Home » Post Item » yeine to bloom : hanggang kailan ka masasaktan?
"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

yeine to bloom : hanggang kailan ka masasaktan?

August 20, 2008

 

 

May mga tao ba sa buhay mo na biglang naglaho na lang?ng walang pasabi ni ha ni ho. Na hindi inaasahan ang biglang pagwala sa kadahilanang ayos naman ang huli nyong pag-uusap? Mahirap ba yun?

OO. tama mahirap, para kang isang bata na inagawan ng paborito mong lollipop na kahit anong kagustuhan mong makuha ulit sa sira-ulo mong kalaro ay hindi mo na magawa. o kaya para kang isang aso na binigyan ng masarap na tanghalian ngunit nalingat ka lang kinain na ng pusa at pinag-agawan nyo pa. Wala namang permanente sa mundo, may sadyang nawawala may mga bagay na bumabalik.

Mahirap maiwan at mas mahirap kung walang binitawan na dahilan at pinakamahirap mabuhay ng araw araw, minuminuto mo iniisip ang iba’t ibang posibleng rason ng tao na yun kung bakit sya biglang UMIWAS, kung bakit biglang NAGBAGO, biglang SUMUKO at biglang TUMALIKOD sa mga pangako at sa mga plano. Pinipilit mong lumaban kahit walang kasiguraduhan ang pagkapanalo, kahit na ang munting pag-asa na natitira sa utak mo ay ang panalangin na dumating din ang oras na magagawa ng tao na iyon na magpakita at maging matapang ka harapin ka. Gabi- gabi bago ka matulog sa malambot mong kama iniisip mo ang mga bagay bagay. Mga bagay bagay na nagpapalungkot sayo at madalas nag-iiwan ng luha sa mga mata mo. Mapipiga muna na rin ang punda ng unan mo, mamumula na ang ilong mo sa kakasinga ng sipon. Ang pagpipigil ng paghikbi na baka marinig ng ibang tao na ntutulog sa katabi mong kwarto. Pinipilit mo maging masaya lalo na sa harap ng pamilya at kaibgan mo. Hindi iilang pagkakataon ka rin natutulala sa mga bagay o tunog kang naririnig na nakakapagpaalala sayo na minsang kayong nagsalo sa tawanan at iyakan.

Itatanong mo sa sarili mo kung NASAAN NA SYA? para kang sirang plaka sa paguulit ulit mo ng tanong na to na kahit ikaw mismo hindi mo makuhang sagutin. hindi mo makuhang alamin ang sagot. bakit? kasi hindi ka naman binigyan kahit isang salita o minuto para alamin ang dahilan eh. hindi ka binigyan ng kahit isang segundo na nga lang. May mga taong duwag pero higit dito mas maraming taong matapang.

“torture” tama ka. salitang tugon na tugon sa nararamdaman ng taong iniwanan. mas okey pa nga ung nangiwan na alam mo ang dahilan, kaysa naman sa taong nang-iwan na lang. Malupit ang nilalang na ganito. duwag. walang silbi. iniisip lang ang pansariling kagustuhan. hindi alintana na may isang tao syang masasaktan higit pa sa sakit ng pagkakahiwa ng daliri mo sa isang matalas na kutsilyo sa kusina ninyo. higit pa sa mapaso ka sa kalan dahil na rin sa simpleng katangahan mo. higit pa sa pagsunog ng buhok mo dahil sa flat iron na ginamit mo ng prom night mo. higit pa. higit pa sa pisikal na sakit! Isa itong karapatan na hindi man lang naibgay sayo.

Ilang salita lamang ang gusto mo. na khit na nga hindi na yun mamutawi sa pangit nyang bibig. kahit man lang sa panget nyang boses o panget ng mensahe sa inbox. mas madali pa tanggapin ito “iniwan kita dahil hindi na kita mahal” tangina, kaysa naman sa “_______________________” ganyan walang letra. walang emosyon, walang matinong nilalaman sa madaling salita blangko. malinaw na malinaw na blangko. kahit anong titig mo na baka sakiling lilitaw ang mga letra matapos ang dalwang oras. wala pa rin. na khit na anong kunot ng noo mo hindi mo pa rin makita. parang ka iniwan sa gubat na hindi mo man lang alam kung saan ang daan pabalik. ang masaklap kahit man lang ilang pahiwatig wala pa rin iniwan o mga bakas man lang ng paa ng letcheng nang-iwan na yun.

 

MABUTI PA AKO, iniwan ako ng may dahilan. mas mahal ung isa. masakit daig pa ang binuhusan ako ng asido sa mukha at paulit-ulit akong sinampal. pero may mga taong iniwan na lang bigla. TRIPLE ang sakit. daig pa ang asido na naramdaman ko daig pa nito ang sakit ng paulit-ulit na sampal sa mukha ko. hindi ko na rin magagawa pang ikumpara ang dami ng iniyak ko. sa dami ng luhang pinilit nilang huwag na lang bumagsak. hanga ako sa mga taong ito. hanga ako sa tibay ng loob nila, sa lakas nila na paulit ulit tanggapin ang masakit na katotohanan na ang poborito nilang lollipop ay hindi na nila mababawi pa. sa pagpapakita ng ngiti. sa pagkakaroon pa rin ng pag-asa.

 

yeine: hanggang kailan ka masasaktan?

bloom: hahaha gusto ko nanaman ulit…

 

 

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 10:15 pm | permalink

Previous Comments

*tahimik*

Posted by bloom at August 21, 2008, 3:35 am

im weak…it’s true…

sabi sa kanta. pero lahat tayo actually minsan weak. kaya we hafta be strong in times like this for our own sake. minsan mas okay isipin muna ang sarili bago ang iba.

bloomberg, time to be happy. lets end this effin sadness. we DESERVE the best :)

Posted by myk2ts at August 21, 2008, 7:57 am

@bloom tahimik ka bakit?hehe

Posted by yeinechan at August 21, 2008, 11:28 pm

@mare tama we all desrve to be happy haha. bakit hindi ka OL mare?gulo ntin haha

Posted by yeinechan at August 21, 2008, 11:30 pm

bakit nga ba pagdating sa love may taong mas higit na nasasaktan? bakit kailangan may luhang tumutulo sa tuwing may nagpapaalam? hindi ba pwedeng magmahal ng hindi nasasaktan? marahil kung hindi natin mararamdaman ang mga ganitong emosyon, hindi din tayo matututong magmahal ng totoo.

Posted by jamir at August 24, 2008, 1:26 am

@jamir hindi ku nga din alam eh. sana pwede noh, ung nagmamahal ka pero hindi ka masasaktan.

Posted by yeinechan at August 24, 2008, 6:37 pm

love it! nice post,..as if u are speaking my language..im in that kind of stage right now,..wondering how and why..

Posted by marge at November 20, 2009, 12:15 am

@marge thanks for leaving a comment :) dont worry it’ll pass :)

Posted by yeinechan at November 20, 2009, 8:29 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment