"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

Home » Archives » 26. August 2008

mga taong stranded :]

August 26, 2008

Minsan akong nastranded sa baha sa bandang Navotas hindi ko na rin matandaan ang pangalan ng mismong lugar ang alam ko lang isa iyon sa pinakamalayong lugar na napuntahan ko para mag-duty. Nakikipagsapalaran ang aming grupo na baka, baka sakaling makumpleto namin ang cases namin sa DR (delivery cases) o mas tamang sabihin sa tagalog nating lingwahe, mga bilang ng mga nanay na nanganganak (5 actual, 5 assist and 5 cordcare) basta yan na yun. Navotas ang natatandaan ko 10-6 ang duty ko, sasakay ng bus papuntang pasay at sasakay ng LRT bababa sa huling istayon ang monumento. Isang gabi ng duty namin, hindi maganda ang panahon, nangangalit ang langit na parang sinasabi umuwi na kayo. wala kayong duty. pinapauwi na kayo ni Ma’am Sanchez (CI namin) pero tumuloy pa rin kami. pagbaba namin ng monumento nasilip namin ang kalsada, aba aba baha. Tumawag ako sa CI “Ma’am baha po, hindi po kami makapunta po dyan” sabi ng CI namin “naku naku cge kung makakasakay kayo ng LRT pabalik ng manila ayos lang bukas na kayo magduty kung hindi naman ipapasundo ko kayo sa asawa ko jan at dito na kayo magpalipas ng gabi” (aww sweet talaga ni Ma’am Rosaline) sa madali’t sabi naabutan pa namin ang huling byahe ng LRT pero kailngan namin tumawid sa baha. Hindi ko alam ang gagawin kung itatapak ko ba ang paa ko sa maruming tubig na tumitilamsik pa dahil sa mga jeep na ptuloy bumabyahe humahangad ng munting kita kahit sa kasagsagan ng ulan. Hindi ko rin alam kung bakit kailan lumusong sa baha ng puti kong sapatos, lalo na ang puting stocking at uniporme ko. Stranded kami. Stranded ako. Luminga linga ako pero wala akong makita kahit isang tipak ng malaking bato na pwede kong ipatong ang munti kong mga paa. Pero kailangan kong lumusong para makauwi ako. Gusto kong makauwi. kahit abutin man ako ng madaling araw sa byahe basta makauwi na lang. Lumusong ako naglakad sa baha. mahirap lalo’t ang laki ng bag kong dala. Mahirap dahil gabi na maraming tao, umuulan, siksikan, unahan sa huling byahe ng LRT pabalik ng pasay. Mahirap pero hindi ko kayang mastranded na lang doon lalo na’t hindi ako pamilyar sa lugar. Gusto kong umiiyak naiisip ko sana tinamad na lang akong pumasok para hindi ako mahirapan.

BAKIT KO NAIKWENTO TO?

Simple, inihahalintulad ko to sa buhay ko o maaring sa buhay mo ngayon. Stranded ka ba? ako noon stranded din ako eh. Hindi ako makalakad palayo sa kanya (taena mga banat mo yeine!) seryoso. para akong stranded sa baha. It takes a lot of strenght to walk away. Bakit ka pa hindi aalis di ba?kung nasasaktan ka naman masyado. Gawin mo kahit mahirap lumakad ka at wag kang lilingon pa. isa itong pagkakataon na dapat hindi ka makaramdam ng takot. takot na baka hindi mo kayanin. takot na baka hindi ka makalimot. kalokohan yan. malilimutan at malilimutan mo rin ang tao na nanakit sayo. Everything needs to be taken one step at a time. Hindi pwedeng lumipad na lang kaming magkakaklase pabalik sa istasyon ng LRT kailan namin suungin ang matinding ulan at rumaragasang baha. Gaya mo, hindi pwedeng kapag natulog ka kinabukasan okey ka, hindi isang araw ang healing process ano ka hilo. matagal yan pero kung hindi ka maguumpisa  wala kang pupuntahan, masaklap baka magkasakit ka pa kakaisip kung bakit hindi naging maayos ang takbo ng relasyon ninyo gayong napakasaya ng umpisa. Ganun talaga. May mga kaibigan na aagapay sayo para hindi ka mabuwal, may mga paraan para kahit paano maibsan ang hirap na pagdadaanan mo. Ayoko mastranded sa baha ng matagal mas nakakatakot, mas nakakakaba hindi mo alam baka tumaas lalo ang tubig at malunod ka pa (eh tanga mo na lang) Gusto mo rin namang umuwi di ba? magpahinga, matulog ng mahimbing o kung gusto mo umiyak ka pwede rin naman yun ang mas mahalaga hindi ka stranded sa kanya. Hindi huminto ang pag-ikot ng mundo dahil sa kanya, hindi ba mas masaya yun.

Mga taong stranded, iwanan nyo ang takot, iwanan nyo ang pag-aalala, KAYA NYO NAMAN YUN.

ilakad nyo unti unti ang paa nyo at hindi nyo mapapansin malayo na pala kayo sa taong akala nyo hindi nyo kayang iwan :D

 

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 10:03 pm | permalink | comments[4]