pala sa mga nagdasal :) kay chellie, mykee, jay, kooonin, tinkerbelle at sa lahat lahat na kay FEY na sinamahan ako nung unang araw ng exam salamat sya din kasama ko nung nag-file ako at naligaw sa Makati hehe. Kay God for this blessing, Mother of Perpetual Help hindi nya ako ulit pinabayaan isa nanaman itong answered prayer sa family ko na hindi nagsawa pakuhanin ako ng exam haha kahit wala akong work haha don’t worry babawi ako. ayun lang :) wala talagang imposible sa buhay :) ang sarap mag-coke ngayon haha! way to go yeine!!!

 

 

Posted by yeinechan at 8:50 pm | permalink

Previous Comments

yeine!!!!!!! congats!!! henyo ka pla e…!!! ang galing galing! mwah!

Posted by krizzie labago at November 10, 2008, 1:42 am

@ate krizzie hehehe :) anong henyo ate tsamba kami magaling ako sa tsambahan hehehe :D thanks po :)

Posted by yeinechan at November 10, 2008, 8:18 pm

krizzie, henyo yang si yeinie:) yeiniepots, congrats ng bonggang bongga! i know you can make it and you made it! :) loves

Posted by Myk2ts at November 10, 2008, 8:38 pm

@mare mykee ko, hahaha ano daw?!? anong henyo loka! ikaw sure pag nag-ielts 9.0 haha sigurado akooooo!!! mare kahapon i was scanning my phone nkita ko may video n nkasave hahaha yun sa inyo pala nung nakanta kau tawa ako ng tawa ung song n breakaway ung chorus n hindi ka kumanta ipinasa ke bloom wahahaha! ang saya nkakatuwa talaga!

Posted by yeinechan at November 11, 2008, 3:06 pm

congratulations sis… pachizburger ka naman! hahahaha!

Posted by sp00fed at November 12, 2008, 2:33 pm

@spoofed hahaha natawa ako ate ganda hahaha chizwhizburger n lang te hehehe :)

Posted by yeinechan at November 12, 2008, 5:13 pm

haha,double celebration. congrats ulit! :D

Posted by Fey at November 12, 2008, 8:30 pm

MAYABANG NAAAAA..

Posted by bloom at November 14, 2008, 4:59 pm

siyeeeeeet!! Sabi ko na nga ba 9.0 ka eh… ang galing galing!!!!! hugssss

Posted by kooonin at November 14, 2008, 5:19 pm

Congrats yeine! Masaya ako para sayo…lalo na masaya ka rin! :)

Have a great weekend!

Posted by kg at November 14, 2008, 8:46 pm

wow! congratz! ang tarush tarush u nmn.. hehehe

mgshare k nmn ng tips…^_^

Posted by belle05 at November 18, 2008, 4:48 pm

@fey hahahaha sa saturday :) bahala ka na and thanks sa pag open nito kgbi hehehe ayos n meron n akong connection aweeee

Posted by yeinechan at November 19, 2008, 9:34 pm

@blooom mayabang ka jan hahaha cra! :) kaw naamoy ko n ang HK haha

Posted by yeinechan at November 19, 2008, 9:34 pm

@kooonin 9.0 ka jan nasaan po kuya?nasaan?add mo lahat lagpas pa haha

Posted by yeinechan at November 19, 2008, 9:35 pm

@ate grace haloo ate :) hehehe nkabalik kna? ncra kasi computer ko kaya tagal ko nawala :)

Posted by yeinechan at November 19, 2008, 9:36 pm

@belle hahahaha swerte lang pu :) tips hehehe wala nmn nagdasal ako sa baclaran hehehe ayun kaya aku pumasa hehe

Posted by yeinechan at November 19, 2008, 9:37 pm

wow! congarats yeine. alam ko na na pumasa ka e. kaso nayun ko lang talaga nabasa sa blog mo.. ahaha.
congrats muli. reward na yan sa pagiging good friend mo sa amin lahat. :)
more blessings yeine.
God bless..

Posted by jay at December 2, 2008, 10:12 pm

@jay thank u po :) sa prayers!

Posted by yeinechan at December 2, 2008, 10:19 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment