Home » Post Item » wala akong maisulat.
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


wala akong maisulat.

September 1, 2008

Kanina pa ako nagiisip ng magandang ikwento eh, pero eto nanaman ako wala akong maisip haha. kinakalawang na ang utak ko. Hindi ako badtrip, may isang bagay lang na bumabagabag sa akin. Yung mga kaibigan kong malapit sa akin alam yun. Hindi ko na yun ikukuwento dito. Yun nga, wala akong maisulat na matino. Wala kasi nangyari sa araw ko bukod sa naiirita ako sa sobrang init kanina. ( sa wala akong maisulat na press ko ung shift button ng 5 times hehehe lumabas ung “stickykeys”) sabi ko na wala talaga akong mapipiga. Pipilitin ko nanaman tapusin itong naumpisahan ko na. Wala rin naman kasing papatunghan ito kaya uulitin ko pipilitin ko na lang.

Nung 2nd year highschool ako may naikwento ang adviser namin. 385 dolls, yun ang pagkakaalala ko sa title. Hindi ko na matandaan kung tama ba yun. O baka nga alam nyo na ang kwento nun. Kumalat na ang istorya na yun sa email at nagulat ako isa na syang ipinoforward na text msg. Mahaba sya pero napaikla at napagkasya sa 3msges sa text. Nung una kong marinig ang istorya sobra akong nalungkot at marami rin sa amin ang napaiyak. Palasak na ang istorya na yun ngaun, marami na ang nakabasa, marami na ang nagkomento, marami na rin ang nagbago ng ilang parte nito. Kelan lang kasi nakatanggap nanaman kasi ako ng mensahe sa kwento na yun. Hindi na ako gaanong nalungkot kasi nga alam ko na ang kinahinatnan ng istorya. Naisip ko lang, bakit ganon noh?

bakit may mga bagay na hindi mo kayang bigkasin, hindi mo kayang sabihin. ayaw mamutawi sa bibig mo ang mga salita. nagdalawang isip ka pa :|

Iniisip ko bakit kaya ganun, hindi ko masabi kung naniniwala ako sa kasabihang

“some things are better left unsaid”

tama ba ito? kasi ako, may isang tao na marami akong gustong sabihin. Wala lang talaga akong lakas ng luob sabihin yun, pakiramdam ko mas ayos nga na hindi ko na lang sabihin eh.

pero minsan hindi din maganda eh, minsan hindi rin okey na kinikimkim mo na lang.

sometimes its much better to burst it out.

 

Pero sa tingin ko ngayon, dapat manimbang ka, kung sasabihin mo ano na pagkatapos nun. dapat alam mo pwedeng mangyari kapag sinabi mo ang mga bagay na gusto mong sabihin sa isang tao. Handa ka ba sa maririnig mong sagot. o mas tama bang tanungin ko handa ka ba kung mas pipilian nyang wag ng sumagot pa sa mga sinabi mo, mtatanggap mo ba na “he would just walk away?” o ang mas masakit na to na “he won’t even bother to listen?”

Isang tanong pa, karuwagan ba ang pagpili na wag na lang sabihin? kung oo,

aminado ako duwag ako.

sa mga hindi pa nakakabasa wala akong kopya eh. hehe niresearch ko sa net pero hindi ko din makita o tamad talaga akong hanapin, nadiscouraged kasi ako nung hinanap ko 385 dolls, mga lumabas 385 haunted dolls, naman natakot ako hindi ko na itinuloy hahaha. yun lang. wala na ako maisip na idagidag pa dito. tuyo na utak ko eh. saka nagutom din pala ako kasama na rin na naiihi ako haha. tapos nagkukulitan pa kami ni bloom sa ym lalo na ako nwala sa sinusulat ko baliw ba naman kausapin mo eh hehe.

 

 

 

Posted by yeinechan at 9:50 pm | permalink

Previous Comments

hooooooooooooooooooooooooooooy! :) ) magkita na tayooooo! ahahahahaha.. hanap tayo dorm! :)

Posted by bloom at September 2, 2008, 2:30 pm

andami mo namang saloobin he he. akala ko pa naman wala kang mai post

Posted by abou at September 2, 2008, 8:24 pm

@abou hahahaha salamt bumabalik ka pa din dito hehehe nkikichismis ka noh!?hehehe uu nga eh wala ako maisulat pero ang dami kong idinaldal wahaha!

Posted by yeinechan at September 2, 2008, 9:08 pm

@bloom hahaha cge cge itext kita hahaha tatawagan kita pag katabi mo si tito mon o kapag tulog si tito mon haha! maghahanap tayo ng dorm ko?cge cge 8k lang budjet ko huh hndi ko kaya ang condo bwahaha!

Posted by yeinechan at September 2, 2008, 9:10 pm

wah! i’d rather not to talk ahahaha! sad to say..super duwag din ako..ahihihi!
“some things are better left unsaid” -laine

mas ok ako sa ganitong statement..i don’t know why siguro nasanay ako…hekhekhek!

sarap kasi kausap ng sarili lang ahaha![ung parang baliw lang ehehe]

Posted by jbernadine at September 3, 2008, 8:43 am

@tinkerbell hehehe uu aku nga din hindi ku n cguro masasabi pa yun hehehe natatakot ako tatawanan lang ako hehe

Posted by yeinechan at September 3, 2008, 9:34 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment