Home » Archives » August 2008
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


hilong bata :[

August 31, 2008

Kakauwi lang namin kaninang mga 10pm maaga kaysa inaaasahan. Nagpunta na ba kayo sa comedy bar? kami kasing magpipinsan saka mga kaptid ko madalas pag umuwi sila para magbakasyon, masaya kasi kahit na medyo green ang mga jokes ok lang. Masaya nga pag na-ookray ang ate ko na ubod lakas tumawa eh kita na daw kasi ang ngalangala nya hehe. Kanina hindi bar ang pinuntahan namin, its a show for a cause, made possible by miranda square foundation. Maganda ang lugar syempre duon ako nagdiwang ng ika-labinwalong kaarawan ko eh. Bumili tiket ang nanay ko apat so ang mga kasama SI MAMY, SI ATE MHAY AT SI KUYA MHARK AT AKO NGA. Ayos na 7:30 pm nandun na kami 7:00 pm daw nagstart eh duh ang nakalagay sa ticket ay (check ko muna…) ay ay 7:00pm nga bwahahaha aba aba malay ko ba na magiging on time yun knowing mga pinoy hehe. so 7:30pm nandun na kami. hell, wala na upuan konti na lang pero dahil nireserved na kami ng manager ng miranda square medyo maayos naman ang napwestuhan namin. pero pare malapit kami sa speaker, halos lumndag ang puso ko kapag tutugtog na ang Buttons ng Pussycatdolls. Hindi ko na ininda baka sabihin ng usherette ang arte ko hehe. so omorder na lang ako ng fries, coke, saka chicken wings nandun naman nanay ko bahala na sya magbayad hehe. ayos na sana pero napansin ko para akong naliliyo umiikot ang paningin ko. grabe naman kase ang ilaw ubod ng dami lahat ata ng shades ng green meron. promise ibang klase, daig pa nasa disco. Maingay na ang music tapos ganun pa ang nakikita ng mata ko halala bumigay ang yeine. Hindi kinaya at matapos ang dalwang oras at kalahati nagyakag na akong umuwi. hehehe katext ko pa si chi nun sows hindi ko tuloy ntulungan sa prob nya kasi naman ang natakbo tlaga sa utak ni yeine ay ILAWWWW!!!

 

 :| eto may picture ako bago ako nagyakag umuwi promise makulay at makutitap hehehe sa comedy bar kasi usually pag ngpapalitan na ng mga joke ang mga bading spotlight na lang pero dun iba. buti na lang sa foundation mapupunta ang mga napagbilan ng ticket naku kung hindi sinumpa ko na hehe. kooonin ayan sikat ka, wla akong maalalang joke dahil sa pagkahilo meron man akong naalala hindi ko na babanggitin haha. medyo hindi okey na ipost ko pa dito pero magaling ung mga stand-up comedian si divine tetay at wendell ng 22nd second street ang nandun hehe.un lang. o sya tulugan na hehehe!

Posted by yeinechan at 1:00 am | permalink | comments[6]

TAG aku :]

August 30, 2008

hahaha nakakabaliw gumawa ako ng entry kanina mga 10pm so aug 29 pa yun, aug 30 na ngayon kasi 1:22am na hindi ako makatulog kaya eto naglalagi ako sa munti kong mundo haha autistic na ata ako :] na-tag ako ulit ni bloom nkakatakot medyo down sya ngayon kung hindi ko ito kakaririn baka sabunut nya ako hehe kaya wala rin lang ako magawa ginawa ko na rin (ayos!) pagkatpos nito. susubukan kong magbasa pero pag inantok na ako matutulog na ako syempre ayoko abutan ng sikat ng araw na dilat pa ko :] hindi ko nga kasi gusto  ang kakalabasan ng name ko hahaha kaya ayaw ko gawin hahaha ntatawa kasi ako sa kinalabasan ng panglan ko grrrr hehehe.

For the instructions, add your name on the list and simply spell out your name using the given Japanese letter- translations below. Tag 7 of your friends and inform them of the tag. Have fun.

TRANSLATION:
A - ka /G - ji/M - rin /S - ari/Y - fu

B - tu /H - ri /N - to /T - chi /Z - z
C - mi/I - ki /
O- mo /U - do
D - te /J - zu /P - no /V
- ru
E - ku/K -me/Q - ke /W
-mei
F - lu /L - ta /R - shi /X - na

 YEINE ( fu-ku-ki-to-ku) :|

grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr :| hehehe Oh di ba sabi sa inyo ang panget eh hehehe pero nakakatawa medyo bastos kasi sa pandinig ko :| sa inyo ba hindi bwahahaha naman kasi hehehe try mo sau parang walang maganda na kakalabasan eh hehehe.

 sana gawin ni

*tinkerbell

*iyay

*ibabalik ko na lang kay bloom hahaha

*pngalawa n ku kay myk2ts haha

*pati ke father jay na rin :D

—->>> nagulat ako aalis kasi kami ng mga mommy mamayang gabi (tama ba? gabi ng aug 30?) okie okie tama hehe manunuod kami ng stand-up comedy nagulat ako may ticket na sya wahahaha kaya hindi kami uuwi ng imus next week na lang. at gawa na pala ang dining set namin wahaha salamat kay Ma’am Joy ng Our Home at hindi na kami sa sala kakain wahaha :)

Posted by yeinechan at 1:15 am | permalink | comments[4]

katuwa lang to :]

August 29, 2008

Mga babies ko just turned six months last August 15 hehehe i just want to share you guys something i captured on video :) Stress-free ako pag kasama ko sila, i felt like i do not have any difficulties na pinagdadaan, with them i can laugh as loud as i want.Makikita nyo rin si shobe dito im missing her sobra teary-eyed pa rin ako pag naiisip ko sya :(

Balik tayo sa mga babies ko hehehe ayoko umiiyak eh yun nga kahit na sobrang makulit sila at sobra akong namumulubi sa kanila, hindi ko pa rin ipagpapalit ang saya na dulot nila sa buhay ni yeine. Its very easy to wean my princesses hehe mga 1 and half months lang nawean ko na sila from breastfeeding hehe. wala lang, sino mga dog lover dyan alam ko sobrang precious ng mga ganitong moments hehehe guess nyo na lang kung sino si

YUNA, YANNIE AT YUMIE 

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 10:03 pm | permalink | comments[4]

para sa’yo

August 27, 2008


HAPPY BIRTHDAY!

I know you won’t be able to read this :( i dont have the guts. Hope you’ll find the girl you’ve been praying for.

It took one look
And forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you

There i was
Thought i had everything figured out
Goes to show just how much i know
’bout the way life plays out…


I take one step away
but i find myself coming back to you
My one and only, one and only you


Now i know
That i know not a thing at all
Except the fact that i am yours
And that you are mine

They told me that this wouldn’t be easy
And no
I’m not one to complain…
you..

You made me feel the real meaning of this song. The way you sang it with your guitar was priceless. I miss that. I would trade my last breath just to hear it again :(

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 6:22 pm | permalink | comments[8]

mga taong stranded :]

August 26, 2008

Minsan akong nastranded sa baha sa bandang Navotas hindi ko na rin matandaan ang pangalan ng mismong lugar ang alam ko lang isa iyon sa pinakamalayong lugar na napuntahan ko para mag-duty. Nakikipagsapalaran ang aming grupo na baka, baka sakaling makumpleto namin ang cases namin sa DR (delivery cases) o mas tamang sabihin sa tagalog nating lingwahe, mga bilang ng mga nanay na nanganganak (5 actual, 5 assist and 5 cordcare) basta yan na yun. Navotas ang natatandaan ko 10-6 ang duty ko, sasakay ng bus papuntang pasay at sasakay ng LRT bababa sa huling istayon ang monumento. Isang gabi ng duty namin, hindi maganda ang panahon, nangangalit ang langit na parang sinasabi umuwi na kayo. wala kayong duty. pinapauwi na kayo ni Ma’am Sanchez (CI namin) pero tumuloy pa rin kami. pagbaba namin ng monumento nasilip namin ang kalsada, aba aba baha. Tumawag ako sa CI “Ma’am baha po, hindi po kami makapunta po dyan” sabi ng CI namin “naku naku cge kung makakasakay kayo ng LRT pabalik ng manila ayos lang bukas na kayo magduty kung hindi naman ipapasundo ko kayo sa asawa ko jan at dito na kayo magpalipas ng gabi” (aww sweet talaga ni Ma’am Rosaline) sa madali’t sabi naabutan pa namin ang huling byahe ng LRT pero kailngan namin tumawid sa baha. Hindi ko alam ang gagawin kung itatapak ko ba ang paa ko sa maruming tubig na tumitilamsik pa dahil sa mga jeep na ptuloy bumabyahe humahangad ng munting kita kahit sa kasagsagan ng ulan. Hindi ko rin alam kung bakit kailan lumusong sa baha ng puti kong sapatos, lalo na ang puting stocking at uniporme ko. Stranded kami. Stranded ako. Luminga linga ako pero wala akong makita kahit isang tipak ng malaking bato na pwede kong ipatong ang munti kong mga paa. Pero kailangan kong lumusong para makauwi ako. Gusto kong makauwi. kahit abutin man ako ng madaling araw sa byahe basta makauwi na lang. Lumusong ako naglakad sa baha. mahirap lalo’t ang laki ng bag kong dala. Mahirap dahil gabi na maraming tao, umuulan, siksikan, unahan sa huling byahe ng LRT pabalik ng pasay. Mahirap pero hindi ko kayang mastranded na lang doon lalo na’t hindi ako pamilyar sa lugar. Gusto kong umiiyak naiisip ko sana tinamad na lang akong pumasok para hindi ako mahirapan.

BAKIT KO NAIKWENTO TO?

Simple, inihahalintulad ko to sa buhay ko o maaring sa buhay mo ngayon. Stranded ka ba? ako noon stranded din ako eh. Hindi ako makalakad palayo sa kanya (taena mga banat mo yeine!) seryoso. para akong stranded sa baha. It takes a lot of strenght to walk away. Bakit ka pa hindi aalis di ba?kung nasasaktan ka naman masyado. Gawin mo kahit mahirap lumakad ka at wag kang lilingon pa. isa itong pagkakataon na dapat hindi ka makaramdam ng takot. takot na baka hindi mo kayanin. takot na baka hindi ka makalimot. kalokohan yan. malilimutan at malilimutan mo rin ang tao na nanakit sayo. Everything needs to be taken one step at a time. Hindi pwedeng lumipad na lang kaming magkakaklase pabalik sa istasyon ng LRT kailan namin suungin ang matinding ulan at rumaragasang baha. Gaya mo, hindi pwedeng kapag natulog ka kinabukasan okey ka, hindi isang araw ang healing process ano ka hilo. matagal yan pero kung hindi ka maguumpisa  wala kang pupuntahan, masaklap baka magkasakit ka pa kakaisip kung bakit hindi naging maayos ang takbo ng relasyon ninyo gayong napakasaya ng umpisa. Ganun talaga. May mga kaibigan na aagapay sayo para hindi ka mabuwal, may mga paraan para kahit paano maibsan ang hirap na pagdadaanan mo. Ayoko mastranded sa baha ng matagal mas nakakatakot, mas nakakakaba hindi mo alam baka tumaas lalo ang tubig at malunod ka pa (eh tanga mo na lang) Gusto mo rin namang umuwi di ba? magpahinga, matulog ng mahimbing o kung gusto mo umiyak ka pwede rin naman yun ang mas mahalaga hindi ka stranded sa kanya. Hindi huminto ang pag-ikot ng mundo dahil sa kanya, hindi ba mas masaya yun.

Mga taong stranded, iwanan nyo ang takot, iwanan nyo ang pag-aalala, KAYA NYO NAMAN YUN.

ilakad nyo unti unti ang paa nyo at hindi nyo mapapansin malayo na pala kayo sa taong akala nyo hindi nyo kayang iwan :D

 

♥YEINE♥

Posted by yeinechan at 10:03 pm | permalink | comments[4]