hilong bata :[
August 31, 2008Kakauwi lang namin kaninang mga 10pm maaga kaysa inaaasahan. Nagpunta na ba kayo sa comedy bar? kami kasing magpipinsan saka mga kaptid ko madalas pag umuwi sila para magbakasyon, masaya kasi kahit na medyo green ang mga jokes ok lang. Masaya nga pag na-ookray ang ate ko na ubod lakas tumawa eh kita na daw kasi ang ngalangala nya hehe. Kanina hindi bar ang pinuntahan namin, its a show for a cause, made possible by miranda square foundation. Maganda ang lugar syempre duon ako nagdiwang ng ika-labinwalong kaarawan ko eh. Bumili tiket ang nanay ko apat so ang mga kasama SI MAMY, SI ATE MHAY AT SI KUYA MHARK AT AKO NGA. Ayos na 7:30 pm nandun na kami 7:00 pm daw nagstart eh duh ang nakalagay sa ticket ay (check ko muna…) ay ay 7:00pm nga bwahahaha aba aba malay ko ba na magiging on time yun knowing mga pinoy hehe. so 7:30pm nandun na kami. hell, wala na upuan konti na lang pero dahil nireserved na kami ng manager ng miranda square medyo maayos naman ang napwestuhan namin. pero pare malapit kami sa speaker, halos lumndag ang puso ko kapag tutugtog na ang Buttons ng Pussycatdolls. Hindi ko na ininda baka sabihin ng usherette ang arte ko hehe. so omorder na lang ako ng fries, coke, saka chicken wings nandun naman nanay ko bahala na sya magbayad hehe. ayos na sana pero napansin ko para akong naliliyo umiikot ang paningin ko. grabe naman kase ang ilaw ubod ng dami lahat ata ng shades ng green meron. promise ibang klase, daig pa nasa disco. Maingay na ang music tapos ganun pa ang nakikita ng mata ko halala bumigay ang yeine. Hindi kinaya at matapos ang dalwang oras at kalahati nagyakag na akong umuwi. hehehe katext ko pa si chi nun sows hindi ko tuloy ntulungan sa prob nya kasi naman ang natakbo tlaga sa utak ni yeine ay ILAWWWW!!!
:| eto may picture ako bago ako nagyakag umuwi promise makulay at makutitap hehehe sa comedy bar kasi usually pag ngpapalitan na ng mga joke ang mga bading spotlight na lang pero dun iba. buti na lang sa foundation mapupunta ang mga napagbilan ng ticket naku kung hindi sinumpa ko na hehe. kooonin ayan sikat ka, wla akong maalalang joke dahil sa pagkahilo meron man akong naalala hindi ko na babanggitin haha. medyo hindi okey na ipost ko pa dito pero magaling ung mga stand-up comedian si divine tetay at wendell ng 22nd second street ang nandun hehe.un lang. o sya tulugan na hehehe!







