-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)
patawad?
August 13, 2008“forgive me pls?”
mga salitang nabasa ko. hindi ko alam kung para sa akin ba yun o sa kanya. mapapahiya ako kung hindi para sa akin pero mas gugustuhin ko namang mapahiya kaysa isipin na para sa isa yun. tama. sana para sa akin iyon, dahil ang mababasa dito ay para sa KANYA rin naman.
MABILIS KA BANG MAGPATAWAD?
ako kasi oo. mabilis. isang sorry lang kahit hindi bukal sa loob napapatawad ko na. nagiging tanga na nga ako kakabigay ng patawad eh. may isang tao nga na halos maospital na ako sa mga ginawa nya pinatawad ko pa rin. kahit nga dalawang beses nya akong niloko. ayos pa rin. ewan ko ba aminado naman kasi ako na may pagkatanga ako. lahat ng tao tanga.yan ang pinaniniwalaan ko. pero biglang nagbago ako. hindi na ako madaling magpatawad gaya ng dati. hindi ko na mabilis ibigay ang salitang
“OK LANG at AYOS LANG YUN lalo na ang KALIMUTAN NA LANG NATIN YUN”
may mga dahilan naman ako. mga dahilan na sa tingin ko tama naman. nasa tingin ko katanggap tanggap naman. time heals all wounds kalokohan. kahit matagal na nangyari ang mga pangit na pangyayari hindi ko pa rin malilimutan ang mga sinabi ng dalawang tao.
mabait naman ako. masayahin pa nga kung tutuusin. minsan lang ako nagiging seryoso. pag ganitong may nakikita akong mga bagay na hindi maganda sa mata ko. pero naisip ko ano bang mangyayari kung hindi kita papatawarin. wala naman. tutuloy pa rin ang takbo ng mga jeep kahit mataas ang gasolina. patuloy rin namang magmimisa ang mga pari kung Linggo. ptuloy pa rin ang pamumulak ng white angel namin ng nanay ko. sa madali’t sabi tuloy ang buhay ko.hindi titigil para sayoat lalo para sa kanya. pero bigla ko na naisip na gawin ito. biglang pumitik sa utak ko ang mga nabasa ko..dalawang taon na rin mula noon. marapat lamang na sabihin ko to.
PINAPATAWAD NA KITA.
kahit hindi ko alam kung bakit kailangan pa. pinapatawad kita dahil gusto ko. dahil matagal na yun. dahil gusto ko na pag gising ko bukas ng umaga hindi na kita iisipin.masaya na akong mag-isa ako ngayon. tumatawa sa mga nakakatawang palabas at hindi na baliktad ang nagiging pakiramdam ko kapag nakakatawa ang pinanonood ko. kumakain ng hindi umiiyak. nalilimutan kung anong petsa ka ba isinilang. masaya na ako. kahit ganito lang ako. kahit para sayo wala akong kwenta. kaya mo nga ako iniwan db?
PINATATAWAD KITA PERO HINDI KO MALILIMUTAN LAHAT NG SINABI MO AT SINABI NYA.
hindi ako galit. tamang seryoso lang. hindi ko din naman makuhang tumawa eh. hindi ako galit SAYO. o sa kahit sino mang tao. mabubuhay ako kahit wala kayo. mas maganda nga matatahimik ako. at para sa KANYA. (UNG TAONG PINILI MO) masaya ako at masaya na sya kahit hindi na kayong dalawa ngayon. pero ang kamay ng pagkakaibigan ay kinalulungkot kong sabihin na hindi ko kayang iaabot sa ngayon.at baka hindi na mangyari pa.
inuulit ko.
TAPOS NA.TAMA NA. SANA MAGING MASAYA KA NA.
ito ang huling entry ko na para SAYO. aaminin ko pa rin na ikaw ang dahilan kung bakit nalulungkot at umiiyak ako. hindi naman masama kung malalaman mo yun at ng lahat ng taong makakabasa nito.
sinabi ko sayo ito dati
“i want to share my lifetime with you.even the life after next”
at sinabi mo to
“i will love you not for the rest of my life but for the rest of yours.”
mali.hindi na pala.tama hindi na talaga.
pahabol :
masyadong seryoso at mushy ang binitawan kong linya sa hulihan.pasensya :]
Previous Comments
@myk2ts knina lang dumalaw ako sa site mu.natuwa ako sa entry na bitin. tpos bglang ngbago sistema ng utak ko. tama. lahat ng tao nagpapatawad. sana sya rin skin.
Posted by yeinechan at August 14, 2008, 1:19 amLet go, and Let God!
Basta nakapagpatwad ka na, asahan mong maayos na rin yun. Basta dapat lang totoong na forgive mo na siya. yung tipong ala ng babalikan na bad memories or sumbatan pag dating ng araw, yung wala ng bitterness.
i let go ang bad memories, and let God!
Posted by jay at August 14, 2008, 9:43 pm@ jay thanks sa pagdaan. uh, tama, may mga nagawa man ako sa kanya o sa kanila may mga nasabi man akong hndi mganda. hinihingi ko rin ng tawad sa knila un. sana lang maging totoong masaya na sila sa knya knya namin buhay.
Posted by yeinechan at August 14, 2008, 10:13 pmhmmm…parang nangyari na rin sa kin to. i guess the difference is, di ko lang pinatawad, tinanggap ko ulit, and im being haunted by it until now…
haaayyy…ganyan talaga buhay buhay, just be good to yourself. ang tao pag nasasaktan parang injury sa katawan yan e, kelangan ng recovery period. darating din ung time na wala ng kurot sa puso pag naisip mong napatawad mo na ung tao, ^__^
Posted by meah at August 14, 2008, 11:04 pm@meah im pretty good now. wala naman syang gnwang msama tlga except that he fell for somebody else. i have recovered. long long ago.
Posted by yeinechan at August 14, 2008, 11:20 pmhalah. emote emote ka nanaman! ano ba yan?
Posted by bloom at August 15, 2008, 12:42 am@bloom emote ba?hindi naman seryoso nga ako eh. 2 days ago pa naman yan. tumatawa n nga ako kgbi pa :] aux na ko :] sana ikaw din haha bleh
Posted by yeinechan at August 15, 2008, 10:25 amafter reading ur post napabuntong-hininga ako..*pasintabi sayo ah* pero natuwa nmn akong malaman na normal pala ung yrs bgo makamove on! hahaha! nagkaron pala ako ng karamay hehe
anyway, tapos n nga nmn.
tama si jay LET GO & LET GOD! u deserve sum1 better ung d kna paiiyakin habang nakain at nanonood ng tv..hehehe mahirap un! toxic!
haha. ayos na ayos naman n ako iyay
nku mukhang nkarelate ka hehe. anu kaya ang kwento ng iyo
salamat sa pagdalaw
saying you forgive someone takes great courage. some takes forever just to say they’ve forgiven the people who hurt them real bad (in your case 2yrs). still, no matter how long or short the duration you stayed mad at that person, saying “i forgive you” is really a big step and i greatly admire what you did. it ain’t easy, but you did it. kudos. ^_^
Posted by jamir at August 18, 2008, 10:28 pm@jamir,
( forgiving him was damn hard. im glad its over. saka i agree with what u just said. it takes courage talga. salamat jamir.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







sad naman ng entry. aww
hindi katangahan ang magpatawad. basta alam ko, mabuti kang tao dahil sa kabila ng lahat ng di magandang bagay na nagawa ng iba sa iyo, nagpapatawad ka.
kailangan natin yun. tapos kalimutan ang lahat. at mag move on.
:)
Posted by Myk2ts at August 14, 2008, 12:37 am