Home » Post Item » never go BACK!
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


never go BACK!

September 10, 2008

Tama na ang pag-eemote ko tapos na tigil na haha! buti na lang nakakatawa ang nangyari sa lakad namin ni FEY kanina, ibang klase, iba talaga.

Bilang isang nars na nangangarap pumunta sa ibang bansa marami pa akong eksamen na dapat kunin, hindi nyo naman kasi masisisi ang mga nars kung sa ibang bansa gusto magtrabaho, ayoko naman maging impokrita ako na ayaw kong kumita ng malaki, gaya nga ng sabi ng isang artista sa isang pelikulang hindi ko na matandaan “hindi mo masisisi ang mga Pilipino na nangangarap ng magandang buhay!” hahaha echoz si Vilma Santos yan sa ANAK ata hehe. Ayun nga, wala naman kasi akong makuhang trabaho kahit na nga nagbobuluntaryo na ako o kung minsan pa nga kami pa ang nagbabayad sa mga hospital (takte n yan hehe!) una wala akong makita kasi hindi pa naman ako naghahanap hahaha! gusto ko lang talaga tapusin ang mga kailangan ko pang tapusin para matapos na nga lahat (gulo!) tapos magtatrabaho na ako sa kahit saang hospital. Una kong inayos ang IELTS ko english exam yun kaya paduguan na ng ilong ang labanan hahaha. I need to file my application sa idP sa MAKATI. eto na nagsimula na ang sangkatutak na katatawanan!

Sabi ng kapatid kong nagtatrabaho sa Dublin, IELTS ang kailangan ng hospital nila so ako naman okay na agad, habang hinihintay ko ang eligibility ko sa NCLEX yun muna uunahin ko. Sa madali’t sabi nagtungo na nga kami sa MAKATI. Kasama ko ang lagi ko namang kasama na si Fey, 8am nagkita na kami sa Talaba iniisip ko pa lang na sasakay ako ng bus nagdadalawang isip na ako hahaha db nga takot ako sumakay sa bus sa dahilan na nasabi ko na. Pero cge hintay pa rin kami ng bus, punuan na, hanggang sa mapapansin mo na nauubos na ang mga pasahero na naghihintay hahaha pero sabi ko taxi na lang kami hanggang PASAY-MRT so shoot okay na pag dating namin sa PASAY grabe ang traffic pati ang ulan, dugyot na kami sigurado pag dating sa makati haha, ayos lang yun, unang station ng MRT ang pasay db, tapos bababa lang kami sa ayala ayos na, ay anak ng tipaklong hindi pala hindiiiiii!!!!

AYALA STATION

Fey : dito na tayo.

Ako : ay oo cge maglalakad tayo?

Fey : oo, basta sabi ni mama may sakayan sa may petron ng Paseo de Roxas.

Ako : cge cge

Nasa escalator palang kami biglang narinig namin ang kantang Bleeding Love wuhahahaha hindi kasi kilala ni Fey si Leona Lewis eh ako naman sinusuka ko na yung kanta na yun hahaha ayos soundtrip pa pala pag nasa Ayala Station ka haha.

Lakad, walang katapusang lakad, lakad kami ng lakad puro lakad ang ginawa namin, masakit na sa paa pero tumatawa pa kami, sabi ni FEY “sumabay na lang tayo sa agos ng tao” aba ano kaya yun maglalakad kami ng maglalakad ni hindi namin alam kung saan kami tutungo haha nagtanong na kami sa gwardya

UNANG GWARDIYA

(MARAMI PA KAMING GWARDYA NA PINATANUNGAN HAHA! HINDI KO NA LANG ISINAMA :])

Fey : Kuya saan dito sakayan ng Paseo de Roxas?

Manong : ahh dyan diretso lang.

eh parang bangag naman si manong ang linaw ng direksyon na ibinigay oh, diretso lang!

lakad lakad pa rin kami, magulo pala dun, fast track, may tumatakbo, lahat nakabihis, may nakashades wala namang araw bwahaha may mga naglalakihang hikaw, bags na peke mga ganyan haha. yun ung mga napansin ko, wala akong makitang bahay, puros building na ubod ng tataas, mga taxi madalang ang jeep, maraming restau, dikit dikit ang mall, ganun pala ang makati. Anyway lakad pa rin kami. basta mahaba mahaba talaga nung parang nwawalan na ako ng pag-asa aba tumawag na ako kay MYK2ts na batang pulubi ng makati hahaha.

Ako : helo?mare gising ka na?

Myk : oo mare, bakit?

Ako : NALILIGAW NA KAMI! x[

Myk : huh saan na kau lugar?

Ako : (linga-linga) sa may landmark basta dito.

Myk : saan ba kayo pupunta mare?

Ako : Pseo de Roxas Legaspi Village

Myk : ahh sakay na kayo ng cab alam ng mga driver yan, sabihin mo lang legaspi village.

Ako : okie okie thanks mare, sasakay na kami ng cab (kasi naman yeine pilitan ba hanapin ang terminal ng jeep!)

Habang nasa taxi kinunan ko na ang litrato ng lugar sa labas wala lang baka hindi nyo tapusin kung wala man lang picshur eh hahaha!

                                       

ayan ayan lang naman hehehe so nakarating nga kami sa idP sa wakas :] nag-file ako ng anikanik dun, kasama na rin ang hindi inaaasahan na pagdugo ng ilong ko dahil sa nakasabay ko kuntodo-english eh hello? allowed pa kaya magtagalog wahaha! pero hindi nagpatalo ang front desk officer kaya yun habang katabi ko sila tahimik akong nagtatanong about dun sa form ko hehehe. Saglit lang ako dun mabilis lang, naghintay na ulit kami ng taxi pabalik sa ayala station.

SA AYALA STATION ULIT

Dirediretso kami sa loob ung bilihan pala ng ticket nasa labas pa wahaaha sabi nung guard “sablay kayo dun muna kau bumili ng ticket sa labas” sabi ko naman ” Sorry bago lang eh!” pumila na ako para bumili ng tixket pabalik ng Taft. Sa pila may mga hindi ko maintindihan kung bakla ba o nagbabaklaan basta nagulat ako sa kanila hehehe nahingi sila ng donation sa Red Cross ata yun so nagbigay naman ako kung hindi man un totoo bahala na sila dalhin yun hehe.

Ako : Fey, di kb nauuhaw?

Fey : Hindi naman kaw?

Ako : Medyo (may nakita na stall na may ice-tea, naglabas agad ng 100 kasi gusto ko ng bumili!)

Ako : Kuya magkano ice tea nyo?

Pinagtanungan ni YEINE : huh? Naku ma’am hindi po for sale yan para po yan sa mga applicants -nakangisi-

powtek! malay ko ba hahaha sabi ko sorry hindi na kasi ako nagbasa hahaha sa lakad kami ayun nakabili kami ng mineral water bago kami pumasok sa MRT station.

MISMONG STATION

Arrow LEFT - TAFT

Arrow RIGHT - MONUMENTO

Syempre left kami db kaya bumaba na kami ng hagdan sakto sakto pwede na kaming sumakay pero parang pakiramdam namin mali kami hahaha hindi kami sumakay pumanik ulit kami para magtanong hahaha ehh ang tass ng hagdan mamamatay na ako sa hingal hahaha pag panik namin at nagtanong sus tama pala kami hahaha tanga tanga talaga!

Mahaba pa mga nangyari nagpunta sa review center kaya magstart na ako sa lunes pero bukas sabi ko orientation ching ko lang un hahaha! nung pauwi na kami ang nasakyan namin TAGAYTAY/CALATAGAN dadaan un ng talaba kaya lang ang lakas ng ulan eh nung sasakay na kami medyo baha ehh naka-chucks si Fey ako naman nakaslippers lang hehehe pasugod na sana kami sa baha naglalakad na kami ng biglang umandar hahaha anu ba naman kasi dadaan pala un sa pwesto namin kanina excited lang kami hahaha pagsakay namin taena talaga grabe ung aircon!!! sobra sobra ung balahibo ni fey hindi na bumaba ung goosebumps nya hindi na rin naglaho parang ung pagnatatate ka bwahahaha pero ung kanya sa lamig.

SA BUS

Fey : Bakit dito ang daan?

Ako : ay ewan ko mali ba tayo ng nasakyan?

Fey : hala baka hindi to dadaan sa atin?

