Home » Archives » October 2008
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


mushy little thing called lovesong :D

October 31, 2008


 

 

I’ve never been so certain, I’ve never been so sure.
We’re on the side of angels,
If we believe this love is pure.
Is it so hard to trust it,
‘Cause we’ve been wrong before?
There comes a time in every life,
We find the heart we’re waiting for.
After all the might-have-beens,
The close and distant calls
After all the try-agains,
Don’t be afraid to fall
We’re on the side of angels after all.
Every time you touch me,
Don’t you feel it too?
The gentle hand that’s guiding us
You to me, me to you
After all the might-have-beens,
The close and distant calls
After all the try-agains,
Don’t be afraid to fall
We’re on the side of angels after all.
Heaven only knows
Why this took so long
But only Heaven knows
A love is right or wrong
After all the might-have-beens,
The close and distant calls
After all the try-agains,
Don’t be afraid to fall
We’re on the side of angels,
On the side of angels,
On the side of angels, after all.

  ***nagtataka kau bakit ung ibang words naka-bold tapos ang laki ng fontsize hehe actually wala lang, wala lang talaga gusto ko lang bgyan ba ng emphasis ung ganun hehe nagagandahan lang ako sa song na yan kinakanta ko ng paulit ulit kahit hindi kagandahan ang boses ko harhar. that song makes me feel good. parang kanta sa mga new-found love ung ganun ung pakiramdam na “un na talaga un” kahit di pa nangyayari sa akin yan ayos lang twenteen-one palang naman ako haha magtwenteen-two na wag na angal maganda sa pandinig ko hehe. it is a song for me na nakakauplift ng spirit, a song of hope and waiting. I’ve always believe in angels, i read a book pa nga about them from my good friend Ces di ko lang maalala ung title hehe pero naniniwala talaga ako***

u can watch nights in rodanthe in movie haus pala wahahaha! ( si kooonin kasi pinahamak ako haha!) it was a very nice movie. sorry guys (mykee en bloom) hindi ko kau kasama ngwatch feeling ko kasi i need to watch that movie after ng speaking exam ko hehe parang nadrain ako eh kaya after nun sugod na ako para magwatch.

ano pa ba?wala na ata. nov.1 na mamaya konti matutulog na ako haha! :)

♥yeine♥

Posted by yeinechan at 11:05 pm | permalink | comments[6]

napahiya ka?

October 28, 2008

Kagabi nagpakita ang gagu kong ex. Haha natatawa ako sa kanya kinausap pa nya ang Nanay ko tsk tsk i know my mom was just being nice to him pero sa akin tablado sya literal bumili sya ng C2 apple sa pagkakaalam ko may istorya yung dati pero sad to say nakalimutan ko na harhar! thick face ang tae sobra. Napakafeeling nya natatawa na lang ako hahaha! isa pang malutong na tawa BWAHAHAHAAHAHAHAHHAAHAHA!!!

Kung may pinagsisisihan ako sa buhay ko yun yung nasayang na dalawang taon nito. Hindi mo nga ito mababasa pero malay mo mabasa mo, masama akong tao?kung masama ako ano pa ang tawag sayo?Tanga lang ako talaga pero hindi pa ako ganun ka-boba kaya bumitaw na lang ako akala ko kasi may pag-asa pa na magbago ang ugali mo. Ano ka ba?Ano ba ang pinagmamalaki mo?Yung sasakyan mo na kung minsan, ahh hindi madalas ay ako pa ang nagpapagasolina? haha o ung pagmumukha mo na sobrang feeling mo napagwapo mo? nakakasuka nakakasuklam. You made me feel how unfortunate I am. You cheated on me twice. The third time that you did was with my Ate’s GAY bestfriend. Hindi ako nanghihinayang sa’yo ang nakakapanghinayang ung mga pagkakaibigan na hindi ko alam kung maibabalik pa ba. Marami akong nasayang na panahon sa’yo. You almost break me into half or worst into pieces. I can’t remember any good memories i had with you. Like i’ve said you no longer affect my life, tinatawanan na lang kita. Saka ung cousin mo na tumawag pa para sabihin na hindi ka masaya. hell i care. Basta ako masaya ako, alam ko na ang worth ko, naramdaman ko na kahit pa ano mangyari sa akin nandyan ang pamilya at mga tunay na kaibigan ko. Kaw ano kaya ang nahita mo? malamang WALA.

HINDI MO PALA KAILANGAN HUMINGI PA NG PATAWAD O KUNG ANO PA MAN DAHIL HINDI KA PARTE NG BUHAY KO NG BUHAY NAMIN NG PAMILYA KO. NAHIHIYA AKO. NAIINIS AKO. PERO NATATAWA AKO NA SHET ANG TANGA TANGA KO PARA PUMATOL SA ISANG LALAKI NA KAGAYA MO. PERO HIGIT SA LAHAT NAGPAPASALAMAT AKO SA DIYOS DAHIL HINDI NYA AKO HINAYAAN NA MABULOK NA IKAW ANG KASAMA KO LALO NA ANG MASUNOG PATI ANG PAGKATAO KO NG DAHIL SA’YO.

 

sa lahat : pasensya na kailangan ko lang ilabas to. nakakapikon na rin kasi. bitter ako? hindi naiirita lang ako sa dahilang ang pagpapakita nya na parang wala syang ginawang mali. i do not have anything against gay, i love them isa sila sa mga taong hinahangaan ko dahil matapang sila pero in my case kasi iba.

♥¥€ÏΝ€♥

 

 

Posted by yeinechan at 4:06 pm | permalink | comments[10]

tapos na :|

October 25, 2008

TAPOS NA ANG EXAM KO :|

HINDI AKO MAGKUKWENTO :|

Ayun lang hehe tapos na nga hindi ko na sasabihin kung nahirapan ba ako o hindi basta tapos na ayoko na lang isipin yun saka na pag may result na haha.

Sa mga nagpray salamat ng sobra talaga. Kay Fey na sinamahan ako nung first day sobrang salamat Phom :]

Napanuod ko na ung Nights in Rodanthe kahapon maganda sya syempre naiyak ako si Fey pinipigilan pa hehe. Basta mas okey ung book pero maganda rin naman at leche ang gwapo pa din ni Richard Gere hihihi kahit matanda na ng konti haha!

ito na lang muna. nakakapagod na kasi hehe gusto ko matulog na ngayon at magising na lang bukas :] hay phinga na ako. sa i.ph hindi na ata kita iiwan hehe mukhang hindi mo pa ako pinapalayas ng lubusan dito eh ui alam ko pagbibigyan mo itong entry na to na maipost ko haha ui :]

kay bloom mykee jay kooonin nadalaw ba kau dito?hehe kung oo salamat sa paglilinis ng bahay ko ng konti kay kuya kooonin salamat hehe sa pagtanggal ng agiw :] sa mga nag-tag sa akin kay belle kay chiko kay bloom saka ko na gagawin ha may time na ako ngayon

saka dun sa isang batang parang nagiging special na ata sa akin bwahaha gumaganun pa daw ako haha basta babawi ako ang ube roll ko >:]

Posted by yeinechan at 2:41 pm | permalink | comments[2]

