kwentuhang barbero :D
August 10, 2008kachat ko sa ym si bloom. gumagawa sya ng bagong entry sa site nya. dahil inggetera ako gagaya na din ako. walang kwenta ang entry na to. kwentuhang barbero nga. nakilala nyo na si earl di ba ang pamangking kong umiidolo kay spiderman. ipinaglalaban nya si spiderman kahit kanino kahit ata ikahospital nya ito hindi sya magpapatalo. madalas kami nagaaway wala naman bago dun haha si superman kasi ang iniirog ko hahaha tama. mahal ko si superman sa dahilang hindi ko rin mawari. pero iba ang pamangkin ko. kay spiderman umiikot ang mundo nya ang pangarap nga nya sa buhay eto “to be bitten by a poisonous spider” oha ipinasa sa guro nya yan. tama mahilig sya sa gagamba at dahil takot ang yeine sa kahit anong gagamba taob ako pag yun na ang hawak nya haha. dahil may kaunting perang naipon ang mga magulang ko nakabili kami ng isa pang bahay tatlo ang kwarto pero ung isa hindi pa ginagamit dahil kwarto daw un ng pamangkin kong umiidolo kay spiderman. gagawin daw superman este spider-inspired ang mallit na espasyo na iyon para sa kanya.naman!.haha. sabado kagabi walang bubble gang pero di pa rin kami natulog. mag-kausap kami ng pamangkin ko hanggang ala-una ng umaga eto ang usapang barbero namin hahaha napakahaba ng umpisa eto lang pala ang sasabihin ko wahaha.
ako: earl, nananaginip ka ba?
spiderearl : oo, minsan mga once a month (hala bilang?haha parang sure sya)
ako: ano naman npapanaginipan mo?
spiderearl : minsan nkakalipad ako ng walang pakpak (grabe astig! haha)
ako : talaga. ang galing naman!
spiderearl : minsan nagkakaroon ako ng sapot mga ganun (hahaha wow sapot!)
ako: hoooo barbero ka nman.
spiderearl : minsan nga may mga special abilities ako! wacha!wacha! (ginagaya ang hand gesture ni spiderman)
ako : ganun cge tulog na tayo.
spiderearl : bkit tita?
ako : basta tulog na.
hahaha barbero talaga.tsk tsk. natatawa ako. okey na ung umpisa pero ung sa sapot at special abilities wahahahaha alam n alam ko kabarberuhan ng pamangking kong umiidolo kay sipderman un hahaha.un lang. nakakatawa mga sinusulat ko ako lang natatawa hahaha wala naman ako pakielam kung hindi matawa ang iba dahil mabibilang ko nman sa daliri ko ang mga nagbabasa wahaha
IBANG ISTORYA…..
-kakauwi ku lang pala ngpafacial badtrip masakit talaga un. hindi biro ang iniyak ko dun. pero ayos lang. bawi ang sakit sa tawanan namin kaibigan kong sina ces at eloi. ayos un. haha kahit tahimik dun kahit parang pana ang sounds kahit nangibabaw ang tawanan namin na susundan ng ouch aray hikbi ayos na ayos kahit na binabaan si ces ng phone ni lola ellen ayos pa rin haha la lang. ibang istorya ito. shinare ko lang
haha natry nyo na magpafacial di ba?cge nga kau ba sumaya?ay dahul friendly ako ate cely pangalan ng ntapat sa akin sbi nya pa mam (nkikita nya umiiyak na ako haha) kelangan magsacrifice para gumanda. haha di ko lang masabi ulol haha. naman masakit kc tlga. parang sa painscale 20 un 10 being the highest.haha lagpas lagpas na. humihingi ako kahit topical anesthsia wala daw haha asa kse akong meron
tapos na po ito. babasahin ko ng paulit ulit haha. sarap maging masaya
hahahaha isa pa hahahaha!
yani sings "almost lover"
August 7, 2008haha sbi nila maging masaya naman daw ang entry ko eto eto ngpangiti sa’kin mabilis ang pagbabago ng pakiramdam ko dalawang araw din akong naginarte sa kwarto ko sa mga kaibgan ko sa nanay ko, kgbi lang halos mapiga ang punda ng paborito kong unan pero totoo iniexag ko lang eto tlga kgbi lang tahimik akong lumuluha awooo!haha tpos knina okey na ako bigla hehehe sya si yani ang nkakalokang pamangking ng close friend kong si fey na madalas kong pinipilit magkomento sa mga sinusulat ko para naman kahit paano maging masaya ako haha. para naman (kahit hindi totoo) may umangal sa lathalang walang kwenta db?haha. yun nga etong pamangkin ni fey/kakunshaba ku sobrang cute haha lalo in person, nakakalungkot nga lang isipin na kapangalan nya ang bunsong aso ko haha pero alyanna naman totoong pangalan ng bata nagkataon lang na yani ang palayaw hehe. mabait itong si yani ewan ko nga lang kung bakit madalas sya pinagagalitan at pinaiiyak ng tita fey nya haha. minsan maririnig ko sa telepono si fey “YANI WAG YAN!WAG YAN!” may kiliti ako dyan wahaha cccoooorrrrrrnnnnnyyyy!!!! basta pinapagalitan nya eh alam nyo ba na itong si fey ay ang pinakamahinhin/maria clara sa grupo namin haha un pala ga tigre sa bata haha
ito ang pinakacute na usapan namin ni yani sa phone
ako : helo yani nandyan ba si tita fey?
yani : ay sino to si tita lane? tita lane bili mo naman ako ng cotton candy ung color blue huh please please tita lane huh dalawa sa akin hindi ko bibigyan si aran (pinsan nya)
ako : (ntatawa) cge cge bibilhan kita (sumagot si fey)
fey : hoy yani tumigil ka dyan :/
ako : cge yani bibili kita.hehe.
yani: cge huh tita lane please huh.
yan. yung mga gnyan hindi ko matanggihan haha. mahilig kasi ako sa bata saka ano ba naman nga cotton candy sa bente pesos may apat ka na hehe. sa sobrang tuwa ko kay yani pinaupload ko sa kaibigang kong tigre sa bata yung video sa you tube hehe dhil nga gagawa ako ng entry dito hehe ang nakakatawa tinatanong ko pa si bloom dito kasi nga mangmang ako sa mundo ng blogging hindi ko pa malaman pano iupload ang video un pala mali gnwa ko haha salamat kay tinkerbell/bujoybee hehe un lang. sana natuwa kayo kay yani haha ung nguso nya at pagwave wave nya ng buhok nya hehe.
♥yeiney♥
magulo.wag basahin.
August 4, 2008Anong oras na ba?naghahanap ako ng relo wala naman akong makita. masakit ang ulo ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil naulanan ako o kung ano. basta masakit ang ulo ko.magulo din ako ngayon. Pinatay ko na ang pc binuksan ko lang ulit. Hindi ako makatulog. Ang tagal kong naglagi sa friendster pero halos 1 oras dun tulala ako.blangko. Sumilip ako sa mga kaibigan ko dito sa blog nagbigay ng mga komento.logout.Humiga at pinilit matulog.Bumangon binuksan ang pc at eto ako ngayon sinusubukan sumulat ng isang lathala na pipiliting kong magkaroon ng kabuluhan. (nagiisip) hindi ko ata magagawa. magulo talaga. hindi ko alam kung malungkot lang ba ako o nagugutom ako o masakit ang ulo ko. tinitipa ko ang keyboard pero hndi ko mabigyan ng magandang kwento ang naiisip ko. tama magulo ako ngayon. lahat naman ata ng tao magulo. walang hindi. walang hndi naguguluhan. tiningnan ko ang cellphone ko kung pang apat na araw na ata ang baterya nito hndi ko na rin alam. ni hindi ko nga matandaan kung nasaan ang charger nito. napasulyap din ako sa tv hindi ko rin alam ang palabas na pinanood ko. kanina lang ang saya saya namin ng tropa, walang katapusang tawanan. tapos ngayon nagiisa ako sa kwarto ko parang lugmong lugmo ako. hindi ko alam kung may iiyakan ba akong bagay o wala. hindi ko alam kung sya ba ang dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. magulo. bitin ang mga naiisip ko.kulang ang lahat ng sinasabi ko dito.naduduwag ako. tama duwag ako aminin sa sarili ko na nalulungkot ako. oo dahil sayo. pinalulungkot mo ko
hindi mo alam.kahit wala kang ginagawa.kahit wala kang sinasabi, kahit hindi kita nakikita. naiinis ako. nagagalit ako sa sarili ko. nakukuleleng na ang utak. masama nga ang timpla ko ngayon. parang magkakasakit ako. tapos na to. walang kwenta.walang talaga. kadramahan ng isang yeine ang masasalamin dito. isang magulong entry na sana wag ng pagkaabalahang basahin ng iba.gnawa ko to para sa sarili ko.
tinapos m b?pasensya na