Ako : naku sa calatagan tayo mapupunta!!!

Ung GUY sa tapat : (intrimidido) -natatawa- dadaan to sa talaba miss

Ung GIRL sa tabi : -nakangisi din- Umikot lang po tayo

Ako : ahh okey. (deadma pero relieved n ako haha)

Fey : (tawa ng tawa)

Pagbaba namin sa bus sa talaba ay sus ang lakas uber kaduper ng ulan as in bumagbagyo na nga talaga hahaha! sobra talga basta sobra. Nagbukas ng payong si Fey tatawid kasi kami tapos sasakay ng jeep may narinig kami “miss sukob muna kayo” eh nagmamadali na talaga kami nung nasa gitna kami ng kalsada ipinahiya kami ng munting payong ni Fey!!! ayan oh ganyan ang nangyari sa kanya

 

Wasak bali bali hahaha kaya basa kami ng ulan narinig pa namin ung manong na nagsabi na sumukob muna kami “ayan kasi -sabay tawa” ung mokong na yun pati mga tao sa jeep na nasakyan namin tumatawa! anak ng tinapay na panis ano kaya yun, bukod sa mukhang tanga itsura namin nakakatawa ba na masiraan ka ng payong sa gitna ng malakas na hangin at ulan aba aba naman syempre OO noh! kahit ako matatawa ako lalo na kung katuld ng itsura nmin ni fey na gulo gulo ang buhok at basang basa na kaya sumabay na lang kami ng tawa sa mga tao sa loob ng jeep hehehe!

HINDI NA AKO BABALIK NG MAKATI

JOKE LANG HINDI PWEDE KASI KAILANGN KO BUMALIK :|

ang haba nuh, wala akong gana nyan kagbi pa ako nagiinarte sa mga kaibigan ko eh hehehe. Ang haba ng kwento ko pero tinatamad ako nyan, inumpisahan ko ito kagbi pero hindi ko natapos, ngayong umaga lang kasi ang aga aga nangsing ng tatay ko maglinis ba ng bubong?!? naku naman ayun nagsing ako ingay kaya ng tatay. hindi na ako matutulog ulit (Princess Sarah pa palabas sa Cinema One kasalukuyan kinakausap nya ung Daga) anu ba naman ito!!! hahahaha cge ingat kayo sa araw nyo :] excited na ako bukas hahah!

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 9:02 pm | permalink

Previous Comments

ganun talaga ang buhay kailangan maligaw para matuto. anu daw? haha. ganun pala yung sa Makati noh kala ko nasa Hongkong lang ako puro buildings haha! inosente.
Keep bleeding,keep bleeding love! haha!

Posted by Fey at September 11, 2008, 10:40 am

hahahaha! whew,.. mukang napagod ka a…
ako rin e .. nagbasa lang ako napagod na ko.. ikaw pa! haha

nga pala, sa susunod isama mo ko.. ako yung tour guide mo sa makati…. hahahaha…

samahan kitang magtanong tanong! hahah

Posted by ronturon at September 11, 2008, 2:32 pm

Dang haba naman ng istorya mo! haha. andaming karakters na involved. Lintek na bus yan umikot pa para mamili ng talaba hahaha!

Posted by kooonin at September 12, 2008, 6:48 am

waaaahhh! next time tlane sama mo kami ni xen di kayo maliligaw ahihihihi^_^

Posted by jbernadine at September 12, 2008, 8:48 pm

@fey ayos ahh dapat gumaganon ka?hehehe! need ko ata bumalik sa IdP eh :(

Posted by yeinechan at September 16, 2008, 7:16 am

@ ronturon oi oi hehehe! xaxama kita ron para libre ako sa lhat hahaha!

Posted by yeinechan at September 16, 2008, 7:17 am

@kooonin kuya hindi umikot ung bus para bumili ng talaba hahaha basta umikot pa un na un hehehe ung talaba pangalan un ng lugar sa amin hehehe kaw talaga :D

Posted by yeinechan at September 16, 2008, 7:18 am

@bujoy next tym tlga kau ni xen isasama ko hehehe! para mas masaya! mas dami dami revelations hihihihi :D

Posted by yeinechan at September 16, 2008, 7:18 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment