Home » Post Item » maxaya ako napatay kita PERO sorry huh :)
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


maxaya ako napatay kita PERO sorry huh :)

November 3, 2008

 

 takot ako sa GAGAMBA!

Haha oo sobrang takot ako sa gagamba ang alam ko may phobia ako dun kasi nung nasa elementary palang ako nabaksagan ako ng gagambang kuryente malapit sa canteen namin ung lecheng gagambang kuryente na yun na malaki na maitim ang dahilan bakit ganun na lang ang takot ko sa gagamba. Ayoko talaga sa kanila mamamatay na lang ako kasi gapangan ako ng gagamba. Ayos lang sana ung gagambang maliliit eh ung tumatalon lang pero wag mo ididikit sa akin pucha papatayin talaga hehe pag nakakakita ako ng gagamba madalas hindi ako makakilos as in hindi ako nkakagalaw haha tapos mararamdaman ko na parang hindi ako makahinga parang nagtititigan kami nung gagamba mag-iisip na ako kung paano ako makakaalis sa pwesto ko. Hindi ko alam kung naharap ko na ung takot na yun kagabi. Pakiramdam ko kasi OO pero mukhang hindi pa rin hehe dahil ngayon lang nghahanap ako ng larawan ng gagamba hindi ko maiclick ung litrato nya shet talaga. Pero masaya ako hehe dahil may napatay ako na gagamba kagabi ang sama ko noh haha oo na “has a life has a spirit has a name” pwes wala akong pakialam kung sya pa ung prinsesa nila o kahit napakaganda pa ng pangalan nya o kung may naiwan syang boyfriend/girlfriend sa kanila SORRY hindi ko napigilan patawad.

Kagabi sobrang sakit na ng tiyan ko as in talagang crowning na harhar (sorry kadiri noh) anyway basta masakit na talaga mga 8:30pm na ata un so bumaba ako pag bukas ko ng ilaw ng banyo parang namalikmata lang ako ung parang may nakita ko pero in denial pa hahaha sinasabi ko sa sarili “shet no! hindi ito maaari! hindi ito hahayaan ni God na mangyari sa akin! hindi!” ang ginawa ko syempre lumingon ako ulit shet gagamba nga ung picture sa itaas ganyan ung itsura nya ang hahaba ng paa tapos parang pag tingin ko sa knya ng dalawang beses parang nginitian nya pa ako parang sinasabi nya na “oo gagamba nga ako hala ka hahaha!” parang ganyan eh parang ang lutong ng tawa nya eh, sobrang sakit na ng tiyan ko nawala talaga as in nawala ang nasa isip ko kung paano ako lalabas ng banyo namin nanginginig na ako sa kaba pumikit pa ako ng ilang ulit baka naman kasi wala talaga hehe pero anak ng tokwa meron talaga hindi umaalis gumagalaw pa parang nagpapatintero na hindi maintindihan ang sama talaga. Bilang ako ng tatlo sabay labas ng pinto pero hindi na tama masakit na ang tummy ko at ung cousin ko sa tabi namin wala nasa Bicol hindi ako makakapasok sa bahay nila, nkakahiya man mas pipiliin ko mag-CR sa mga pinsan ko kaysa sa amin pero wala akong choice huhu. Lakasan na lang talaga ng loob haha so kumuha ako ng pares ng sinelas ewan ko sa tatay ko pa ata un hinagis ko sa gagambang brown na yun hudas talaga ni hindi man lang nadaplisan, ang siste para pa syang tumalon sa lapag! napapamura na ako talaga ang mga puppies ko nakatingin lahat sa akin kasi naiiyak na ako, kung itatanong nyo kung bakit hindi ako humingi ng saklolo kasi nasa taas na sila at kung tatawagin ko pa kahit sino mapapagalitan ako ng tatay ko hehe kasi sasabihin non ang laki laki ko gagamba lang hindi ko mapatay hindi nya lang alam hihimatayin na ako sa takot grrr. So ayun nga sumunod kong hinagis sa kanya ung kabiyak hindi ko parin tinamaan! amp tinamaan tlaga ng lintek hehehe. ang ginawa ko 2 pares ng sinelas pa ang kinuha ko at 2 pares ng rubber shoes ni ate at ni spider earl para marami akong bala! presto! patay ang gagamaba sa huling pares na inihagis ko nilapitan ko sya naawa ako pero hindi hindi ako dapat maawa dahil mas nakakaawa ang itsura ko ung itsura na natatae ka na namumutla ka pa nanginginig ka pa lahat na masaya ako napatay ko sya pero nagsosorry naman ako sinadya ko man un hehehe wala akong magagawa pray ko lang nasa heaven na sya kasama ang ibang gagamba at wag nya ako dadalawin sa panaginip ko o wag maghihigante ang boyfriend/girlfriend na naiwanan nya sa mundo hehehe pag nagkataon (awww ayako isipin :( ) kakatakot hehehe! ayun lang shinare ko lang kayo saan ba kayo takot wag kayong magmatapang haha ipis at gagamba lang ako takot. kaya ko pang makipaglaro sa daga hahaha! at kumuha ng bulate para pain kapag mamimingwit kami ni Eloi at Kuh (mga cousin ko na kasama ko mamingwit ng tilapia haha) at saka pala gusto ko ang movie na spiderman kung lahat ng spider gaya nya ayos lang hahaha! matutulog pa ako kasama nya hahaha!

Posted by yeinechan at 9:36 pm | permalink

Previous Comments

Kakatuwa naman kwento mo. Ako naman (kami ng mga kapatid ko), takot sa daga. Anf I can understand when you go crazy when you see one. Dati nga, lahat kami naka-apak sa mesa nung may na-stuck na daga sa baba. Imagine, three young adult women na takot na takot sa napakaliit na daga! he! he!

Posted by kg at November 4, 2008, 6:23 am

haha, natawa ko dito! pati ipis cgro nde ako maaawang patayin kung ikahihimatay ko naman makita sila.

at mas natawa sa “story nung nagpakita X mo..” ramdam ko girl.. ;)

Posted by chyng at November 4, 2008, 7:18 am

mareee ayoko din nyan, super nanginginig ako makakita pa lang ako ng ganyan grabe nakakatakot talaga

Posted by Myk2ts at November 4, 2008, 9:26 am

@ate grace hahaha hindi ako takot sa daga ate hahaha naalala ko kinukuha pa ako ng tatay ko ng bibiwit ba yun ung maliliit dati sa luma naming tv bwahahaha kadiri noh pero it was one of my childhood fondest memories :) ang saya ate lahat kau nasa itaas ng table hahaha grabe un para kaung mga bata na nagtitilian cguro hehe!

Posted by yeinechan at November 4, 2008, 4:06 pm

@chyng :) ui salmat sa comment :) hahaha uu ung mga ipis na lumilipad noh ang gara pucha parang alam kung saan ka pupunta hahabulin ka talaga waaaaa kakatakot! ung ex ko?haha masahol pa sa ipis un girl :)

Posted by yeinechan at November 4, 2008, 4:07 pm

@mare mykee OMG ikaw ikaw ikaw ang namimiss ko ng uber duper! hehe uu mare sobrang takot din ako jan haha! khit si brad pitt pa ang mghagis sa akin nyan haha!

Posted by yeinechan at November 4, 2008, 4:09 pm

sosyalin ang topic.. gagamba haha!

Posted by kuyanin at November 5, 2008, 3:56 pm

@kuyanin bakit why? hahaha yan lang kaya ko isulat kuya eh try to write something light kasi wag malalalim haha ung nangyari lang sa buhay mo pero sabi mo nga mukhang hindi na personal blog ung sayo haha dami mo na kasi readers eh :D subukan mo kasi sumulat ng mga bagay na magaan haha ung event na matatae ka na yung mga ganyan promise ibng pkiramdam pag nkayanan mo ishare sa iba haha! ang haba ng sinabi ko hehe! sosyal ang topic ko :) il take that as a compliment haha!

Posted by yeinechan at November 5, 2008, 5:56 pm

nukx lols, nice stoRy, kloka itech. anyway i think the pic is pretty simple, it’ll be better if u post a bigger one, hehe soRii nakealam, ooh well, scared dn aQ s spide, naku, super creepy nmn kc dba istura plng:d

Posted by Jhoice at November 6, 2008, 11:16 am

@jhoice hahaha mas malki n pic hahaha! yan talaga nkita ko house spider lang hehehe! salamat sa pagdaan :) take care!

Posted by yeinechan at November 6, 2008, 12:21 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment