Home
" Hindi mo mapapatigil ang pag-ikot ng mundo para sa isang tao. Sos! Ano ka superhero? :p


Nung nagreply sya.

April 4, 2011
Tama. Nagreply nga. At isa pang tama binuksan ko nanaman ang ym id ko na un. Ngayon ko lang nabasa ang reply na na ” Oo naman.” Oo, buhay pa sya. Sa totoo lang akala ko iiyak ako (weh? drama much?) pero wala akong naramdaman na lungkot, yung parang okay na. Yung parang wala ng pain. Good sign un di ba? Matagal tagal na rin naman kasi. Hindi ko lang akalain na wala na sa akin lahat. Nagulat din ako sa sarili ko na hindi ako nalungkot bagkus natuwa pa nga ako na nagreply sya na may “hehe” sa dulo e. Pero parang hindi nga rin sya dahil may “po” yung sagot nya. Hindi ko matandaan na magalang na bata ito e. Pero natutuwa ako. Naiisip ko na kung magkakausap kami kung ano ang mapaguusapan namin. Kung magiging katulad pa din ba ng dati na puros kalokohan lang at minsan lang magseryoso. O magiging iba ba. Yung tipong parang hindi kami magkakilala. ang huling lathala nya sa blog nya ay may petsang september 20. Yun din ang petsa ng pag-uwi ko sa Pinas. Ay oo nga pala pauwi na ako. Ano kayang kwento ng buhay nya ngayon. Magiging makwento kaya ako pag nagkausap kami ulit? Hindi ako sigurado pero isa lang ang alam ko maaring madugtungan hindi ang “fairytale” na inakala ko nuon. Sa pananaw ko at nararamdaman ko madudugtungan ang naunsyaming pagkakaibigan. Pagkakaibigan na hindi ko napahalagahan ng masyado. Pagkakaibigan na binibigyan ata ni Lord ng isa pang pagkakataon. Dahil kahit saang angulo mo tiningnan kung paano kami nuon, swak talaga kami sa paguugali ng bawat isa. Kung baga sa malaysian coffee na paborito ko ngayon ay tamang tama ang timpla ako kasi ang “milk” component nun kung baga ako ang coffee mate dahil di hamak na maputi ako at syempre sya ang kape dahil well maitim sya.
*takbooooooo*
Posted by yeinechan at 3:11 am | permalink | comments[2]

One Bigtime Katangahan! :)

April 2, 2011

Hindi ko maiwasan hindi tumawa sa nagawa ko ngayon ngayon lang. Noong nakaraang gabi binalot nanaman ang kwarto ko ni mister kalungkutan. Kaya naisip ko na buksan ulit ang munti kong tahanan ng mga nagwawalang letra para baka sakali may masilungan sila. Nagawa kong pauwiin ang mga salita sa utak ko noong nakaraang gabi ng biglang dumating si binibining duwag. Kaya imbes na sa “post” nailagay ay sa “draft” napunta. Hindi ko na bubuksan pa para mabasa ng mga taong lumalakad sa bahay ko para magadvertise ng laban ni manny o kung ano ano pa. Ngayon lang isang malaking katangahan ang nagawa ko. Nakabukas ang yahoo.messenger ko na ibang id. Hindi ko naman talaga balak buksan pa iyon dahil wala lang. Hindi ko lang gusto ung id na un “yuna.lovmuch” err walang sense, walang katuturan na id ko noon. Sa madaling salita binuksan ko sya at balak ko na ulit gamitin ng bigla ko nakita ang ym id ng “tao” na un. Kagabi nagulat ako na naka-add pa pala sya dun. Hindi ko alam kung ginagamit pa ba nya o hindi na. Tinitigan ko lang kagabi ung id na un habang sumasakit ang ulo ko. Tapos log out din ang kinahantungan. Hindi ko binura dahil ahm, hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit hindi ko binura. Ngayong gabi naman siguro mga kinse minuto pa lang ang nakakalipas ng napansin ko nanaman ang id nya na HINDI KO BINURA. Siguro dahil wala akong magawa at halos lagpas alas onse na ng gabi. Sinubukan ko na magpadala ng mensahe na KAMUSTA KA NA? BUHAY KA PA BA? - na WALA akong balak na ipadala talaga. Parang gusto ko lang sya kausapin sa hangin. Parang tanga lang sana ako makikipagusap sa wala na sobrang okay na okay sa akin dahil hindi pa naman ako handa na kausapin sya. ng biglang mapindot ko si manong “enter”. Syempre natameme ako. napatingin sa munti kong laptop at napaisip kung anong ginawa ko. Haha istupida ka yeine! para saluhin ang mukha ko na nahulog ata mula sa ikatlong palapag ng bahay na tinitirahan ko nagpadala pa ako ng isang message na “erase erase. hindi ko dapat isesend yan. hehe” ako na talaga ang tanga. tapos di pa nagpaawat ang daliri ko at itinaype pa ang “pero I actually felt good” Grrrrrrrrrrrrrr. I felt terrible! pakiramdam ko binato ang ng sandamakmak na kamatis habang may sumisigaw ng Loser Loser! Hindi ko alam kung magrereply sya at sana huwag na. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dahil sa katangahan at biglang kaba ko nagsign out ako bigla at nangakong hindi na bubuksan ang ym id na yun. At at hindi ako magaling tumupad sa pangako bwahahaha! Hindi ko alam kung mababasa nya itong entry na ito pero ibibigay ko na din ang mensahe ko sa kanya.

 

Cot:  Huy kung mabasa mo ang messages na un sa ym mo na hindi ko alam kung ginagamit mo pa. Utang na loob wag kang magrereply. Salamat. Pasensya na dala lang ng katangahan. at pag ka miss sayo *takboooooo* LOL!

 

Tulugan na. *sigaw* Namimiss mo din akoooooo! Alam ko un! haha!

 

Posted by yeinechan at 6:22 am | permalink | Add comment

Sya, ako at si Bob Ong.

December 24, 2010

Thank you Mhaddie dahil sa’yo nakadama nanaman ako ng kalungkutan choz! hehe! Dahil sa post mo sa facebook na nabasa mo na ang PINAKABAGONG libro ng talentadong si Bob Ong na may titulong

“Ang mga kaibigan ni Mama Susan” 


  

(pinangalingan ng larawan)

Sympre nalungkot ako bigla. Walang kinalaman sa sasapit na pasko. 

Akalain mo na dumaloy nanaman ang alaala ng gago na yun. 

Dahil paborito nya si Bob Ong, napilitan akong magustuhan din ang tema ng pagsusulat nya, sapilitan ba haha.

Naalala ko pa na sa anim na libro na sabay sabay kong binili dalawa lang ang nagustuhan ko.

“Alamat ng Gubat” na sa sobrang babaw ko mag-isip at sobrang excited sa mga makukulay na larawan

hindi ko naintindihan ang libro. Kabulukan pala ng sistema ng gobyerno ata, ako naman hanggang sa huli ung lunas pa rin 

para sa may sakit na ama ng bida ang konsentrasyon ko hahaha sorry nomon!

Ung pangalawa hindi ko matandaan ang title. Nagustuhan ko sya dahil buhay na buhay ang istorya. Parang lumalabas ang karakter sa bawat letra. Bawat pagmumura at pagsigaw ay animo’ naririnig ko ng malinaw at matuwid sa magkabila kong tainga.

Ang ika-pitong libro “Kapitan Sino” o well, hindi masusukat ang pagmamahal mo sa isang tao kung mag effort ka iscan ang bawat pahina para lang mabasa nya, wala atang pambili ng libro ang mokong hehe o sadyang matipid ako at hindi ko ipinadala sa kanya. Ini-scan nga ng bruha ang bawat pahina at sa nakakalokong pangyayari nagreklamo pa ang pinagbigyan dahil nga naman hindi sunod-sunod ang mga filenames. Hahahaha hindi ko kasalanan un. Hanggang ngayon hindi ko aaminin na kasalanan ko yun.

Natatawa ako weyt thurr. hahaha! Hindi tuloy kami nagkatuluyan tsk tsk.

Ayun nga, yung bagong libro ni Bob Ong. Ayaw ko basahin. Dahil una, nawala na ang kras ko kay Bob Ong at saka wala na ang mascot sa buhay ko kaya ayaw ko na rin basahin ang mga likha nya. Pero nacurious din naman ako. Hinanap kay mr.yahoo ang mga book reviews ng mga adik na blogista at poof dang daming spoiler man! at ang masaklap na resulta NATAKOT ako ng sobra. hahaha. Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa ng reviews ng libro.

Akala ko magiging malungkot ang mood ng entry na to. Hindi pala haha! 

