its FUN :)
September 28, 2008Surprisingly i finally got time to write an update ang balita ko kasi inaagiw na raw to kaya eto kahit marami akong gagawin magsususlat lang ako ng mga mumunting kwento. Hindi lingid sa kaalaman ng mga taong malalapit sa akin sa sphere kung nasaan ako.
My review started last Tuesday, at ngarag pa rin ako sa schedule ko, tapos two my dogs were very sick. Im still trying to cope with my schedule, squeezing all of my major lectures in 1 week and the rest of the month will be focus on skills enhancement. I met new friends POAN, a nurse, from FEU whom I am with since my first day and AIRENE,she is a nurse as well from CHINESE GENERAL, we’ve met this morning. We get along very well and we have fun on our lectures especially today, we had our Vocabulary I and II with Ms. Winnie a Cum LAude graduate from UP
sosyal
To BLOOM AND CHIKO, who has been tagging me for sometime now, pag may super time ako super gagawin ko na yan hehehe
MARE MYKEE MISS NA KITA
SAKA KAY JAY NA RIN. na lagi ko narerember kasi nakikita ko ung genesis na bus everyday na may signboard na BALANGA
kay BLOOM na tumatawag ng bonggang bongga kahit may klase ako hahaha
kay KOOONIN na kahit nasa bakasyon ay nakakatext pa din (lam nyo na malungkot yun hihi peace kuya)
update ba ito?hindi naman ata hahaha! marami pa akong gagawin syempre mauuna ang pagtulog ko tapos pagkain tapos tulog ulit hehehe just kidding, i got tons of hand-outs to review, kahit na my room is literally in austere condition dito pa rin ako mag-rereview, i have no choice pag may time na rin ako maglilinis. At saka pala who is good in STAT? help me in my ANALYSIS CLASS hahaha.
:,(
September 22, 200810:40 am kakauwi ko lang hindi ako makasakay papuntang Pasay, takot nga kasi ako sumakay ng bus at sobrang punuan na talaga, umuwi na lang ako ulit. Galit ako, o mas tamang nagtatampo ako, wala naman ako kabalak-balak na magsulat sa blog ko kaya lang wala ako masabihan ng sama ng loob ko, alam ko hindi ito sasagot pabalik, o tatapikin ang braso ko pero ok lang mahalaga nailabas ko ung nasa loob ko
Pasensya na, kung hindi masyadong maganda ang isusulat ko dito.
Malapit kami dati ng Tatay ko, siguro nga kasi ako ang bunso, pero ngayon palagi na kaming nagtatalo. Ayoko sumama ang imahe ng tatay ko sa ibang tao na makakabasa nito pero eto ang nararamdaman ko. Nagtatampo ako siguro pero mas tamang sabhin na naghihinanakit na ako.
Respeto. Lahat ng tao dapat meron nyan, bata ka man o matanda ka, may sakit o wala. May sakit ang tatay ko, Diabetes. hindi ko alam kung dahilan ba ito ng pagbabago ng ugali nya. Laging nakaangal sa amin lalo na sa Nanay ko. Laging nakasigaw, mabibilang ko na lang sa darili ko ang mga pagkakataon kung saan nagtawanan kami. Akala nyo lang masaya kami, na ayos kami. MALI ka.
Na-iinggit ako, lalo na sa Tatay ng mga kaklase ko sa kolehiyo, sobra ang binibigay nilang suporta sa mga anak nila. kapag malayo ang Duty kahit hindi man sila ihatid ng magarang sasakyan sinasamahan pa din sila. Sinusundo pa nga kung minsan. Umiiyak ako hanggang ngayon, magkukulong sa kwarto dahil nasaktan nanaman ako kanina, mas masakit talaga ang salita kaysa sa pisikal na pananakit, parang tarak sa puso. Hindi ko na mapigil ang luha ko kanina sa harap nya. Kung alam lang nya kung ano ang muntik mangyari sa akin sa sakayan kanina, humahabol ako sa bus halos mag-dadalwang oras na akong nakatayo. Huli na ako sa klase ko kaya minabuti ko na lang na umuwi, naiiyak na ako dahil muntik na akong masagi ng motor kanina hindi ko kasi nakita pero ayos lang, naisip ko susubukan ko syang kausapin baka pwede na ako ihatid tuwing umaga lang naman ako na bahala umuwi, pero wala nabulyawan lang ako.
Nung kumuha ako ng board exam hindi sya ang naghatid sa akin, hinayaan nya na tatay ng isa kong kaibgan ang maghatid sa akin kahit pa mag-kaiba kami ng eskwelahan ng pagkukunan ng eksamen, hinatid pa rin ako ng tatay ng kaibgan ko. Dalawang araw yun. Ung iba nakikita ko pa hinihintay nila ung anak nila ng lumabas ng kwarto at hahainan ng tanghalian.
“i wish i had a different father” un ang nasa isip ko ngayon. Mali yan alam ko, pero un ang nararamdaman ko ngayon. Ung ang gusto kong isigaw sa kanya kanina. Gusto ko syang intindihin, pero hindi ko makita sa akin ang kahit isang butil ng pang-unawa. Namumugto na ang mata, gustuhin ko man pumasok wala akong magagawa, bukas hindi ko alam kung papano pero bahala na.
Ang Paborito Kong Unan Bow :]
September 20, 2008Ang alam ko October 26 ako mag-uupdate pero dahil ang schedule ko ngayon sa review ay mock exam agad aba hindi nanaman ako pumasok -ngisi- hehehe naman ano ang isasagot ko dun kahit isnag lecture sa grammar o listening and writing skills eh wala pa si yeine kaya Monday na talaga ang pasok ko share ko schedule ko sa lunes para humaba ang post ko na ito
ay, oo nga pala, sadyang nangati ang kamay ko magsulat ngayon :]
Sept. 22 Monday
9am-12nn - Speaking Lecture
1pm- 4pm - Listening Lecture
6pm-9pm - Writing Task 2 Lecture
Hindi ako papasok ng 6pm-9pm uulitin pa naman ang lecture na yan ng mas maaga, hindi ko rin kaya magbiyahe ng gabi na masyado kaya 9am-4pm ang schedule ko mon-sat. okay magkwento na ako tungkot sa paborito kong unan ayos ba yun? kung oo, maari mong ituloy ang pagbabasa kung hindi naman tumigil ka na sa pangungusap na ito hehehe madali naman ako kausap :]
May paborito ka bang unan? ung hindi pwedeng hindi mo dadalhin kahit saan? Ako meron, unan ko na yun simula pa nung 7years old ako eh bente-uno na ako ngayon, malamang 14 years na syang nasa tabi ko :] Hindi ko nadadala ang paborito kong unan palagi dahil nga malaki sya kaya kung minsan lalo na kung malayo ang duty ko naiiwan sya magisa sa kwarto ko kasama ng iba ko pang unan. Ayaw na ayaw ko na nilalabhan ni Ate Susan ang punda nya hindi ko alam kung bakit MABAHO BA ITO? hahaha para sa akin hindi pero sa kapatid ko at kay spiderearl OO! nakakadiri ba? hindi ko alam eh basta gusto ko ganun sya, minsan binili sya ng nanay ko ng isa pang damit dahil kailangan ko na raw palitan at nangungupas na ang kulay, hindi ako umimik binigay nya na lang sa akin isang tanghali ung bagong punda unan, at hanggang ngayon hindi ko pa din sya ginagamit >:] attached na ako sa UNAN na yun? OO, bukod kay shobe na paborito kong aso ung UNAN na yun ang pangalawang saksi sa pagtanda ko, ang UNAN na yun ang nkakaalam ng mga sentimyento ko sa buhay, ang UNAN na yun ang sumasalo ng luha ko kapag malungkot ako o kung minsan ng laway ko kapag tulog na ako hehehe :]
Katulad ito ng taong naging bahagi na ng buhay mo, ayaw mong palitan gusto mo laging kasama, gusto mo lagi mong katabi kahit na hindi maganda ang amoy nya hindi mo alintana basta masaya ka dahil nandyan sya. Ngayon lang pinalitan ko ang punda ng UNAN ko, bagong kulay, mabangong amoy, bagong itsura, nilagay ko sa maruming damit ung isa, papalabhan ko bukas, at itatago ko muna. Hindi ko alam bakit inaawitan ako ni spider earl sa UNAN na ito pero ibibigay ko na ito sa kanya bukas.
Ung taong nakasanayan mo ng kasama baka gusto nya magbago? madalas kasi nating sabhin sa taong mahal natin ” wag ka magbabago huh” hindi naman yun pwede hayaan mo sya, kung magbago man ang gusto nya sa pananamit hayaan mo sya. Kung magbago man ang panlasa nya sa pagkain hainan mo sya ng iba, kung magbago rin naman sya ng nararamdaman sa’yo may magagawa ka ba? Lahat ng tao nagbabago, kahit ako o kahit ikaw, nagbabago ang pamantayan natin sa pagpili ng makakasama sa buhay, nagbabago ang mga pangarap natin. Ung tao naman na gusto ng umalis sa buhay mo pabayaan mo na rin, ibigay mo n rin sa iba lalo na kung pagod na pagod ka na at sobra ka ng nasasaktan. bka sakali nagbgo na rin ang nararamdaman nila, o nagbago narin ang gusto nilang makasama, masakit yun pero ganun talaga, kailangan mo masaktan para malaman mo na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi pangmatagalan, para rin maisip mo na may mga bagay na hindi mo kayang panghawakan habangbuhay.
Pinili ko ibigay ang paborito kong unan, pinili ko rin na palitan ang punda nito. Bibili na lang ako ng panibago kapag nagka-oras ako o mas maganda kung mag-hihintay ako ng isang tao na magbibigay sa akin ng isa ulit na UNAN na magiging PABORITO ko :]
kwento ko?
September 16, 2008Finally, i got some time to write an update hehehe! Sabi nga ni BLOOM “yeine tumaas na ang baha sa site mo, inaagiw na rin” hahaha hindi ko nakakasulat ngayon kasi ngbubusy-busyhan ako kunwari dumadalaw pa rin naman ako sa mga super friends ko dito sa blogsphere pero hindi na ganung kadalas kasi nga THE REVIEW IS ON hahaha joke lang. My review was suppose to start yesterday pero hindi ko rin kinaya pumasok dahil nga may sakit talaga ako so i told mum na today na lang eh kaso sa imus kami natulog ayon eto talaga atake na lang ng katamaran haha! ang dami dami kong kwento sobra umpisahan ko na kasi gusto ko pa din matulog ng matulog! :]
Friday - September 12 (MOA)
hahahahaha! i met my closest friends dito sa blogsphere it was super fun as in!
(grabbed from bloom :])
yan mga gifts namin sa isa’t isa :] i gave mare myk en bloom ung mga bears. Sobrang saya namin talaga maaga ako sa MOA kasi ang paalam ni yeine orientation nya sa Review joke joke lang yun hahaha kaya 8am pa lang pinaaalis na ako ng nanay at kapatid ko dahil mahuhuli daw ako (naisip ko lang ang aga aga ko kaya! imagine 9am pa lang nasa MOA na ako ano ba naman db?) so ayun nga dumating naman silang dalawa pero si JAY wala. naiwan namin sa Bataan. Kumain kami ng bonggang bonga sabay kantahan na to the max!
Tama si BLOOM wag na kayo pupunta sa Starbucks sa MOA hahaha ung barista naku naman hahaha ako nga nakakatawa eh inispell ko talaga pangalan ko as in Y-E-I-N-E haha eh oha tama ung akin ung kay MARE MYK “mayki” helo??? mykee kaya nkakaloka talga! ung kay BLOOOMMMMM hahaha “blue” bughaw?kalangitan?dagat? hahaha talgang blue? wahahaha ewan ko ba hahaha basta ang saya namin un lang :]
September 14 (SITCOM BAR)
One month na namin plinano magpipinsan na mag-girls night out kami natuloy din sa wakas marami pics pero natatamad ako iupload eh basta ayun galing kami sa comedy bar syempre hindi na ako nahilo kasi ayos ang ilaw dun syempre rin tawanan kami ng tawanan kasi nga comedy bar anu kb?! lahat sila order ng San MIg Light saka Red Horse ang tindi talaga bawal daw umorder ng ice tea mega takip pa ang cousin kong si KUH
Yeine : “alright alright (nagbabasa talaga) ayun oh ayun Cali sa akin
hahahaha! walang pumalag ayos Cali na sa akin hindi kasi ako nainom kaya mahirap sa akin ang umorder ng San Mig Light o Red Horse kasi hindi ko alam kung ano ako pag-nalalasing mamaya magwala ako dun o bigla akong magiiiyak db?hehehe. naiinis lang ako kasi ang daming gwapong bakla
grabe wala ako masabi ung tipong ano ba naman yan ang gwapo talaga natutulala nga ako hehehe pero wag ka bading na bading talaga grrrrr
sobrang galing nila magperform kahit na medyo green at napapataklob kami ng mata dahil sa eksenang hindi naman makayanan hahaha magaling pa rin sila sina BETTY, OSANG, HANS (gwapo talga to
) WENDEL AT THOMAS babalik ulit kami ewan ko lang kung kelan sama ka?sure sure sama lang ng sama :]
September 15 (ROOM)
:( masakit na ulo ko as in masakit talaga kaya hindi ako pumasok maghapon ako nakahiga at natulog ewan ko ba bakit ganun bakit tumaas ang BP ko basta ang alam ko hilo ako talga nakakaranas ako ng occipital headache (anu daw?) basta un n yun. walang nangyari na productive sa araw ko kahapon kasi humilata lang ako sa kama ko at natulog bow.
wala n pala hanggang dyan na lang may isang oras pa ako para matulog kasi pupunta ako sa Vet mamaya may check up ang mga pupz kasi nga may dermatitis sosyal haha. oi oi nga pala i moved my review sa SEPTEMBER 20 wahahahahaha! so saturday na talaga wala muna ako ng isang buwan babalik ako OCT 26 sure ako dyan :]
♥yeine♥
never go BACK!
September 10, 2008Tama na ang pag-eemote ko tapos na tigil na haha! buti na lang nakakatawa ang nangyari sa lakad namin ni FEY kanina, ibang klase, iba talaga.
Bilang isang nars na nangangarap pumunta sa ibang bansa marami pa akong eksamen na dapat kunin, hindi nyo naman kasi masisisi ang mga nars kung sa ibang bansa gusto magtrabaho, ayoko naman maging impokrita ako na ayaw kong kumita ng malaki, gaya nga ng sabi ng isang artista sa isang pelikulang hindi ko na matandaan “hindi mo masisisi ang mga Pilipino na nangangarap ng magandang buhay!” hahaha echoz si Vilma Santos yan sa ANAK ata hehe. Ayun nga, wala naman kasi akong makuhang trabaho kahit na nga nagbobuluntaryo na ako o kung minsan pa nga kami pa ang nagbabayad sa mga hospital (takte n yan hehe!) una wala akong makita kasi hindi pa naman ako naghahanap hahaha! gusto ko lang talaga tapusin ang mga kailangan ko pang tapusin para matapos na nga lahat (gulo!) tapos magtatrabaho na ako sa kahit saang hospital. Una kong inayos ang IELTS ko english exam yun kaya paduguan na ng ilong ang labanan hahaha. I need to file my application sa idP sa MAKATI. eto na nagsimula na ang sangkatutak na katatawanan!
Sabi ng kapatid kong nagtatrabaho sa Dublin, IELTS ang kailangan ng hospital nila so ako naman okay na agad, habang hinihintay ko ang eligibility ko sa NCLEX yun muna uunahin ko. Sa madali’t sabi nagtungo na nga kami sa MAKATI. Kasama ko ang lagi ko namang kasama na si Fey, 8am nagkita na kami sa Talaba iniisip ko pa lang na sasakay ako ng bus nagdadalawang isip na ako hahaha db nga takot ako sumakay sa bus sa dahilan na nasabi ko na. Pero cge hintay pa rin kami ng bus, punuan na, hanggang sa mapapansin mo na nauubos na ang mga pasahero na naghihintay hahaha pero sabi ko taxi na lang kami hanggang PASAY-MRT so shoot okay na pag dating namin sa PASAY grabe ang traffic pati ang ulan, dugyot na kami sigurado pag dating sa makati haha, ayos lang yun, unang station ng MRT ang pasay db, tapos bababa lang kami sa ayala ayos na, ay anak ng tipaklong hindi pala hindiiiiii!!!!
AYALA STATION
Fey : dito na tayo.
Ako : ay oo cge maglalakad tayo?
Fey : oo, basta sabi ni mama may sakayan sa may petron ng Paseo de Roxas.
Ako : cge cge
Nasa escalator palang kami biglang narinig namin ang kantang Bleeding Love wuhahahaha hindi kasi kilala ni Fey si Leona Lewis eh ako naman sinusuka ko na yung kanta na yun hahaha ayos soundtrip pa pala pag nasa Ayala Station ka haha.
Lakad, walang katapusang lakad, lakad kami ng lakad puro lakad ang ginawa namin, masakit na sa paa pero tumatawa pa kami, sabi ni FEY “sumabay na lang tayo sa agos ng tao” aba ano kaya yun maglalakad kami ng maglalakad ni hindi namin alam kung saan kami tutungo haha nagtanong na kami sa gwardya
UNANG GWARDIYA
(MARAMI PA KAMING GWARDYA NA PINATANUNGAN HAHA! HINDI KO NA LANG ISINAMA :])
Fey : Kuya saan dito sakayan ng Paseo de Roxas?
Manong : ahh dyan diretso lang.
eh parang bangag naman si manong ang linaw ng direksyon na ibinigay oh, diretso lang!
lakad lakad pa rin kami, magulo pala dun, fast track, may tumatakbo, lahat nakabihis, may nakashades wala namang araw bwahaha may mga naglalakihang hikaw, bags na peke mga ganyan haha. yun ung mga napansin ko, wala akong makitang bahay, puros building na ubod ng tataas, mga taxi madalang ang jeep, maraming restau, dikit dikit ang mall, ganun pala ang makati. Anyway lakad pa rin kami. basta mahaba mahaba talaga nung parang nwawalan na ako ng pag-asa aba tumawag na ako kay MYK2ts na batang pulubi ng makati hahaha.
Ako : helo?mare gising ka na?
Myk : oo mare, bakit?
Ako : NALILIGAW NA KAMI! x[
Myk : huh saan na kau lugar?
Ako : (linga-linga) sa may landmark basta dito.
Myk : saan ba kayo pupunta mare?
Ako : Pseo de Roxas Legaspi Village
Myk : ahh sakay na kayo ng cab alam ng mga driver yan, sabihin mo lang legaspi village.
Ako : okie okie thanks mare, sasakay na kami ng cab (kasi naman yeine pilitan ba hanapin ang terminal ng jeep!)
Habang nasa taxi kinunan ko na ang litrato ng lugar sa labas wala lang baka hindi nyo tapusin kung wala man lang picshur eh hahaha!
ayan ayan lang naman hehehe so nakarating nga kami sa idP sa wakas :] nag-file ako ng anikanik dun, kasama na rin ang hindi inaaasahan na pagdugo ng ilong ko dahil sa nakasabay ko kuntodo-english eh hello? allowed pa kaya magtagalog wahaha! pero hindi nagpatalo ang front desk officer kaya yun habang katabi ko sila tahimik akong nagtatanong about dun sa form ko hehehe. Saglit lang ako dun mabilis lang, naghintay na ulit kami ng taxi pabalik sa ayala station.
SA AYALA STATION ULIT
Dirediretso kami sa loob ung bilihan pala ng ticket nasa labas pa wahaaha sabi nung guard “sablay kayo dun muna kau bumili ng ticket sa labas” sabi ko naman ” Sorry bago lang eh!” pumila na ako para bumili ng tixket pabalik ng Taft. Sa pila may mga hindi ko maintindihan kung bakla ba o nagbabaklaan basta nagulat ako sa kanila hehehe nahingi sila ng donation sa Red Cross ata yun so nagbigay naman ako kung hindi man un totoo bahala na sila dalhin yun hehe.
Ako : Fey, di kb nauuhaw?
Fey : Hindi naman kaw?
Ako : Medyo (may nakita na stall na may ice-tea, naglabas agad ng 100 kasi gusto ko ng bumili!)
Ako : Kuya magkano ice tea nyo?
Pinagtanungan ni YEINE : huh? Naku ma’am hindi po for sale yan para po yan sa mga applicants -nakangisi-
powtek! malay ko ba hahaha sabi ko sorry hindi na kasi ako nagbasa hahaha sa lakad kami ayun nakabili kami ng mineral water bago kami pumasok sa MRT station.
MISMONG STATION
Arrow LEFT - TAFT
Arrow RIGHT - MONUMENTO
Syempre left kami db kaya bumaba na kami ng hagdan sakto sakto pwede na kaming sumakay pero parang pakiramdam namin mali kami hahaha hindi kami sumakay pumanik ulit kami para magtanong hahaha ehh ang tass ng hagdan mamamatay na ako sa hingal hahaha pag panik namin at nagtanong sus tama pala kami hahaha tanga tanga talaga!
Mahaba pa mga nangyari nagpunta sa review center kaya magstart na ako sa lunes pero bukas sabi ko orientation ching ko lang un hahaha! nung pauwi na kami ang nasakyan namin TAGAYTAY/CALATAGAN dadaan un ng talaba kaya lang ang lakas ng ulan eh nung sasakay na kami medyo baha ehh naka-chucks si Fey ako naman nakaslippers lang hehehe pasugod na sana kami sa baha naglalakad na kami ng biglang umandar hahaha anu ba naman kasi dadaan pala un sa pwesto namin kanina excited lang kami hahaha pagsakay namin taena talaga grabe ung aircon!!! sobra sobra ung balahibo ni fey hindi na bumaba ung goosebumps nya hindi na rin naglaho parang ung pagnatatate ka bwahahaha pero ung kanya sa lamig.
SA BUS
Fey : Bakit dito ang daan?
Ako : ay ewan ko mali ba tayo ng nasakyan?
Fey : hala baka hindi to dadaan sa atin?
Ako : naku sa calatagan tayo mapupunta!!!
Ung GUY sa tapat : (intrimidido) -natatawa- dadaan to sa talaba miss
Ung GIRL sa tabi : -nakangisi din- Umikot lang po tayo
Ako : ahh okey. (deadma pero relieved n ako haha)
Fey : (tawa ng tawa)
Pagbaba namin sa bus sa talaba ay sus ang lakas uber kaduper ng ulan as in bumagbagyo na nga talaga hahaha! sobra talga basta sobra. Nagbukas ng payong si Fey tatawid kasi kami tapos sasakay ng jeep may narinig kami “miss sukob muna kayo” eh nagmamadali na talaga kami nung nasa gitna kami ng kalsada ipinahiya kami ng munting payong ni Fey!!! ayan oh ganyan ang nangyari sa kanya
Wasak bali bali hahaha kaya basa kami ng ulan narinig pa namin ung manong na nagsabi na sumukob muna kami “ayan kasi -sabay tawa” ung mokong na yun pati mga tao sa jeep na nasakyan namin tumatawa! anak ng tinapay na panis ano kaya yun, bukod sa mukhang tanga itsura namin nakakatawa ba na masiraan ka ng payong sa gitna ng malakas na hangin at ulan aba aba naman syempre OO noh! kahit ako matatawa ako lalo na kung katuld ng itsura nmin ni fey na gulo gulo ang buhok at basang basa na kaya sumabay na lang kami ng tawa sa mga tao sa loob ng jeep hehehe!
HINDI NA AKO BABALIK NG MAKATI
JOKE LANG HINDI PWEDE KASI KAILANGN KO BUMALIK
ang haba nuh, wala akong gana nyan kagbi pa ako nagiinarte sa mga kaibigan ko eh hehehe. Ang haba ng kwento ko pero tinatamad ako nyan, inumpisahan ko ito kagbi pero hindi ko natapos, ngayong umaga lang kasi ang aga aga nangsing ng tatay ko maglinis ba ng bubong?!? naku naman ayun nagsing ako ingay kaya ng tatay. hindi na ako matutulog ulit (Princess Sarah pa palabas sa Cinema One kasalukuyan kinakausap nya ung Daga) anu ba naman ito!!! hahahaha cge ingat kayo sa araw nyo :] excited na ako bukas hahah!
♥YEINE♥










