"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

Home » Archives » 18. August 2008

haha natawa ako :D

August 18, 2008

natatawa ako talaga sabi ko na eh ginanahan ako ngayon kaya eto ang third entry ko sa isang araw lang hahaha. hindi ko naman kasi inakalang may matatanggap akong sorpresa kaninang umaga. SAAN BA AKO GALING?

una, hindi ako gumala at inumaga sa labas hindi ko naman ugali yun. sabi nga ng iba wala akong night life, ayos lang yun hindi ko din kasi kinalakihan yun :D

pangalawa, alam ng mga kaibigan ko kung nasaan ako kapag biyernes ng gabi, sabado o kung minsan linggo hehe. kung bakit wala ako sa mundong ito kapag ganoong araw.

at pangatlo, natutulog ako ng maaga hindi umaga hehe. kaya ako minsan maaga maglibot dito sa blogosperyo at sumilip sa mga kaibigan ko kasi 6am kami kung umuwi. bago ako magtuloy ng tulog mas gusto kong silipin muna sila :D ganun ko sila kamahal :D

SAAN NGA BA AKO PUMUPUNTA?

tara lilibot ko kayo :D

 

eto, simpleng bahay lamang ito maliit lang mukha lang malaki sa larawan na to. kinuhanan ko ng litrato kaning umaga bago kami umuwi :D nakapantulog pa ako nyan :D

PUNTA TAYO SA LOOB?

sure haha ako at mga kaibigan ko ang nagpinta ng bahay namin ung loob lang ha ako din ang pumili ng mga gamit. wag kayo magugulat dahil hindi kagandahan tamang kaartehan ko lang :D pinilit ko maging artistic kahit hindi.

  oh diba maliit lang hehe eto ang sala ng munti naming bahay. apple green at tangerine ang napili kong kulay. sa sobrang liit nito kaya ang sofa namin ganyan lang pero ung center table namin may dalawa pang auto-man (tama ba?hehe) na pwedeng hilahin at ibalik dahil nga masikip kaya nagtipid kami sa espasyong magagamit :D

 eto naman ang kusina namin. tama sira na ito ngayon hahaha isang palpak na nabili ko hahaha itinawag ko sa our home ito dahil hindi magawa ng tatay kong bugnutin, bumigay ba naman oh di ba magaling :D

 hahaha nakakatawa pati palikuran namin kinuhanan ko na rin para kumpleto :D malinis naman yan. hahaha

MAY ITAAS BA ITO?

aba meron naman kahit paano. tingnan mo din?cge haha.

 eto ang hagdan namin. at ayon naman ang munti naming altar :D

 simple ang kwarto na ito. master’s bedroom ito may pinto papunta sa maliit na veranda at pinto papunta sa isa pang palikuran. haha lulubusin ko na rin ipapakita ko na rin.

 hahaha ayan. kulang bughaw yan. parang umaalon ka nga pag nandito ka haha.

 eto ang kwarto ko kasama ko dito si spiderearl at ate ko. dati kami lang dalawa ni spiderearl pero umuwi na galing dubai si ate mhay kaya tatlo na kaming nagsisiksikan dito :| humft. it supposed to be my room tsk tsk.

 hahaha hindi ito kasama. eto talaga ang kwarto ko sa luma namin bahay. mas gusto ko dito. mas masaya ako dito. mundo ko to. ang pasok patay. haha. tama luma man ang bahay namin sa bacoor pero mas gusto ko ito. mas gusto ko ang kama ko. ang TV ko na luma. lahat lahat. hehe

AHH GUSTO MO NG LUMABAS NG BAHAY?

hindi kita pipigilan hehe. tara :D

   

oh diba tama ka mahilig kami ng tatay at nanay ko sa halaman. pero mas mahilig ako sa mga halaman na namumulaklak :D eto ang white angel namin ng nanay ko. walang patid yan. hindi nawawalan ng bulaklak ba. tuloy tuloy. mahal ko ang white angel kasi pag galit ako tingnan ko lang yan mapapasa na ang galit ko sa mga iilan tipaklong na dumadalaw :D hehe

 tama ka. kubo ito. gazebo kuno kung tawagin ng kapatid ko hahaha. mali sya at tama ka kubo ito. un lang. hindi ko ito gusto dahil hindi pa kami close nyan haha dahil minsan sa isang linggo lang kami magkita at madalas gabi pa hahaha. medyo maalikabok sya na hindi naman pwede kay yeine dahil humahatching ako ng halos labinglimang beses na sunod sunod haha in short may allergic rhinitis ako saka matindi rin ang sinusitis ko hehe.

 

NAPAGOD KA BA?HAHA.

hahaha ayan tapos na. NANDITO AKO. hindi gumagala o kung ano pa man haha. hihintayin ko pa bang maging aug, 19? 11:30pm na haha ipopost ko na iito eh ano naman kung tatlo ang ginawa kong entry sa luob ng isang araw?hehe :D  puro todong ngiti ko dito haha tama ka rin masaya ako ngayon. ang dahilan ko ahhmm di ko na muna sasabihin. hahahaha :D  

♥YEINE♥

 

Posted by yeinechan at 10:31 pm | permalink | comments[10]

9:27am :]

  

ehem ehem :] tama ba ito?may isang brillante sa larawan na sana nahahawakan ko :] wahaha! pakiramdam ko hindi naman ako dapat kasali sa mga ganito sa kadahilanang wala naman akong kwentang blogger. pero hindi ko na rin tatanggihan dahil baka (baka lang naman sa iba may kwenta ako haha)

♥PAGPAPASALAMAT

sa taong unang naging dahilan ko sa pagsusulat. hindi mo to mababasa pero salamat na rin.

kay BLOOM sa award na ito haha kahit na hindi ko alam bakit ako nabigyan nito pero it meant a lot. at least may mga taong nakakappreciate ng mga wala kong kwentang entries haha. salamat for being my constant companion kapag gabi at wala akong kausap sa ym haha humahanga ako sa galing mong kumanta (lagi akong isa sa nakakarinig haha) pero ang rendition mo ng pretty boy ang pinakapaborito ko hu hu ha ha :]

kay myk2ts,  mare, kinarir ko na rin sayang ang pagkakataon wahaha. i never imagined blogging will be this fun not until i met u (kasama na sina bloom at father) kakagaling ko lang sa site mo at hanga ako sa pagiging matatag mo gaya ng sinabi ko laban mo laban na rin namin (waaaaaaa wala kmi oice ahahaha)parang FPJ (sumalangit nawa ang kaluluwa nya)

kay jay,  hahaha isa sa mga bago kong kaibigan :] masarap magkaroon ng bagong friend na may hangarin sa pag-papari :] iba ang pkiramdam hehe dahil medyo bantay ako sa mga salita ko hehehe nakakahiya naman kasi na magsalita ng masamang mga words pag itong tao na ito ang makakausap mo hehehe

kay tinkerbell, sa walang sawa sa pagtuturo sa akin hehehe mis na kita bujoy :]

kay iyaypot, hindi man tayo nabigyan ng pagkakataon na maging magkaibigan dati pero natutuwa ako na dito pa sa mundo ng  blogosperyo nagkaroon ng chance ulit :] masaya ako naging kaibigan kita :]

kay fey aka uno_phom, hahaha isang kaibigan ko na walang sawa kong pinipilit na magkumento dito para hindi naman magmukhang nilalangaw sa pansitan ang site ko wahahaha salamat sa pagpapakilala sa ex mo na si bob ong wahahaha joke lang :] lablab kita alm mu yan :]

sa lahat, mga dumaan(kung meron man :]) sa mga nagbasa nagkomento, sa iyo, at sa kanya.

hindi ko sinasadya ang medyo mahabang pasasalamat pero dahil hindi na ako maktulog ulit at tumapos na rin ako ng 2 chapters ng libro ni saunders hindi na matigil ang mga daliri ko sa pagtipa ng keyboard haha dirediretso. ganito ako pag gusto ko sumulat o mas magandang sabihin na dumadaldal :] hindi pa ito tapos hahaha mahaba pa ang proseso nito hahaha :] wag mo ititigil ang pagbabasa sasabunutan kita cge :]

Here are the rules for passing on the award:

  • Put the logo on your blog. - sa sobrang saya ko kung pwede nga lang gawing backgroud eh haha.
  • Add a link to the person who awarded you. - sus si bloompot matagal na tatanda na yan sa links ko hehe
  • Nominate at least seven other blogs. - (magiisip pa ko)
  • Add links to those blogs on your blog. - [positive]
  • Leave a message for your nominee on their blog. - [fine :]

 PARA SA INYO TO :

tinkerbell - kung meron ka na nito hindi ko pa alam pero ibinibigay ko sa iyo yan hehe. kung meron ka man aba ayos lang yun ipost mo ulit para pangalawa astig :]

iyay - hahaha hindi pwedeng hindi ako bibisita dito pag OL ako hehehe magaling kasi syang sumulat :]

jamir - isa pa ito magaling sumulat, nakakalungkot nga lang kasi busy sya sa pagrereview kaya matagal magupdate pero may matutuhan ka sa knya matalinong tao kasi :]

fey - bahala ka san mo ilalagay ito wahahaha kahit wala kang blog sa iyo ko pa rin ibibigay haha.

oha dalwang entry sa isang araw haha nakakatawa :] mayang gabi meron pa ginaganahan ako ngayon hindi ko alam kung bakit :]

 

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 9:29 am | permalink | comments[5]

im HOME:]

wheeew just got home hahaha. its 7am in the morning. i visited my fs and my blogsite before i go to sleep AGAIN. I saw bloom’s msg on the chatbox hahaha ( i fondly call her _______ ) haha she will kill me if i’ll post her real name here hahaha BUT seriously THANK YOU. but the real award has been given to me few days ago when i met real friends like you, mare myk en jay :D will be back later to repost it bloom lovu dearly :D

 

 

 

ZZZZZZzZZZzzzzZZZzzzz…

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 7:21 am | permalink | Add comment