Home » Post Item » kapag malas ka malas ka!
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


kapag malas ka malas ka!

October 3, 2008

BADTRIP :| kakadating ko lang ng bahay, kasalukuyang nakain ulit ako habang tinitipa ko ang keyboard, ung inorder fries at apple pie sa mcdo kanina wala ng lasa. Pagod ako, hindi kasi ako sanay bumyahe kaya eto para akong lantang gulay sa palengke. 9 ng gabi ang tapos ng klase ko ayos sabi ko may bus pa pauwi ko pero pucha pag labas ko ng pinto ay pakshet ang haba ng pila!!! napamura talaga ako pero mas nanaig pa din ung kaba ko dahil natatakot na akong umuwi. Naisip ko sana hindi na lang ako umatend ng pang-gabi, pero huli na kung mag-sisisi pa ako. Basta ayos yung byahe ko pauwi kaya lang ang nakabadtrip sa akin ng husto ay ung mag-syota na katabi ko sa jeep. PDA kung PDA taena talaga kulang na lang maghalikan sa harap ng 14 na pasahero, OO binilang ko talaga dahil sisigawan ko na ung barker o dispatcher ba tawag dun kung magtatawag pa sya ng pang labing pito. Sino ba ang hindi maiinis sa mga mag-kasintahang PDA na masyado utang na loob pasado alas-diyes na ng gabi ang taas pa rin ng energy nila kung maghagikgikan todo kung magyakapan sobra. Hindi ko naman sinasabi na bawal nilang gawin yun pero sana nasa lugar naman. Pag ganitong 9 na oras akong nagaaral at nagagalit na ang tiyan ko sa gutom nagiging halimaw din ako. Siniksik ko talaga yung babae dahil wala syang tigil ng kakakendeng eh anak ng tupa ang sikip na kaya tapos ang likot likot pa nya. Hindi na napigilan nung isang manong sabi “Neng, wag kayo masyadong maingay” sabi ko sa sarili ” Salamat Manong :) ” pero ang gaga at gago hindi pa rin tumigil cge lang tuloy pa rin sila. Nag-salita na ako “Miss, likot nyo. Kung di nyo napapansin. ” ang mukha ko talaga parang kahit anong oras mananapak na. ayun tumahimik ang boba. Bumaba sila bigla sa ewan ko kung yun ba dapat ang bababaan nila. Hay, tahimik na ang byahe namin ayos na nakauwi ako ng matiwasay. Pag dating ko sa bahay ay shet wala akong susi, kakatok pa lang ako binuksan na ng kasama namin kaya pala, andun din ang syota nya kaya gising pa. Pagkita ko sa kusina, ayos wala ng ulam, sabi ko na lang iorder nya ako sa tapat ng tapsilog, ok raw, nauuhaw ako, anak ng teteng walang tubig na malamig, nagdefrost daw sya, sabi ko naman “ah okey” kumuha ako ng twalya at lagkit na lagkit na ako talaga baka sakali mawala ang gutom at inis ko pag naligo ako ulit, putang ina walang tubiggggggg! sory sa mga words pero di ko na lang talaga matiis. Kung mamalasin ka nga naman. Tiniis ko pa rin sabi ko sa syota nya kung pwede pakibuksan ang tangke ng tubig (basta para magkaroon ng tubig) oo alam nya daw, nagpahinga ako saglit hinintay na magkaroon ng tubig sa tangke bago ako naligo. Nabawasan ang pagkabagot ko, naibsan kahit pano ang inis ko at pagkasuklam ko sa PDA na mag-syota. Dumating ung kasamahan namin sa bahay, umupo na ako, kumuha na sya ng tubig kahit di malamig, sabi ko okey na Ate ako na lang. Ay pambihira nga naman Longsilog ang inorder pucha ano to agahan?! di na ako nagreklamo, kinain ko na lang, hindi na ako kumibo, pag tapos ko nagtooth-brush tapos pumanik na ako sa kwarto ko at ito agad hinarap ko. Hay ayos na kahit pano gumaan na pakiramdam ko. Matutulog na rin ako. Maaga pa ako bukas,

 Kay ChiLL na may gig bukas ng gabi

pasensya na huh, gusto ko talaga kaya lang hindi talaga ako pwede babawi kami ni mare sa susunod dahil alam namin na msusundan pa yan. Mahal ka namin saka proud kami sa’yo :) sana maivideo ng mga mkakapunta para mapnuod din namin kahit wala kami dun, rest assured na nandun ang puso namin, nakasuporta (hahaha OA na) kabush!

 

Posted by yeinechan at 10:46 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment