"love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be"

-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)

Home » Archives » 13. August 2008

patawad?

August 13, 2008

“forgive me pls?”

mga salitang nabasa ko. hindi ko alam kung para sa akin ba yun o sa kanya. mapapahiya ako kung hindi para sa akin pero mas gugustuhin ko namang mapahiya kaysa isipin na para sa isa yun. tama. sana para sa akin iyon, dahil ang mababasa dito ay para sa KANYA rin naman.

 

MABILIS KA BANG MAGPATAWAD?

ako kasi oo. mabilis. isang sorry lang kahit hindi bukal sa loob napapatawad ko na. nagiging tanga na nga ako kakabigay ng patawad eh. may isang tao nga na halos maospital na ako sa mga ginawa nya pinatawad ko pa rin. kahit nga dalawang beses nya akong niloko. ayos pa rin. ewan ko ba aminado naman kasi ako  na may pagkatanga ako. lahat ng tao tanga.yan ang pinaniniwalaan ko. pero biglang nagbago ako. hindi na ako madaling magpatawad gaya ng dati. hindi ko na mabilis ibigay ang salitang

OK LANG at AYOS LANG YUN lalo na ang KALIMUTAN NA LANG NATIN YUN”

may mga dahilan naman ako. mga dahilan na sa tingin ko tama naman. nasa tingin ko katanggap tanggap naman. time heals all wounds kalokohan. kahit matagal na nangyari ang mga pangit na pangyayari hindi ko pa rin malilimutan ang mga sinabi ng dalawang tao.

mabait naman ako. masayahin pa nga kung tutuusin. minsan lang ako nagiging seryoso. pag ganitong may nakikita akong mga bagay na hindi maganda sa mata ko. pero naisip ko ano bang mangyayari kung hindi kita papatawarin. wala naman. tutuloy pa rin ang takbo ng mga jeep kahit mataas ang gasolina. patuloy rin namang magmimisa ang mga pari kung Linggo. ptuloy pa rin ang pamumulak ng white angel namin ng nanay ko. sa madali’t sabi tuloy ang buhay ko.hindi titigil para sayoat lalo para sa kanya. pero bigla ko na naisip na gawin ito. biglang pumitik sa utak ko ang mga nabasa ko..dalawang taon na rin mula noon. marapat lamang na sabihin ko to. 

 

PINAPATAWAD NA KITA.

kahit hindi ko alam kung bakit kailangan pa. pinapatawad kita dahil gusto ko. dahil matagal na yun. dahil gusto ko na pag gising ko bukas ng umaga hindi na kita iisipin.masaya na akong mag-isa ako ngayon. tumatawa sa mga nakakatawang palabas at hindi na baliktad ang nagiging pakiramdam ko kapag nakakatawa ang pinanonood ko. kumakain ng hindi umiiyak. nalilimutan kung anong petsa ka ba isinilang. masaya na ako. kahit ganito lang ako. kahit para sayo wala akong kwenta. kaya mo nga ako iniwan db?

PINATATAWAD KITA PERO HINDI KO MALILIMUTAN LAHAT NG SINABI MO AT SINABI NYA.

hindi ako galit. tamang seryoso lang. hindi ko din naman makuhang tumawa eh. hindi ako galit SAYO. o sa kahit sino mang tao. mabubuhay ako kahit wala kayo. mas maganda nga matatahimik ako. at para sa KANYA. (UNG TAONG PINILI MO) masaya ako at masaya na sya kahit hindi na kayong dalawa ngayon. pero ang kamay ng pagkakaibigan ay kinalulungkot kong sabihin na hindi ko kayang iaabot sa ngayon.at baka hindi na mangyari pa.

 

inuulit ko.

TAPOS NA.TAMA NA. SANA MAGING MASAYA KA NA.

ito ang huling entry ko na para SAYO. aaminin ko pa rin na ikaw ang dahilan kung bakit nalulungkot at umiiyak ako. hindi naman masama kung malalaman mo yun at ng lahat ng taong makakabasa nito.

sinabi ko sayo ito dati

“i want to share my lifetime with you.even the life after next”

at sinabi mo to

i will love you not for the rest of my life but for the rest of yours.”

mali.hindi na pala.tama hindi na talaga.

 

 

pahabol :

masyadong seryoso at mushy ang binitawan kong linya sa hulihan.pasensya :]

 

 

Posted by yeinechan at 11:49 pm | permalink | comments[12]