Home » Post Item » haha natawa ako :D
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


haha natawa ako :D

August 18, 2008

natatawa ako talaga sabi ko na eh ginanahan ako ngayon kaya eto ang third entry ko sa isang araw lang hahaha. hindi ko naman kasi inakalang may matatanggap akong sorpresa kaninang umaga. SAAN BA AKO GALING?

una, hindi ako gumala at inumaga sa labas hindi ko naman ugali yun. sabi nga ng iba wala akong night life, ayos lang yun hindi ko din kasi kinalakihan yun :D

pangalawa, alam ng mga kaibigan ko kung nasaan ako kapag biyernes ng gabi, sabado o kung minsan linggo hehe. kung bakit wala ako sa mundong ito kapag ganoong araw.

at pangatlo, natutulog ako ng maaga hindi umaga hehe. kaya ako minsan maaga maglibot dito sa blogosperyo at sumilip sa mga kaibigan ko kasi 6am kami kung umuwi. bago ako magtuloy ng tulog mas gusto kong silipin muna sila :D ganun ko sila kamahal :D

SAAN NGA BA AKO PUMUPUNTA?

tara lilibot ko kayo :D

 

eto, simpleng bahay lamang ito maliit lang mukha lang malaki sa larawan na to. kinuhanan ko ng litrato kaning umaga bago kami umuwi :D nakapantulog pa ako nyan :D

PUNTA TAYO SA LOOB?

sure haha ako at mga kaibigan ko ang nagpinta ng bahay namin ung loob lang ha ako din ang pumili ng mga gamit. wag kayo magugulat dahil hindi kagandahan tamang kaartehan ko lang :D pinilit ko maging artistic kahit hindi.

  oh diba maliit lang hehe eto ang sala ng munti naming bahay. apple green at tangerine ang napili kong kulay. sa sobrang liit nito kaya ang sofa namin ganyan lang pero ung center table namin may dalawa pang auto-man (tama ba?hehe) na pwedeng hilahin at ibalik dahil nga masikip kaya nagtipid kami sa espasyong magagamit :D

 eto naman ang kusina namin. tama sira na ito ngayon hahaha isang palpak na nabili ko hahaha itinawag ko sa our home ito dahil hindi magawa ng tatay kong bugnutin, bumigay ba naman oh di ba magaling :D

 hahaha nakakatawa pati palikuran namin kinuhanan ko na rin para kumpleto :D malinis naman yan. hahaha

MAY ITAAS BA ITO?

aba meron naman kahit paano. tingnan mo din?cge haha.

 eto ang hagdan namin. at ayon naman ang munti naming altar :D

 simple ang kwarto na ito. master’s bedroom ito may pinto papunta sa maliit na veranda at pinto papunta sa isa pang palikuran. haha lulubusin ko na rin ipapakita ko na rin.

 hahaha ayan. kulang bughaw yan. parang umaalon ka nga pag nandito ka haha.

 eto ang kwarto ko kasama ko dito si spiderearl at ate ko. dati kami lang dalawa ni spiderearl pero umuwi na galing dubai si ate mhay kaya tatlo na kaming nagsisiksikan dito :| humft. it supposed to be my room tsk tsk.

 hahaha hindi ito kasama. eto talaga ang kwarto ko sa luma namin bahay. mas gusto ko dito. mas masaya ako dito. mundo ko to. ang pasok patay. haha. tama luma man ang bahay namin sa bacoor pero mas gusto ko ito. mas gusto ko ang kama ko. ang TV ko na luma. lahat lahat. hehe

AHH GUSTO MO NG LUMABAS NG BAHAY?

hindi kita pipigilan hehe. tara :D

   

oh diba tama ka mahilig kami ng tatay at nanay ko sa halaman. pero mas mahilig ako sa mga halaman na namumulaklak :D eto ang white angel namin ng nanay ko. walang patid yan. hindi nawawalan ng bulaklak ba. tuloy tuloy. mahal ko ang white angel kasi pag galit ako tingnan ko lang yan mapapasa na ang galit ko sa mga iilan tipaklong na dumadalaw :D hehe

 tama ka. kubo ito. gazebo kuno kung tawagin ng kapatid ko hahaha. mali sya at tama ka kubo ito. un lang. hindi ko ito gusto dahil hindi pa kami close nyan haha dahil minsan sa isang linggo lang kami magkita at madalas gabi pa hahaha. medyo maalikabok sya na hindi naman pwede kay yeine dahil humahatching ako ng halos labinglimang beses na sunod sunod haha in short may allergic rhinitis ako saka matindi rin ang sinusitis ko hehe.

 

NAPAGOD KA BA?HAHA.

hahaha ayan tapos na. NANDITO AKO. hindi gumagala o kung ano pa man haha. hihintayin ko pa bang maging aug, 19? 11:30pm na haha ipopost ko na iito eh ano naman kung tatlo ang ginawa kong entry sa luob ng isang araw?hehe :D  puro todong ngiti ko dito haha tama ka rin masaya ako ngayon. ang dahilan ko ahhmm di ko na muna sasabihin. hahahaha :D  

♥YEINE♥

 

Posted by yeinechan at 10:31 pm | permalink

Previous Comments

wala akong masabi sa balaj! bongga! feel ko makisleep over dito ng 3yearS! susyal! pangmaharlike ateng!

hay sayang nga at di tayo nag abot, keri lang, nextime naman uli. inabot ako ng 4hours sa pag gawa ng label cloud! grabe trial and error ang drama. ang hiraaaaaaaaaap

mishu mare. yung sopas mo pina lbc ko na, mga 4 days bago dumating so iinit mo na lang. kung medyo panis na, shopon mo na :)

Posted by Myk2ts at August 19, 2008, 12:41 am

@myk, gcing pa ako mare hahaha npakaliit lang nya pero kung taung apat swak tau jan :D haha waaaa ang sopas ko huhu wag ka mapapanis haha :D hnd n aq OL ngrereview kc aq sa net hehehe mwah labumare!

Posted by yeinechan at August 19, 2008, 1:08 am

ang daya bat hindi ako naimbitahan para bumisita at magpintura?? :’(

huhuhuhuhuhuhuhu!

tampo na ko…:’(

Posted by jbernadine at August 19, 2008, 2:30 pm

waaa bujoy bee ku tampipot hahaha. ang nagpinta nyan si janine at feyok pero unang araw lang hehe. xaka nung blessing d n ko nainvite haha ala handa :] marami pa kau d nkakakita nyan poser yang bahay na yan hehe. dapat magsleepover tau dyan kaya lang si ate mhay hndi n bumalik ng dubai haha :] punta tau sa sat?

Posted by yeinechan at August 19, 2008, 6:25 pm

natuwa din ako ha ha

Posted by abou at August 19, 2008, 8:42 pm

@abou hahaha dumaan ka salamat hahaha nkakatawa nuh abnoy aku tatlong entry sa isang araw haha beat that :D

Posted by yeinechan at August 19, 2008, 9:48 pm

ay soshalerang palakaaaa! laaaveeet! hahaha. pag nagovernyt ng 3 yrs si myk, sasama ako! magkamatayan na! hahahaha. hindi ako aalis. :) ) ahahahaha. teka lang ah, may napansin ako eh.

hahaha ayan. kulang bughaw yan. parang umaalon ka nga pag nandito ka haha.

ano daw? kulang? hahahah. yeiniiiie. blog na yan! :) ) hahahahaha.

at teka lang, bat ka ngiti ng ngiti? yaaak. inlababo! hahahaha. inluuuurve ka nuuuh! hahaha alabshu yeinie! :) love rin kita myk2ts! hug hug!

Posted by bloom at August 20, 2008, 1:15 am

@bloom wahahaha kulay bughaw bloom hahaha sorry naman bagsak talaga ako sa pagtatype hahaha. ngumingiti ako pero d aku inlab hahaha
@mare myk wahaaha mis na kita!!!
@bujoy, lam ku n kung bkit d kaw pde school nurse ka nuon hahaha.

Posted by yeinechan at August 20, 2008, 9:38 pm

lumalalim ang tagalog mo. ang ganda talaga ng green.. :) )

Posted by Fey at August 21, 2008, 11:50 am

@fey hahaha humft ang green tsk tsk lumalalim bd?haha nahihirapan na ako magingles bwahahaha. nabili ko na buk ni bobong haha :D babasahin ko na uber sa impluwensya mu pti si rex ampnes!

Posted by yeinechan at August 21, 2008, 11:18 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment