"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

Home » Archives » 16. August 2008

ma-pride kb? :]

August 16, 2008

Im currently watching MMK hehe :] at ilang beses ko ng narinig ako word na PRIDE. mali ung unang sinabi ko hehe patingin tingin lang ako sa tv ko kaya hindi ko talaga naintindihan ang story hehe. Ang alam ko lang mapride si Cherry Pie Picache na nanay ni Sarah Geronimo hehe ( hndi nmn sya nagsun-dance dito :]) anyway, pride. ung previous entry ko tinanong ko kung mabilis ka bang magpatawad. Susundan ko na lang ng tanong kung mapride ka ba?

Hindi ako mapride. pero meron naman ako nito minsan nga lang hindi ko alam kung kelan dapat gamitin o hindi, madalas kasi hindi ko ito nagagamit. hindi ko rin maisip kung bakit sinasabi ng ibang tao na un na lang ang natira sa kanila napapaisip tuloy ako ngaun kung bakit nila nasabi yun. wala na ba silang damit?o kahit bente-singko sentimos sa bulsa nila? napakaliteral ko pasensya.

maraming kahulugan ang salitang ito. self-importance ang isa.

When it comes to relationship. MA-PRIDE KA BA? ung tipong ikaw dapat ang inaamo amo? at madalas eto ang sinasabi mo “WAG MUNA TAYONG MAG-USAP.” hindi ka unang nkikipagbati?magmamatigas ka hanggang nagmumukha ng tanga ang boyfriend/girlfriend mo?Gustong gusto mo binibigyan ka muna ng peace offering achuchuchu? ( gandang word talaga nyan isa pa achuchuchu) haha nanghahaba nguso ko pati na rin ang nguso mo (wahaha) seryoso na nga. Ang drama mo ay magpatay ng cellphone pero bubuksan din naman di ba abnoy? Minsan oo masarap pag inaamo amo ka. PERO, hindi naman dapat palagi. wag naman ung tipong lahat na ginawa ng tao para lang mapatawad mo sya eh hindi pa rin lumambot ang puso mo at hindi mo pa rin tinitigilan ang pag-iinarte mo. tama na ung isa o dalawang araw na magmatigas ka lalo na kung KASALANAN naman nya pero PLEASE! kung kasalanan mo naman (wag kang gumamit ng defense mechanism) akuin mo na. hindi TAMA na kahit kasalanan mo eh ung tao pa rin ung pinahihingi mo ng tawad ano ka reyna/hari ng sireneya?(dyesebel na ito! wahaha!may hari ba duon?haha)

eto kabaligtaran ng taong MA-PRIDE. eto naman yung taong TANGA.

I think i fall slightly (slightly take note haha) on this category. Well its because its easy for me to say “Sorry”, easy to accept na fault ko yun. In short, most of the time i went overboard hehe. ako na ung sorry ng sorry. ako na ung nagbibigay ng peace offering. mas short ito ako ay isang T-A-N-G-A . liamang letra lang. oh db maikli. ikaw tanga ka din ba?kung oo. aba magkomento ka kung hindi inoobliga pa din kitang magkomento haha mananalangin ako na magiging pururos ang poopoo mo mamaya cge ka hahaha. anyway. un nga may mga taong tanga. walang kapride pride sa katawan. napakasubmissive. inaako lahat ng kasalanan. kahit hindi na nya kasalanan inaako pa din nila/kmi haha isa pa/ ikaw haha. ang dialogue nila madalas “SORRY FAULT KO NA. SORRY :[” yan yan. ganyan. Minsan nga daw nakakairita na. sorry ng sorry kahit hindi naman nya kasalanan. minsan naman ang dahilan nila/kmi/mo para wala n lang away. para wala na lang pagusapan. para tapos na okey na ulit masaya na ulit PERO wag naman sobra ung tipong AYAW ka na nga muna kausapin wag mo naman ipilit masyado. baka kailangan ng konting panahon para makapagisip-isip tapos ‘BREAK NA TAYO” ang sasabihin sayo matapos ang ilang araw na hindi nyo pag-uusap haha ayos so anong gagawin mo? susubukan mo ulit na ayusin pero wag ka ang mga nilalang na tanga sumusuko yan (db bloom?) at pag yan sumuko naku. ibang klase. dapat alam yan ng mga ma-pride na tao :)

 

SUKO NA AKO SA IYO!

sana sabihin na iyan ng kaibigan kong si bloom hehe db myk at jay?

dahil ako at baka ikaw din na nag-abalang basahin ang medyo may kahabaan na lathhalang ito na wala kang mkikita kundi maliit na letra na kulay chocolate brown baka ikaw ay minsan sa buhay mo SUMUKO NA RIN.

minsan ang pagiging mataas at masyadong nagbibigay ng importansya sa sarili at nauuwing matandang dalaga o matandang binata tandaan nyo yan :] hahaha

-♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 10:28 pm | permalink | comments[6]