errrr?anu daw? :D

October 13, 2008

Monday, may klase ako dapat ngayon pero nakuha ko na ang lessons na yun kaya hindi na ako pumasok ang siste maghapon nanaman ako nakasalampak sa kama kahit na alam ko na marami pa akong gagawin hehehe hello?anu ba parang hindi pa alam ng marami tamad akong bata minsan lang ako mag-sipag. 11:30 na nung bumangon ako kanina kasi nga sa Imus kami natulog kagabi, fiesta pala dun taena kami lang ata ang bahay na walang handa hahaha buti na lang friendly ang nanay ko at may friend sya dun wahahaha dun kami nagdinner sabay mahjong haha syempre ang dakila kong ama ay umuwi na sa bahay at iniwan kami mag-tricycle na lang daw kami pauwi hahaha ang bait bait talaga sobra! so ayun nga kanina pag-uwi natulog ako ulit, naglunch lang tapos balik na sa kwarto alam ko, alam ko at talagang alam ko na marami akong gagawin, i was supposed to finish all that freaking task cards. Kahit mukha na akong gaga dahil sa harap ako ng salamin nagsasalita ng mag-isa ayos lang hahaha ung mga tipong ” Describe your hometown 10 years ago” ahahaha tanong ko sagot ko ” Oh, if i were to describe my hometown 10 years ago *tooooott* di ko na alam” hahaha next question “Tell me about the recent vacation u had” sagot naman ang gaga ” the recent vacation i had was in Boracay, we stayed at Boracay Regency for 4 days. The food was great! the fine white sand blew me away *tooooott* wala na ulit hahaha. Tigil na tama na ayoko na hahaha lipat ako sa isa pang bagay na hindi ako magaling ang magsulat hahaha Writing Task 1 Graph Analysis. Familiar naman ako dito dahil kahit pano sa Community Diagnosis eh marami nito kaya lang dati bara bara na alang ang description hindi ako equipped sa mga technicalities ngayon pucha nung nalaman ko ung mga dapat at hindi dapat taena mas lalo ako nahirapan hahaha mas lalo ako nagtatagal kaya sa loob ng 2 oras naka-dalawa lang ako hahaha i should have 20mins. allotted time for the writing task 1 pero inabot ako ng 1hour. Ayoko na ulit ayoko na masakit na kamay ko kakasulat saka parang nangiinis ung kama ko parang sinasabi na masarap matulog ulit haha. Binuksan ko na ung PC sinalang ang listening tests na CD. Ung una ayos eh pero nung nagtagal hindi na!

sabi nung Girl ” Can i have your postcode?

sabi nung guy “SE 18 PB”

ang galing nakuha ko pa nung sumunod “Your date of birth”

ung guy: ” 13 july *&#%@*&^

ako: ano dawwwwww syet ano daw errrr? 

(sabi isang beses lang daw iplay gaga ba ako hahaha hindi pa naman exam kaya ulit lang ng ulit hahaha para pag nakita ko score ko ayos ma-boost ang self-esteem ko hahaha)

nakakasampu palang akong sagot nung parang ngumingiti sa akin ung yahoo msger ko hahaha para sinasabi na log-in ka tapos parang nararamdaman ko sinisipulan ako ng i.ph hahaha mag-post daw ako haha kaya eto tinigil ko na ung pag-kakapabibo kong kunwari at tumitipa na lang ako sa keyboard kong kulay itim at naglalakihang font at icon ang nasa harap ko.

Pag sinipag ako mamaya mag-aaral ako ulit promise pero syempre kakain muna ako pag masarap ang ulam at maparami syempre scientifically speaking aantukin ako, logically naman dapat pag inantok ko matutulog ka db?tama naman? so bukas na lang :D eh may pasok ako so paguwi ko na lang bukas, kaya lang pagod na ako nun hahaha so wag na lang. Tigil ko na lang db hehehe :) un lang. dinner na daw. cge ingat hahahahahaha!pota ang corny.

Posted by yeinechan at 6:25 pm | permalink | comments[8]

nabubulag ba ako? :D

October 11, 2008

Haha natatawa ako sa pc ko talaga, matapos masira ng tatlong araw pinasasaya nya ako hahaha. Nasira ang bwiset na pc na ito sa oras kung kelan kailangan na kailangan ko sya, ayos di ba may naghihintay kaya sa akin wahahaha mga kapatid ko yun hindi kung sino man. Yun nga nasira ang gagang pc ko eh dahil nga nars ako hindi ko alam kung anong merong ka-ek-ekan meron ang pc na to, susubukan ko sanang ipagawa sa kapitbahay namin kaya lang hindi ko naman maabutan. Buti na lang may KOOONIN na napakatalino hahaha nagawa nya ang pc ko kahit sa tawag lang pero bago nya ako binigyan ng instructions na gagawin ko nainip na ako kakahintay kaya nagmarunong ako hiniram ko ang matabia ba yun basta ung swiss something ng Tatay ko mukhang ayaw pa nga ipahiram kasi saan ko daw gagamitin, eh hello hindi ko naman ipapamigay yun hahaha lalong hindi ko naman paglalaruan lang db hehehe. Pagka-abot nya nun aba syempre ang kutaterang babaita na ito binuksan na ang cpu, madali lang naman saka sinuguro ko naman na hindi yun nakasaksak hehe may kukute pa naman ako kahit paano :] nabuksan ko na nga aba syet ano ba yun ang daming maliliit na ewan hehe syempre ang sabi ni kuya KOOOONIN ung memory ko daw ang may problem, anak ng tipaklong alin alin dun ang memory!!! nawalan na ako bigla ng gana iniwan ko n lang nakatiwangwang ung cpu hehehe mga 2hours na akong naghihintay biglang nagtext ang sabi “col ka na hehehe” wow naman cge na nga ako naman ang may kailangan hahaha tinawagan ko na si kuya, aba aba sermon naman agad bakit daw hindi namin sya inimbita hahaha BLOOM and I had lunch kasi sa Napoli nung nasa Morayta ako kasi dun muna ako ngreview so ayun nga hindi namin sya nasabhan hahaha sabi ko next time na lang ayun so instructions agad, sabi buksan ko daw ung cpu “aba bukas” hahaha kanina pa. hanapin ko daw ung memory dun basta hindi ko alam kung paano ko nakita, kunin ko daw tapos kumuha ako ng eraser steadler pa raw dapat tama ba ako ng spelling hahaha sosyal mongol lang meron ako! so ayun binura ko na nga, ibalik ko daw so ginawa ko naman inopen ko ung pc yes!YEZ! wala pa din :( ( wala pa dinnnn!!! aba sabi ni kuya baka daw Video Card sabi ko ano yun, tanggalin ko daw sa cpu ung vc eh hindi ko naman makita hahaha sabi nya “ay built-in” ung sa iyo. pero maya maya may nakita pa akong parang VC din sa likod sinaksak ko dun hahahaha yes yes talaga gumana na may lumalabas na sa screen ko! pero PERO ang laki ng font sobra as in parang BULAG ang may-ari hahaha wala hindi ko maayos ang display setting hinahanap ako ni kuya ng driver ba yun eh wala ako kasi pre-loaded lang ang program nito so eto pag ginagamit ko sya ang linaw haha ang laki ba naman ng mga icons eh hahaha saka ang galing bumilis ang i.ph pero hindi ako mkapagsave ng links ewan ko kung bakit hahaha! ang laki talaga kahit nakakainis natatawa na lang ako hahaha tapos ung email ko balik sa classic kasi ung bago ng yahoo mail hindi pwede sa akin kasi ung kulay mataas eh ung sa akin hindi hahaha basta hindi ko maintindihan saka ko na ipapayos ulit ang saya lang kasi nakakaikot ako ulit sa sphere saka nkakasgot na rin ako sa mga comments sa fs hahaha tulad knina nagikot ako ung kay JACK eh dahil nagulat ako sa nabasa ko nagulat talaga ako hahaha ubod ng straight forward pala nun. walang preno hehehe. kaya ako parang bumangga kanina.hinay hinay bro hehe minors are roaming around the blogsphere hehehe kailangan ng parental supervision ung sa iyo hehehe hindi ako maarte sadyang wala palang akong alam kaya yun nagulat lang ako pero napakatotoo mo magsulat, walang halong kaplastikan o takot hehe. so yun na lang muna dami pa ako babasahin nalalapit na ang oras ng pagdugo ng ilong ko! hahaha! MARE MYKEE, BLOOM, JAY super miss ko na kayo kahit kami ni bloom kakalunch lang the other day hehe!

 

♥yeine♥

Posted by yeinechan at 6:42 pm | permalink | comments[7]