Home » Post Item » kwentuhang barbero :D
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


kwentuhang barbero :D

August 10, 2008

kachat ko sa ym si bloom. gumagawa sya ng bagong entry sa site nya. dahil inggetera ako gagaya na din ako. walang kwenta ang entry na to. kwentuhang barbero nga. nakilala nyo na si earl di ba ang pamangking kong umiidolo kay spiderman. ipinaglalaban nya si spiderman kahit kanino kahit ata ikahospital nya ito hindi sya magpapatalo. madalas kami nagaaway wala naman bago dun haha si superman kasi ang iniirog ko hahaha tama. mahal ko si superman sa dahilang hindi ko rin mawari. pero iba ang pamangkin ko. kay spiderman umiikot ang mundo nya ang pangarap nga nya sa buhay eto “to be bitten by a poisonous spider” oha ipinasa sa guro nya yan. tama mahilig sya sa gagamba at dahil takot ang yeine sa kahit anong gagamba taob ako pag yun na ang hawak nya haha. dahil may kaunting perang naipon ang mga magulang ko nakabili kami ng isa pang bahay tatlo ang kwarto pero ung isa hindi pa ginagamit dahil kwarto daw un ng pamangkin kong umiidolo kay spiderman. gagawin daw superman este spider-inspired ang mallit na espasyo na iyon para sa kanya.naman!.haha. sabado kagabi walang bubble gang pero di pa rin kami natulog. mag-kausap kami ng pamangkin ko hanggang ala-una ng umaga eto ang usapang barbero namin hahaha napakahaba ng umpisa eto lang pala ang sasabihin ko wahaha.

ako: earl, nananaginip ka ba?

spiderearl : oo, minsan mga once a month (hala bilang?haha parang sure sya)

ako: ano naman npapanaginipan mo?

spiderearl : minsan nkakalipad ako ng walang pakpak (grabe astig! haha)

ako : talaga. ang galing naman!

spiderearl : minsan nagkakaroon ako ng sapot mga ganun (hahaha wow sapot!)

ako: hoooo barbero ka nman.

spiderearl : minsan nga may mga special abilities ako! wacha!wacha! (ginagaya ang hand gesture ni spiderman)

ako : ganun cge tulog na tayo.

spiderearl : bkit tita?

ako : basta tulog na.

 

 

hahaha barbero talaga.tsk tsk. natatawa ako. okey na ung umpisa pero ung sa sapot at special abilities wahahahaha alam n alam ko kabarberuhan ng pamangking kong umiidolo kay sipderman un hahaha.un lang. nakakatawa mga sinusulat ko ako lang natatawa hahaha wala naman ako pakielam kung hindi matawa ang iba dahil mabibilang ko nman sa daliri ko ang mga nagbabasa wahaha :D

 

IBANG ISTORYA…..

 

-kakauwi ku lang pala ngpafacial badtrip masakit talaga un. hindi biro ang iniyak ko dun. pero ayos lang. bawi ang sakit sa tawanan namin kaibigan kong sina ces at eloi. ayos un. haha kahit tahimik dun kahit parang pana ang sounds kahit nangibabaw ang tawanan namin na susundan ng ouch aray hikbi ayos na ayos kahit na binabaan si ces ng phone ni lola ellen ayos pa rin haha la lang. ibang istorya ito. shinare ko lang :D haha natry nyo na magpafacial di ba?cge nga kau ba sumaya?ay dahul friendly ako ate cely pangalan ng ntapat sa akin sbi nya pa mam (nkikita nya umiiyak na ako haha) kelangan magsacrifice para gumanda. haha di ko lang masabi ulol haha. naman masakit kc tlga. parang sa painscale 20 un 10 being the highest.haha lagpas lagpas na. humihingi ako kahit topical anesthsia wala daw haha asa kse akong meron :D tapos na po ito. babasahin ko ng paulit ulit haha. sarap maging masaya :D hahahaha isa pa hahahaha!

Posted by yeinechan at 10:50 pm | permalink

Previous Comments

haha panalo sa pangarap si earl: “to be bitten by a poisonous spider” ‘wa ako ma-say! hehe

yan msrap s bata pg kausap masyadong mawalak imagination haha, wag lang sila magtatanong ng sunod-sunod ng wlang kabuluhan na “why?” “why tita?” “eh, why?” sa isang upuan.

Facial–never ako nagpafacial! waahhh kasi ime-maintain daw yan..ayaw, lalo pa now ala ako allowance pangmaintain jan! hahaha

Posted by iyay at August 12, 2008, 12:33 pm

@iyay tlgang merong @iyay eh si iyayapot lang ang may comment hehe. nku tama wag na magpafacial dhil mkinis aman face mu. hehe. pero pag birthday mu itreat kita ng gnun kc friend kita hahaha dahil friend tau dpt mranasan mu rin eun hehe db?

Posted by yeinechan at August 12, 2008, 9:03 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment