Home » Post Item » Ang Paborito Kong Unan Bow :]
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


Ang Paborito Kong Unan Bow :]

September 20, 2008

Ang alam ko October 26 ako mag-uupdate pero dahil ang schedule ko ngayon sa review ay mock exam agad aba hindi nanaman ako pumasok -ngisi- hehehe naman ano ang isasagot ko dun kahit isnag lecture sa grammar o listening and writing skills eh wala pa si yeine kaya Monday na talaga ang pasok ko share ko schedule ko sa lunes para humaba ang post ko na ito :D ay, oo nga pala, sadyang nangati ang kamay ko magsulat ngayon :]

 Sept. 22 Monday

9am-12nn - Speaking Lecture

1pm- 4pm - Listening Lecture

6pm-9pm - Writing Task 2 Lecture

Hindi ako papasok ng 6pm-9pm uulitin pa naman ang lecture na yan ng mas maaga, hindi ko rin kaya magbiyahe ng gabi na masyado kaya 9am-4pm ang schedule ko mon-sat. okay magkwento na ako tungkot sa paborito kong unan ayos ba yun? kung oo, maari mong ituloy ang pagbabasa kung hindi naman tumigil ka na sa pangungusap na ito hehehe madali naman ako kausap :]

May paborito ka bang unan? ung hindi pwedeng hindi mo dadalhin kahit saan? Ako meron, unan ko na yun simula pa nung 7years old ako eh bente-uno na ako ngayon, malamang 14 years na syang nasa tabi ko :] Hindi ko nadadala ang paborito kong unan palagi dahil nga malaki sya kaya kung minsan lalo na kung malayo ang duty ko naiiwan sya magisa sa kwarto ko kasama ng iba ko pang unan. Ayaw na ayaw ko na nilalabhan ni Ate Susan ang punda nya hindi ko alam kung bakit MABAHO BA ITO? hahaha para sa akin hindi pero sa kapatid ko at kay spiderearl OO! nakakadiri ba? hindi ko alam eh basta gusto ko ganun sya, minsan binili sya ng nanay ko ng isa pang damit dahil kailangan ko na raw palitan at nangungupas na ang kulay, hindi ako umimik binigay nya na lang sa akin isang tanghali ung bagong punda unan, at hanggang ngayon hindi ko pa din sya ginagamit >:] attached na ako sa UNAN na yun? OO, bukod kay shobe na paborito kong aso ung UNAN na yun ang pangalawang saksi sa pagtanda ko, ang UNAN na yun ang nkakaalam ng mga sentimyento ko sa buhay, ang UNAN na yun ang sumasalo ng luha ko kapag malungkot ako o kung minsan ng laway ko kapag tulog na ako hehehe :]

Katulad ito ng taong naging bahagi na ng buhay mo, ayaw mong palitan gusto mo laging kasama, gusto mo lagi mong katabi kahit na hindi maganda ang amoy nya hindi mo alintana basta masaya ka dahil nandyan sya. Ngayon lang pinalitan ko ang punda ng UNAN ko, bagong kulay, mabangong amoy, bagong itsura, nilagay ko sa maruming damit ung isa, papalabhan ko bukas, at itatago ko muna. Hindi ko alam bakit inaawitan ako ni spider earl sa UNAN na ito pero ibibigay ko na ito sa kanya bukas.

Ung taong nakasanayan mo ng kasama baka gusto nya magbago? madalas kasi nating sabhin sa taong mahal natin ” wag ka magbabago huh” hindi naman yun pwede hayaan mo sya, kung magbago man ang gusto nya sa pananamit hayaan mo sya. Kung magbago man ang panlasa nya sa pagkain hainan mo sya ng iba, kung magbago rin naman sya ng nararamdaman sa’yo may magagawa ka ba? Lahat ng tao nagbabago, kahit ako o kahit ikaw, nagbabago ang pamantayan natin sa pagpili ng makakasama sa buhay, nagbabago ang mga pangarap natin. Ung tao naman na gusto ng umalis sa buhay mo pabayaan mo na rin, ibigay mo n rin sa iba lalo na kung pagod na pagod ka na at sobra ka ng nasasaktan. bka sakali nagbgo na rin ang nararamdaman nila, o nagbago narin ang gusto nilang makasama, masakit yun pero ganun talaga, kailangan mo masaktan para malaman mo na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi pangmatagalan, para rin maisip mo na may mga bagay na hindi mo kayang panghawakan habangbuhay.  

 

Pinili ko ibigay ang paborito kong unan, pinili ko rin na palitan ang punda nito. Bibili na lang ako ng panibago kapag nagka-oras ako o mas maganda kung mag-hihintay ako ng isang tao na magbibigay sa akin ng isa ulit na UNAN na magiging PABORITO ko :]

Posted by yeinechan at 10:59 pm | permalink

Previous Comments

nga pala san ang review mo for IELTS?

Posted by jep at September 22, 2008, 6:46 pm

@jepjep sa edsa-taft po ako ikaw?

Posted by yeinechan at September 22, 2008, 9:52 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment