naimpluwensyahan na ang bata :D
August 24, 2008oo inaamin ko naimpluwensyahan ako ng ibang tao. hindi ko alam kung mabuti ba ang ginawa ko lalo naman kung dapat ba akong manghinayang sa perang ginastos ko para dito. hindi ko rin lalong alam kung magugustuhan ko nga iyon ang alam ko naimpluwensyahan ako.
HAHAHA arte ko!
hehehe wala naman itong post na ito wala naman itong ka kwenta kwenta. sa totoo lang kasi naimpluwensyahan ako bumili at basahin ang mga libro ni bob ong hahaha! hindi ko talaga kilala sa bob ong seryoso hindi talaga hehe kilala nyo sya di ba?eh ayun na nga ung kaibigan kong si peklat aka fey mahilig sya hahaha ay mali mali haha paborito nya si bob ong bahagi pa nga sya ng group chuvanes eh. hehe ayun dahil sya ay madalas kong kausap nahiwagaan naman ako kung sino ba ung bob ong na yun. tapos si rex aka sitm8 ko hindi ko naman alam na binabasa nya pala yun at kumpleto ata sya ng libro sbi nya pa “sitm8 bilin mo na yung mga libro parang gasolina yan nagiging rare ba”. o cge sa hinaba haba nito eto ang isang larawan ng mga libro na binili ko ng sabay sabay sayang pamasahe kung babalik balik pa ako sa pinakamamahal kong sm bacoor wahaha!
1 2 3 4 5 6 tama tama husto husto kumpleto kumpleto walang naiwan hehe anim daw yun ung stainless longganisa ang hindi ko makita sa rack kaya tinanong ko ung isang girlaloo sa nasyonal libro tindahan haha kung nasaan eh pareho ata kaming bulag nasa harap na namin at pagkadamidami hindi pa namin makita haha. so ayun nga binili ko ng lahat para masaya hindi ko alam kung magugustuhan ko kasi iba talaga ang hilig kong mga libro mga gaw ni sparks (syempre una sya sa listahan ko), steel, fielding, sheldon at sila lang haha mahilig ako sa mga lovestory kasi feelingera ako na mangyayari sa akin yun. haha asa naman di ba. una kong binasa ang ABNKKBSNPLAKO?! HINDI KO PA NATATAPOS HAHA! marami kasi akong ginawa kanina kaya yun tatapusin ko ngayong gabi hehe kgbi tinapos ko ung MAC ART HUR grabe naloka ako akala ko kasi lahat ng libro nya masaya nakakatawa yung tipong pag masama araw ko magbasa lang ako ayos na pero goodluck sa akin medyo natakot ako hehehe naiyak ako sa nabasa ko. sorry mr. bob ong
malalim ka pa lang tao. maganda tama maganda ang istorya. pero kinilabutan ako palingon lingon ako sa bawat sulok ni silid ko baka bigla akong makita na sasaksak na lang sa akin hahaha paranoid talaga ako pero maganda ang nabasa ko hanga ako agad kay bob ong kaya pala inlaboba ang fey haha. cge tatapusin ko na ang kwento ko ng ganito.
hahahaha!
pahabol: kausap ku si bloom ang mahal naming mare uuwi na hurray hep hep hahaha! myk myk handa na ang dasma sa pagbabalik mo maging ang dadaanan mong talaba at imus handa na rin may banner ka na pala sa sm bacoor pinahanda ko na para sa pagbabalik mo hehehe welcomeback sa pinas myk! lablab! anu oct baclaran paghanapin natin si bloom kung saan ang baclaran wahaha!
♥YEINE♥