Naalala ko ung gago na un na sobrang namimiss ko na pero natatawa ako sa sarili ko dahil naalala ko nanaman ang kakaunting nabasa ko at kasalukuyang natatakot ako ngayon. Pero good news! Ang Amazon Kindle 2 ebook reader ay mukhang mapapasakamay ko na nagyong pasko sympre regalo ng mga Ate’s. O sige, dito na lang muna. kei?

 

Ay nga pla.

 

Happy Christmas Everyone! 

Unang pasko na wala sa Pilipinas.

Unang pasko na mag-isa.

Unang pasko na iiyak sa lungkot.

Unang pasko na isusumpa kung bakit pa may snow.

 

Ang hirap madulas ah. :D

Posted by yeinechan at 9:25 am | permalink | comments[3]

Birthday ko kaya! :)

November 29, 2010

Birthday ko! hehe! I turned 24 today! nasa trabaho ako. Walang celebration na nangyari pero ok lang. Hindi ako malungkot na malungkot. Tapos na ang birthday ko sa Pilipinas pero dito may 35 minutes pa ako. Ang daming bumati sa Facebook, ung iba, alam talaga nila, ung iba naman ipinaalala ng facebook haha. I am happy! :) Wala man akong hinipan na kandilai. Walang umawit ng happy birthday ok lang. Sa halos isang daan na tao na bumati sa akin magmula pa kahapon hindi ako napagod sa pasasalamat sa kanila ng isa isa. Kahit pagod ako at may trabaho pa bukas ayos lang. Kung baga sulit. I praise the Lord for another year. I just give Him all the glory and honor.

 

 

Happy birthday yeine! 24 ka na! *LOL*

 

Posted by yeinechan at 7:24 am | permalink | comments[4]

Hindi na alam.

November 23, 2010
Katulad ng taytol ng lathala na ito, hindi ko na nga talaga alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Ilang buwan na lang at matatapos na ang walang kwentang kursong kinuha ko na sa hinaba haba ng klase ay wala ata akong natutunan kung di ang mairita sa mga kaklase kong kung hindi ubod ng aarte ay ubod naman ng yayabang. Mabibilang ng daliri mo at daliri ko sa kamay at paa kung ilang beses akong pumasok sa eskwela. Wala nga raw ako “focus” sabi ng Tito ko. Kulang na lang sabihin nya na sana hindi na ako nag-aral ulit. Wala naman akong problema, sa anim na subject na meron ako, wala naman akong ibinagsak. Ewan ko na lang sa tatlo pang natitira.
Hindi ko na alam talaga kung ano ang gusto kong gawin. Madalas naiisip kong umuwi.
Kung bakit ba naman kasi nauso pa ang salitang home-sick. Madalas gusto kong huwag ng tapusin ang kurso ko ngayon, mag-withdraw pero wag sayang ang matrikula na nagastos ng nanay ko.
Sa trabaho naman, madalas okay ako. Wala naman kase akong pakialam sa mga tsismis na maririnig mo sa kapwa Pilipino mo. Minsan lang talaga wala kang magawa kasi bago ka. Hindi man ako umaayon sa agos, hindi rin naman ako sumasalungat sa alon. Kung minsan masarap kasama sa trabaho ang kapwa mo Pinoy, pero may mga pagkakataon na hindi din maganda. Kaya naiisip ko ring lumipat ng trabaho.
May mga gabing gulong gulo ako sa pag-iisip, wala ka na nga inspirasyon, nagkakagulo pa ang neurons mo sa utak. Bukod pala dito, iniisip ko din na lumipat ng Glasgow para kasama ko ang Ate. Maraming advantages yun. Una, hindi ako magugutom. Hindi ko sinasabing nagugutom ako pero ang pagkatamad ko ngayon sa pagluluto ay sobra na. Lumalaki ang gastos ko sa pagkain ko na instant. Pangalawa, mawiwili ako sa pamangkin ko. Pangatlo, mababawasan ang homesickness ko at pang-apat, libre ako sa upa sa bahay. Isa lang naman ang disadvantage, mawawalan ako ng trabaho. Literal balik nanaman ako sa pagiging PAL. 
Eto pa pala ang isa. Yang nakakairitang masteral na yan. Ginugulo ako masyado nyan. Gusto ko na ayaw ko na gusto ko. Napakagulo ko lang. 
Oo ang gulo gulo.
HINDI KO NA TALAGA ALAM.
Posted by yeinechan at 6:30 am | permalink | comments[1]