Home » Post Item » :,(
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


:,(

September 22, 2008

10:40 am kakauwi ko lang hindi ako makasakay papuntang Pasay, takot nga kasi ako sumakay ng bus at sobrang punuan na talaga, umuwi na lang ako ulit. Galit ako, o mas tamang nagtatampo ako, wala naman ako kabalak-balak na magsulat sa blog ko kaya lang wala ako masabihan ng sama ng loob ko, alam ko hindi ito sasagot pabalik, o tatapikin ang braso ko pero ok lang mahalaga nailabas ko ung nasa loob ko :(

Pasensya na, kung hindi masyadong maganda ang isusulat ko dito.

Malapit kami dati ng Tatay ko, siguro nga kasi ako ang bunso, pero ngayon palagi na kaming nagtatalo. Ayoko sumama ang imahe ng tatay ko sa ibang tao na makakabasa nito pero eto ang nararamdaman ko. Nagtatampo ako siguro pero mas tamang sabhin na naghihinanakit na ako.

Respeto. Lahat ng tao dapat meron nyan, bata ka man o matanda ka, may sakit o wala. May sakit ang tatay ko, Diabetes. hindi ko alam kung dahilan ba ito ng pagbabago ng ugali nya. Laging nakaangal sa amin lalo na sa Nanay ko. Laging nakasigaw, mabibilang ko na lang sa darili ko ang mga pagkakataon kung saan nagtawanan kami. Akala nyo lang masaya kami, na ayos kami. MALI ka.

Na-iinggit ako, lalo na sa Tatay ng mga kaklase ko sa kolehiyo, sobra ang binibigay nilang suporta sa mga anak nila. kapag malayo ang Duty kahit hindi man sila ihatid ng magarang sasakyan sinasamahan pa din sila. Sinusundo pa nga kung minsan. Umiiyak ako hanggang ngayon, magkukulong sa kwarto dahil nasaktan nanaman ako kanina, mas masakit talaga ang salita kaysa sa pisikal na pananakit, parang tarak sa puso. Hindi ko na mapigil ang luha ko kanina sa harap nya. Kung alam lang nya kung ano ang muntik mangyari sa akin sa sakayan kanina, humahabol ako sa bus halos mag-dadalwang oras na akong nakatayo. Huli na ako sa klase ko kaya minabuti ko na lang na umuwi, naiiyak na ako dahil muntik na akong masagi ng motor kanina hindi ko kasi nakita pero ayos lang, naisip ko susubukan ko syang kausapin baka pwede na ako ihatid tuwing umaga lang naman ako na bahala umuwi, pero wala nabulyawan lang ako.

Nung kumuha ako ng board exam hindi sya ang naghatid sa akin, hinayaan nya na tatay ng isa kong kaibgan ang maghatid sa akin kahit pa mag-kaiba kami ng eskwelahan ng pagkukunan ng eksamen, hinatid pa rin ako ng tatay ng kaibgan ko. Dalawang araw yun. Ung iba nakikita ko pa hinihintay nila ung anak nila ng lumabas ng kwarto at hahainan ng tanghalian.

“i wish i had a different father” un ang nasa isip ko ngayon. Mali yan alam ko, pero un ang nararamdaman ko ngayon. Ung ang gusto kong isigaw sa kanya kanina. Gusto ko syang intindihin, pero hindi ko makita sa akin ang kahit isang butil ng pang-unawa. Namumugto na ang mata, gustuhin ko man pumasok wala akong magagawa, bukas hindi ko alam kung papano pero bahala na.

Posted by yeinechan at 10:42 am | permalink

Previous Comments

dont feel that way mare, in times, our parents dint mean to be like that, kaso due to their age and experience, minsan nagagawa nila yung mga bagay na yun ng hindi nila sinasadya. as a loving anak, intindihin mo na lang, wag ka na magtampo sa kanya. im sure mahal na mahal ka ni tatay :) si mama ko nga lagi rin ganun kasi nga sa age nya (na hindi naman ganun katanda) kase hypertensive nga sya, im sure hindi din nila gusto na ganun ang mangyare. hugs mare

Posted by Myk2ts at September 22, 2008, 1:06 pm

hug hug yeinie mih dear! :) lab lab ka ni chelle.. :)

Posted by chelle at September 22, 2008, 8:47 pm

@mare lam ko un mare kaya lang i was very hurt kanina. pero dont worry i know mkakapasok ako bukas hahanap ng paraan :) lovu

Posted by yeinechan at September 22, 2008, 9:56 pm

@chellie hehehe lab lab din kita, ok lang ako..papalamig lang kaming dalawa ni dad.

Posted by yeinechan at September 22, 2008, 9:57 pm

ang ibig sabihin ni mykee, “im sure mahal na mahal ka ni tatay. secret nga lang nya yon kaya hindi halata” :D

ang sad naman ng entry mo. kung pwede lang ipalit tatay ko sa tatay mo eh kaso sobrang luv ko tatay ko kaya d pwede. ung tatay ni bloom na lang haha.

wag ka na sad ha? magpasalamat ka pa at may tatay ka. ung iba jan, wala nang tatay, wala pang nanay, at silang naulilang magkakapatid ay nakikitira sa mga tito’t tita nila bilang mga utusan.

malay mo tinuturuan ka lang pala nyang maging independent. malay mo rin, bilang peace offering, pasalubungan ka nya bukas ng bulilit burger haha.

Posted by kuyanin at September 23, 2008, 3:10 am

@kuya hmmm nagpapasalamat naman ako kuya..pero ito talaga yung nararamdaman ko. ayos n kami ngayon, parang wala namang nangyari, wala lang sa kanya yun hahaha :D lab ako ng Tatay ko kahit hindi halata :)

Posted by yeinechan at September 23, 2008, 6:38 pm

i really can feel you.. :( ung father ko rin meron diabetes.. sobrang drastic ung changes sknya. ayun palaging mainit ulo at laging nakasigaw.. ang sbi nung doctor meron daw epekto sknya ung skit nya becoz of the meds na tinetake nya.. cguro much better if intindihin mo na lng kc i truly believe na ndi nya un sinasadya.. same thing with my father.. instead na mgalit or mgtanim ako ng sama ng loob hinahyaan ko na lng kc nga konting pnhon na lng ilalagi nya sa mundo so I just might as well take care of him and stretch my patience ng bonggang bongga! :)

patience my sweet.. your father loves you!

Posted by sp00fed at October 7, 2008, 8:59 pm

@spoofed yun nga ginagawa ku te hehe ayos naman kmi pag sumisigaw hindi na ako kumikibo, bunso pa din aku kaya hindi nya rin aku matiis kung minsan :)

Posted by yeinechan at October 8, 2008, 1:23 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment