-John Tyree
(Dear John by Nicholas Sparks)
magulo.wag basahin.
August 4, 2008Anong oras na ba?naghahanap ako ng relo wala naman akong makita. masakit ang ulo ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil naulanan ako o kung ano. basta masakit ang ulo ko.magulo din ako ngayon. Pinatay ko na ang pc binuksan ko lang ulit. Hindi ako makatulog. Ang tagal kong naglagi sa friendster pero halos 1 oras dun tulala ako.blangko. Sumilip ako sa mga kaibigan ko dito sa blog nagbigay ng mga komento.logout.Humiga at pinilit matulog.Bumangon binuksan ang pc at eto ako ngayon sinusubukan sumulat ng isang lathala na pipiliting kong magkaroon ng kabuluhan. (nagiisip) hindi ko ata magagawa. magulo talaga. hindi ko alam kung malungkot lang ba ako o nagugutom ako o masakit ang ulo ko. tinitipa ko ang keyboard pero hndi ko mabigyan ng magandang kwento ang naiisip ko. tama magulo ako ngayon. lahat naman ata ng tao magulo. walang hindi. walang hndi naguguluhan. tiningnan ko ang cellphone ko kung pang apat na araw na ata ang baterya nito hndi ko na rin alam. ni hindi ko nga matandaan kung nasaan ang charger nito. napasulyap din ako sa tv hindi ko rin alam ang palabas na pinanood ko. kanina lang ang saya saya namin ng tropa, walang katapusang tawanan. tapos ngayon nagiisa ako sa kwarto ko parang lugmong lugmo ako. hindi ko alam kung may iiyakan ba akong bagay o wala. hindi ko alam kung sya ba ang dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. magulo. bitin ang mga naiisip ko.kulang ang lahat ng sinasabi ko dito.naduduwag ako. tama duwag ako aminin sa sarili ko na nalulungkot ako. oo dahil sayo. pinalulungkot mo ko
hindi mo alam.kahit wala kang ginagawa.kahit wala kang sinasabi, kahit hindi kita nakikita. naiinis ako. nagagalit ako sa sarili ko. nakukuleleng na ang utak. masama nga ang timpla ko ngayon. parang magkakasakit ako. tapos na to. walang kwenta.walang talaga. kadramahan ng isang yeine ang masasalamin dito. isang magulong entry na sana wag ng pagkaabalahang basahin ng iba.gnawa ko to para sa sarili ko.
tinapos m b?pasensya na
Previous Comments
hang in there.
lht ng tao may kanya-kanyang dahilan pra malunkot, kung anuman ang sa iyo ayus lng na ilabas mo yan sa pamamagitan ng blog o ng pagbabahagi nito sa mga friends mo…that way kasi nale-lessen ung nrramdamn nting sadness dba? so ok lng yang “magulo. wag basahin” entry mu.. malay mo may makpagshare pa ng advce siu dba? think of other things dat wud make u happy
hindi ko binasa. chika! hope you’re alright.
@bloom - hay oo nga sis pero ayos na rin naman ako hehe tumatawa na ulit saka kumakain na ulit ng marami haha ![]()
@Jamir - thanks jamir
means a lot po.
@iyay - nku ang iyay hehe ur right after i posted this entry nging medyo ok na ko
hayy sarap ng feeling pag nanjan kau promise
salamat tlga sa pasko sana hndi nyo ku mkalimutan haha kidding hndi ku kayo mkakalimutan sa pasko pangakong malupit yan haha
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







:( ganyan din ako kahapon eh. labo mehn! parang nung isang araw lang, parang ok na tayo. ngayon, weto nanaman. waah naman! aaargh.
Posted by bloom at August 4, 2008, 5:54 am