twilightsaga :)
November 30, 2008
[twilight;new moon;eclipse;breaking dawn]
love it!
harhar wala akong magagawa FAN akooooo FAN akooooo! -ngisi-
cloud 9 :D
November 9, 2008Ang saya saya ko lang ngayon hehe natapos na ang pagdudugo ng ilong ko hahaha! pasado alas-dose na ako ngising kanina pag baba ko ginulat ako ng ate ko sabi nya “oi ung result ng exam mo dumating na kanina”. Nak ng tupa kakagising ko lang nakalutang pa ang isip ko biglang ganun ang balita para akong hihimatayin bigla hehehe paano naman kasi ang agony ko ang tagal na saka expected ko bukas pa hahaha or sa martes pa sus linggo pa lang dumating na syempre hindi ako prepared haha! Tinanong ko sya (parang iiyak na ako sa kaba kanina) sabi ko “o ano ate?ano grade?” sabi nya “hello hindi kaya namin binuksan kaw na magbukas pagkaligo mo” ako naman “ahh okey, oo nga”
CLOUD 9 hahaha nasa ulap akooooooo yan maihahantulad ko ang pakiramdam ko ngayon dyan hehehe naipasa ko at hindi ko na uulitin pa hahaha! pwede na ang iskor ko hindi mababa hindi mataas haha eto o hindi mo nga lang makikita haha
Listening: 7.5 Reading: 7.5 Writing: 6.5 Speaking: 7.0 Total Band Score: 7.0
Noong November 7 pa lumabas ang result pero dahil hindi ko na gustong bumalik ng Makati hehehe (pero nung exam sa Dusit Thani Hotel saka ung speaking sa Salustiana sa Makati pa rin!) basta hindi ko na kinuha dahil ipapadala naman nila sa mailing address na ibinigay namin. Ayun nga dumating na nga kanina :D nilagay ko pa talaga ung mga marka ko proud eh haha pinili ko hindi magkwento sa exam na ito nung kumuha ako kasi nahirapan ako talaga at inanticipate ko na na mababa ang makukuha ko sa writing dahil pucha nahirapan ako sa tanong hehehe mahirap at isang oras lang ang laan para sa writing task 1 na graph analysis at writing task 2 na essay. Madaldal ako pero nung oras na un na 10:50am-11:50am lang o di ba pati oras ng writing test alam ko pa! hello maglulunch na kaya nun saka medyo pagod na sa utak dahil nauna na ang listening at reading, nung oras na kailangan ko ng magsulat wala ako maisulat haha wala talaga mga 10mins kung nilalaro ung lapis mongol 2 pa nga un. Nauna ang speaking ko October 24 bago ang written exam ko nagbaon ako ng mga sagot ko isang international law at local law isang international at local painter ecotourism pinagaralan ko ng kaunti yan kasi ung unang one-one speaking ko sa isang coach traumatic hehe hindi ako nakasagot as in blangko ako pagkatanong ng ecotourism nyemas na yan haha ang tanga ko lang talaga hehe. Pero kahit na hindi na masama ang nakuha ko hahaha mataas pa rin naman Band 7 sabi nga sa likod ng papel Band 7 is a good user na hahaha ayos na ayos ang saya ng Nanay ko hindi nasayang ang 8640php nya sa exam at 4500php nya sa review hihi
[x] local board
[x] ielts
[ ] application paper for An Board
[ ] nclex
Proud ako sa sarili ko hehe 3weeks na review 2 one-on-one speaking session sa coach ko na si Ma’am Margaux (thanks sa knya super motivated ako) at isang writing one-on-one hindi nakaktaka na hindi naging 7.0 ang grado ko hehe. Salamat pala sa mga nagdasal
kay chellie, mykee, jay, kooonin, tinkerbelle at sa lahat lahat na kay FEY na sinamahan ako nung unang araw ng exam salamat sya din kasama ko nung nag-file ako at naligaw sa Makati hehe. Kay God for this blessing, Mother of Perpetual Help hindi nya ako ulit pinabayaan isa nanaman itong answered prayer sa family ko na hindi nagsawa pakuhanin ako ng exam haha kahit wala akong work haha don’t worry babawi ako. ayun lang
wala talagang imposible sa buhay
ang sarap mag-coke ngayon haha! way to go yeine!!!
i see beautiful days with you :)
November 8, 2008 Sus sabi nga ng marami kapag umuulan un ung oras na masarap mag-isip, umiyak in short magpakabaliw dahil magiisip ka ng magiisip ng mga bagay na maraming “what if’s”. Natural na sa akin na makinig sa mga kanta na ubod saksakan ng lungkot pero wala naman akong suicidal tendencies, gusto ko lang talaga yun lalo na kung ayos at sakto pa ang lyrics sa nararamdaman ko. Nakakasuya kung minsan para sa iba pero hindi ko naman gustong makinig sa super lakas kaduper na sound ng rock music kapag galit ako, simple lang ako magalit nambabato lang ako ng bagay na mahawakan ko hindi joke lang. Pag galit ako tahimik lang ako minsan napapaiyak ako sa sobrang galit at extrovert ako kung minsan magugulat ka nalang kung super close tayo malamang minsan sa buhay mo natawagan kita na ngumangawa na ako at tumutulo na ang sipon ko at hindi na ako makahinga kakaiyak. Ganun ako. Hindi ko nga alam kung bakit at type ng type eh hindi ko rin alam saan pupunta ang entry na ito kung may mga mas importante kang bagay na gagawin hala unahin mo yun hehehe dahil sure ako wala kang mahihita sa akin kadramahan lang ng isang batang iyakin ang mababasa mo dito. Hindi ako malungkutin ha masayahin akong bata mahilig akong tumawa ng pagkalakas lakas parang hindi na ako tatawa pa bukas ganun hehehe mahilig akong kumanta pero ang pagkanta ang walang hilig sa akin hahaha kaya pinakikinggan ko na lang minsan nakikisabay ako. Ang dami kong kanta na na-idownload kanina para sa ate ko pakshet kung magmadali akala ko naman 100 songs na ang ilalagay sa mp3 nya sus 5 lang pala anak ni tatang! sobrang excited eh nagulat ako pagbigay ng listahan sa akin wow pare ang tindi limang malulupit na kanta hahaha may beautiful girls pang kasama wahahahaha natawa na lang ako nakakaloka ang kapatid ko hahaha pababalikin ko ng Dubai ito eh ihahagis ko haha may isa pang kanta na nagulat ako The Call - Backstreet Boys. Mahal ko ang BSB pero naman ang tagal na nung song na un hehehe. Ayoko na nga. Hinanap ko pa rin para sa kanya love ko kasi sya. So ayun nga actually hindi okey pakiramdam ko ngayon ewan ko basta i feel odd. Naulan nga ngayon ang lamig pa kaya parang gusto kong subukan na matulog ng maaga. Basta sobrang lungkot ko lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam talaga. Ang saya saya ng unang mga tinatype ko biglang transition ng mood eh noh. Parang nilalagyan ko ng maskara ung mukha ko pero gusto ko rin naman alisin na lang. Ah ewan ko maganda tong kanta na to.
PAALALA : In time may kakantahan din ako ng song na to i swearrrrr! and i’d pray hard that it would reaaly last!
I see beautiful days with you
I feel beautiful ways of loving you
You?ve touched my heart so deeply
And I can?t thank God enough
For all the beautiful days with you
I feel beautiful ways of loving you
Everything is just so wonderful
Every little thing is just so beautiful
When I spend it with you
You came along
In an unexpected time
It was so divine
Knowing you are mine
It feels so right
When I look into your eyes
I never knew that love
Could make me feel this way
I can?t wait for the day
When I can truly say
With you I felt fine
So right
I?ve sang so many songs in stages
With thousands of them watching me
But you?re here with me now
And I sing this song to you
To you, baby
Just for you
Just for you
ayun lang tapos na tong entry na to mahaba na ata eh zzzzzzzz
untitled
November 6, 2008She was no extraordinary though she tried her hardest to grasp all her creative ideas to make a day with him a little bit magical. She thought she was good at it and even mastered it. She was an A in effort, but in spite of these things she failed. She fell short in keeping a relationship work. If she can move mountains she certainly would just to keep him. She was wrong. She was being left for somebody else. She was unlucky, deteriorated, smashed. She gave chances mirrored like confetti showered before him. She was always hopeful that the thing between them will work just the way they planned it. She was again cheated. She was betrayed again by the only guy she ever loved. She was once more devastated, literally wrecked, shattered, and numbed. She felt that she can no longer live with the pain. She finally gave up, gave everything up. She took time to think of ways to escape the reality that though she tried everything she could do she was still a failure. He inflicted so much pain in her heart. She knew she was healed but she never deny the fact that she was scared of losing her grip once more. All her life she was after someone else’s happiness, but now she wants her own. She was indeed a different girl now. She made a pact with her own heart that she would never give the person she would fell in love with more than what he deserves. For her there were no longer what “she used to be”.
maxaya ako napatay kita PERO sorry huh :)
November 3, 2008takot ako sa GAGAMBA!
Haha oo sobrang takot ako sa gagamba ang alam ko may phobia ako dun kasi nung nasa elementary palang ako nabaksagan ako ng gagambang kuryente malapit sa canteen namin ung lecheng gagambang kuryente na yun na malaki na maitim ang dahilan bakit ganun na lang ang takot ko sa gagamba. Ayoko talaga sa kanila mamamatay na lang ako kasi gapangan ako ng gagamba. Ayos lang sana ung gagambang maliliit eh ung tumatalon lang pero wag mo ididikit sa akin pucha papatayin talaga hehe pag nakakakita ako ng gagamba madalas hindi ako makakilos as in hindi ako nkakagalaw haha tapos mararamdaman ko na parang hindi ako makahinga parang nagtititigan kami nung gagamba mag-iisip na ako kung paano ako makakaalis sa pwesto ko. Hindi ko alam kung naharap ko na ung takot na yun kagabi. Pakiramdam ko kasi OO pero mukhang hindi pa rin hehe dahil ngayon lang nghahanap ako ng larawan ng gagamba hindi ko maiclick ung litrato nya shet talaga. Pero masaya ako hehe dahil may napatay ako na gagamba kagabi ang sama ko noh haha oo na “has a life has a spirit has a name” pwes wala akong pakialam kung sya pa ung prinsesa nila o kahit napakaganda pa ng pangalan nya o kung may naiwan syang boyfriend/girlfriend sa kanila SORRY hindi ko napigilan patawad.
Kagabi sobrang sakit na ng tiyan ko as in talagang crowning na harhar (sorry kadiri noh) anyway basta masakit na talaga mga 8:30pm na ata un so bumaba ako pag bukas ko ng ilaw ng banyo parang namalikmata lang ako ung parang may nakita ko pero in denial pa hahaha sinasabi ko sa sarili “shet no! hindi ito maaari! hindi ito hahayaan ni God na mangyari sa akin! hindi!” ang ginawa ko syempre lumingon ako ulit shet gagamba nga ung picture sa itaas ganyan ung itsura nya ang hahaba ng paa tapos parang pag tingin ko sa knya ng dalawang beses parang nginitian nya pa ako parang sinasabi nya na “oo gagamba nga ako hala ka hahaha!” parang ganyan eh parang ang lutong ng tawa nya eh, sobrang sakit na ng tiyan ko nawala talaga as in nawala ang nasa isip ko kung paano ako lalabas ng banyo namin nanginginig na ako sa kaba pumikit pa ako ng ilang ulit baka naman kasi wala talaga hehe pero anak ng tokwa meron talaga hindi umaalis gumagalaw pa parang nagpapatintero na hindi maintindihan ang sama talaga. Bilang ako ng tatlo sabay labas ng pinto pero hindi na tama masakit na ang tummy ko at ung cousin ko sa tabi namin wala nasa Bicol hindi ako makakapasok sa bahay nila, nkakahiya man mas pipiliin ko mag-CR sa mga pinsan ko kaysa sa amin pero wala akong choice huhu. Lakasan na lang talaga ng loob haha so kumuha ako ng pares ng sinelas ewan ko sa tatay ko pa ata un hinagis ko sa gagambang brown na yun hudas talaga ni hindi man lang nadaplisan, ang siste para pa syang tumalon sa lapag! napapamura na ako talaga ang mga puppies ko nakatingin lahat sa akin kasi naiiyak na ako, kung itatanong nyo kung bakit hindi ako humingi ng saklolo kasi nasa taas na sila at kung tatawagin ko pa kahit sino mapapagalitan ako ng tatay ko hehe kasi sasabihin non ang laki laki ko gagamba lang hindi ko mapatay hindi nya lang alam hihimatayin na ako sa takot grrr. So ayun nga sumunod kong hinagis sa kanya ung kabiyak hindi ko parin tinamaan! amp tinamaan tlaga ng lintek hehehe. ang ginawa ko 2 pares ng sinelas pa ang kinuha ko at 2 pares ng rubber shoes ni ate at ni spider earl para marami akong bala! presto! patay ang gagamaba sa huling pares na inihagis ko nilapitan ko sya naawa ako pero hindi hindi ako dapat maawa dahil mas nakakaawa ang itsura ko ung itsura na natatae ka na namumutla ka pa nanginginig ka pa lahat na masaya ako napatay ko sya pero nagsosorry naman ako sinadya ko man un hehehe wala akong magagawa pray ko lang nasa heaven na sya kasama ang ibang gagamba at wag nya ako dadalawin sa panaginip ko o wag maghihigante ang boyfriend/girlfriend na naiwanan nya sa mundo hehehe pag nagkataon (awww ayako isipin
) kakatakot hehehe! ayun lang shinare ko lang kayo saan ba kayo takot wag kayong magmatapang haha ipis at gagamba lang ako takot. kaya ko pang makipaglaro sa daga hahaha! at kumuha ng bulate para pain kapag mamimingwit kami ni Eloi at Kuh (mga cousin ko na kasama ko mamingwit ng tilapia haha) at saka pala gusto ko ang movie na spiderman kung lahat ng spider gaya nya ayos lang hahaha! matutulog pa ako kasama nya hahaha!







