Home » Post Item » mum en dad :]
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


mum en dad :]

September 5, 2008

    Isa sa pinakamasayang gising ko ang umaga na to, tama, kakauwi lang namin, galing saan?alam nyo na yun, bakit thursday night kami natulog dun?aba, mag-nininang sa kasal ang nanay ko hehehe bukas sabado eh kung mamaya pa kami matutulog dun magagahol sya sa pag-aayos bukas 9am kasi ang kasal :]

Bakit masaya ang araw na to? hahaha! may kwento kasi ako natutuwa lang ako sa nangyaring conversation between my mum and dad kaninang umaga, pupungas pungas pa nga ako eh kasi before 6 ginising na ako ni Ate Susan para magbreakfast ng maaga pati sina spiderearl at ate mhay, so after breakfast at magtoothbrush lumabas na ako para tingnan ko kung may bulaklak na ulit ang Camia namin kasi kagabi meron na! grabe ang bango sobra, tuwang tuwa ako mababaw lang naman kasi kaligayahan ko hahaha, iba ang kasiyahan na binigay sa akin ng pamumulaklak ng Camia, gusto mo makita? ito kagabi ko ito kinuhanan :]

 
  
 

Naishare ko lang ung about sa Camia hehe, oh eto na, sa pamilya namin, lalaki lang ang pwedeng magmaneho at humawak ng sasakyan, yun ang sabi ng tatay ko hehe, eh apat kaming magkakapatid na babae so pag nandito sa Pilipinas ang mga kapatid ko hindi sila pwede magmaneho :] kahit pa ang nanay ko. Ang nanay ko ay meron valid california license dahil 10 years sya sa states, isa syang supervisor sa epson before na naisipan magsettle down dito sa Pinas at ibenta ang bahay namin sa long beach pati ang sasakyan nya, pero magmula nung umuwi sya dito hindi na sya nakapagmaneho dahil ayaw nga ng tatay ko hehehe. may picture din sila ano ka ba?haha teka muna iupload ko pa :]

  

Usapan nila kanina

(nakasakay na sa Van ako, si ate mhay, ate susan, at spiderearl)

Mommy : Wala pa si Dad? teka teka ako magdrive hanggang sa Guardhouse (sabay ngisi sa amin)

ako : huh?aba my, dalian mo daliiii! andyan na si dad sumakay ka na (kinakabahan kasi hindi pa kami ipinagmamaneho ng mamy, sanay ako kay dad hahaha pero let mum give it a shot :] and we’ll see haha)

Ate Mhay : cge na my, dalian mo hehe andyan na daddy palabas na ng gate.

(si Mamy nakasakay na sabay dating ni Dad)

Dad : Oi my, bumaba ka dyan ano ginagawa mo dyan?

ako : hayaan mo na ang mommy dad, hanggang guardhouse lang (sabay ngiti may kinakain pa ako na tasty haha)

Dad : huh? (pero sumakay na din katabi ko)

Mommy : Yes, Here we go -ngiti pa din sya haha!-

(Nung paliko na kami sa unang Kanto aba aba magaling smooth, maayos, walang kaba kaba halatang sanay, madalas sya matikitan sa free way dati pero over speeding naman hahah kaya kampante na rin kami, isa pa ulit kanto malapit na kami sa Central Park, parang naririnig ko bumubulong si daddy “mamamatay” napatingin ako eto na kasunod n nangyari)

Mommy : (liliko na ng biglang) ay tumigil.

Dad : sabi ko na mamamatay ang makina hahaha! baba ka na dyan ako na haha!!!

ako : haha si daddy nananalangin kanina my, sabi nya mamamatay hahaha ayun kaya namatay hahaha.

Mommy : eh wala pa nga ako sa guard house eh :(

Daddy : hahaha (lumabas n ng Van at pinalitan si Mommy)

Mommy : (nakasimangot) ang gara naman nyan.

Daddy : hahaha kita mo ung hand break mo hindi pa nakasagad oh, (inayos ang hand break) saka wag mo na ilalagay sa park sa neutral na lang hahaha.

kami : (tumatawa na!)

ako : my, next week magdrive ka sa buong subdivision ubusin mo ang gas kahit magpabalik balik ka pa hahaha!

Mommy : cge cge nga nak, gagawin ko yan -nakangiti na- kain ka nanaman ng kain! db naubos muna yung isa n ginawa ni Susan?

ako : tira ni spiderearl to :D

Nakakatawa talaga, biglang namatay hahahah buti wala sasakyan sa likod at tulog pa halos ang mga tao hahaha hindi nila napanuod ang eksena ng mga mamy na pinipilit sya pa din magdrive hahaha nasa gita pa naman kami ewan ko kung may nagising sa tawa namin, ayos lang yun hehehe. O sya 7:32 na matutulog na ako ulit, papagroom pa mga pupz mamaya, saka si yuna mukhang matamlay :( pinainom ko na ng gamot sana kumain na sya mamaya, Okey okey tulugan na ulit :]

 

Posted by yeinechan at 6:56 am | permalink

Previous Comments

awww.. sweet sweet naman ni daddy! ayan yeine. ahahahha. nipagalitan ka ni tita! kain ka daw ng kain! ahahahaha.. shet! :) ) ahahahaha. :p kaseeee.. hahaha.. may balak ka bang habulin ang katabaan ko huh? ahahahah

Posted by bloom at September 5, 2008, 1:06 pm

what a happy family. im jealous! =(

Posted by aisheru at September 5, 2008, 2:21 pm

@bloom hahaha anu ka baaa sinabi na na mas mtaba ako eh grrr hehehe lablab bloom.

Posted by yeinechan at September 5, 2008, 8:01 pm

thanks sa komento aisheru, pero u dont need to be jealous naman hehehe, we have imperfections pa rin :]

Posted by yeinechan at September 5, 2008, 8:02 pm

suweeet ng family. natutuwa ako mare…haha kain daw ikaw ng kain… naku penge ng tasty!!!! :p lovelove

Posted by Myk2ts at September 6, 2008, 12:07 pm

@mare hehehe kain nga ako ng kain kaya ako lumba lumba na eh hahaha

Posted by yeinechan at September 7, 2008, 10:25 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment